"Nadikit mo na yung note mo for today?" tanong sakin ni Harlene nang makaupo ako sa upuan ko.
"Yep! Si Fritzie ang nagsulat pati na rin ang nagdikit sa locker kanina." sagot ko.
"Ano sabi mo?" pamamalita niya.
"Sa last note kasi, sabi niya magpakilala na raw ako. Bwahaha kaya eto reply namin." panimula ko bago isinulat sa likod ng notebook ko ang mismong sulat namin sa note na kadidikit lang sa locker kanina.
-----------
Baka nga po kilala mo na ako eh. HAHAHA!
- Herat
-----------
"Ohh~ tarayyy." react niya bago tumawa.
"Tapang no? Bwahaha!" tawa ko pabalik.
"Wait na lang uli natin reply. Pero ingat ingat lang at baka magkahulihan." advice ni Harlene.
"Fighting!" chant ko bago umayos ng upo dahil nandito na ang teacher namin.
----------------------
*Fast Forward*
"Nakuha niyo na?" tanong ko kina Fritzie at Pauleen.
"Yeseuuuuu!" sagot nila bago ipinakita sa akin ang reply.
-----------
Baka nga po kilala mo na ako eh. HAHAHA!
- Herat
Hindi kita kilala haha! PM me :)
-----------
After kong mabasa, syempre natuwa ako. Pero napansin ko lang na andun yung emptiness na binibigay ng thought na hindi serious ang dating ng approach na to, kaya siguro sinabi niya na mag-pm na ako.
Pagkatapos madrag ng mga notes ng ilang araw, naisip kong itigil na yun. Either magcoconfess na ako officially or sisimulan ko nang lumayo sa kanya. Andami ko pa rin kasing doubts. Hindi ko pa nga sure kung may girlfriend siya o wala eh.
Kasi kung meron, lalayo na talaga ako...
-----------------------------
*Few days later*
Nandito kami ngayon sa auditorium para magbantay sa gate dahil ngayon gaganapin ang pre-pageant ng Mr. and Ms. Campus.
"Kung gusto niyong manood sa loob, okay lang naman. Ako na muna magbabantay dito." suggestion ni cor kasi halos magiisang oras na kaming nakabantay sa gate.
"Naku! Keri namin to cor! Samahan ka namin dito ni anak (Naomi)." nakangiting sabi ko. Anyways baka magkalituhan tayo, bigla na lang kasi talaga akong nagkaroon ng nickname para kay Naomi.
Given na pareho kami ng personality na nakuha sa test ng 16 personalities, naisip ko lang na maging mother mother niya bigla. Saka mas madali rin kasing banggitin yung 'nak' or 'anak' kaysa sa name niya bwahaha!
"Sige, kung ganoon. Salamat!" nakangiting sabi ni cor na tinanguan naming dalawa.
Anyways, enjoy naman sakin ang magbantay sa gate kasi close up kong makakasalamuha si Eros na heto na nga't lalabas. Tinulak naman ako paharap ni Naomi para ako magbukas ng gate.
Bagamat kabado sagad ako, mabilis akong lumapit sa gate at pinagbuksan siya nito. Pagbukas ko ay agad naman akong nakatanggap ng maliit na ngiti at ng mahinang "Salamat" bago siya tuluyang lumabas.
Nang mawala siya sa paningin namin ay nagtulakan naman kami sa kilig ni anak. Nagstay lang kami dun sa may gate for almost 5 minutes din ata nang makita ko si Eros na papalapit sa gate. Papasok siguro para ipagpatuloy ang panonood. Kaso hindi yun ang main point. May kasama siyang babae at masaya silang nagkkwentuhan.
Nakilala ko yung girl bilang dati naming kaschoolmate, na siya ring nababalita kong girlfriend niya raw. Nabaling ang tingin ko sa kanila nang pagbuksan na sila ng gate ni cor.
Pareho naman kaming tila natuod sa gilid ni Naomi. Pinagmamasdan lang yung dalawa na umupo na sa lugar ng mga Grade 11.
"Paano kaya kung di ko siya pinalabas? Siguro hindi niya na nasundo si girl." pagbabasag ko sa katahimikan. Tinutukoy ko yung pagbubukas ko ng gate sa kanya kani-kanina lang.
"Kahit anong gawin mo teh, magkikita at magkikita pa rin sila. Kasi kahit hindi mo siya palabasin, si girl naman ang pupunta sa kanya." hugot bigla sakin ni anak.
Napailing na lang ako bago malungkot na napangiti dahil alam ko sa sarili ko na tama ang tinuran niya. "Siguro panahon na nga talaga para maghanap ako ng bagong ideal." nasabi ko na lang na tinanguan naman ni Naomi na sinundan ng mahabang katahimikan.
Nang maisip kong basagin uli ito. "Si Kuya Nathan na lang kaya?" tukoy ko sa kuya ni Naomi.
"Che! Kadiri ha." react pabalik ni anak na nagpatawa sakin.
Indeed, ang weird naman kasi kung kapatid ng bestie mo ang ic-crush mo. Pero bet ko lang rin na asarin si Naomi kaya lagi kong sinasabi yun pag may chance ako bwahhaa!
--------------------------------
BINABASA MO ANG
Heroine's First Love
ChickLitHeroine - a woman admired or idealized for her courage, outstanding achievements, or noble qualities First Love - one's first experience of the feeling of romantic love Madali ang mag-assume, pero mahirap ang masaktan. Tokwa, paano nga ba natin mal...