Heroine 8 : Last Chapter

19 3 5
                                    

Phoebe Adrianna's POV

Ilang araw na akong tumatambay sa bahay nina Naomi mula ng matapos ang formal classes namin. Tamang karaoke, gaming, at movie marathon lang this past few days. Waiting na lang kasi kami bale for graduation, Hoho! 

So ayun, nang bigla kong naisipan na magbigay ng isang parting gift kay Eros. Sa gift na ito, i-invest ko na lahat ng natitira ko pang feelings sa kanya para maka-move on na talaga ako. Yes, nakipagdiskusyon na ako sa sarili ko. Hahaha!

Na, the moment na maibigay ko sa kanya yung gift, kasama na rin nito ang feelings ko. Oo, medyo andaming alam ang dating, pero eto lang kasi ang naisip kong way para makipag-ugnayan sa stubborn self kong ayaw sumuko. Tamang agreement lang sa sarili ganun. Pfft.

So, speaking of THE gift. Kailangan hindi masyado mahal nor masyadong in-effortan, dahil given na wala naman talaga kaming pinagsamahan, feeling ko ang burndensome naman sa part niyang tumanggap ng mga gift na ganun. With that in mind, napagdesisyonan kong magpasama kay Naomi sa mall para bumili ng parting gift ko kay Eros.

-------------------

"Ayun! Feeling ko maraming ginto diyan." biro ko sabay turo ko sa Expressions.

"Pwede! Maraming cute na gamit diyan, mura pa!" segunda naman sakin ni Naomi na ikinatango ko bago kami nagsimula ng maglakad papasok dun.

Tumbler, key chain, notebook, journal, picture frame, mug, at mga school supplies. Halos 20 minutes na ata kaming paikot-ikot dito pero wala pa rin kaming final product. My goodness! Natigil ako sa pagdadrama ng tawagin ako ni Naomi.

"Phoebe! Eto kaya?" ani niya sabay pakita sakin ng maliit na snow globe. Mayroon rin siyang maliit na snowman sa loob. Ang cutie! Pagtingin ko sa price, 75 pesos lang.  Bongga na!

"Hmm~ pwede! Kaso baka hindi niya style yang mga cute na ganyan." worry ko. 

"Pero anyways, kung wala na talaga tayong makita pa, eto na lang talaga." nakangiting sabi ko na sinangayunan naman niya bago kami naghiwalay ulit para maghanap ng iba pa.

Sa tabi ng mga frames, napadako ang tingin ko sa mga maliliit na wood frame na naglalaman ng mga bible verses. Napaclap naman ako ng maalala kong sakristan nga pala siya! Haha! Siguro naman hindi niya tatanggihan ang salita ng Diyos.  

Agad ko naman ng tinawag si Naomi at ipinakita sa kanya yung parting gift na napili ko with matching explanation kung bakit ko napili yun. Natawa naman siya dun sa part na hindi ni Eros matatanggihan ang salita ng Diyos, pero over all, agree naman siya sa napili ko. 

Pagtingin ko sa price, 35 pesos lang. Kaya naisipan kong dalawa na ang bilhin para tig-isa kami. Couple frame ang peg. Bwahahaha! Although wala siyang idea na couple item yun. Last naman na, kaya pagbigyan na natin.

-----------------

Pag-uwi namin sa bahay nina Naomi, nasabi ko rin na wag na lang ibalot siguro, kasi ang effort ng dating. Bwahaha! Ako na talaga ang pinaka-paranoid sa lahat. Pfft. Ayoko lang talaga kasing mabigatan siya sa ibibigay ko.

Anyways, so ayun nga. Halos araw-araw kaming sakay ng e-bike niya habang nag-iikot sa subdivision nila dala yung gift. Paminsan minsang dumadaan rin sa street nina Eros pero hindi namin siya nakikita. Ang nakakaloka, kapag nakikita namin siya, doon naman namin hindi dala yung gift.

Halos mag-iisang linggo na ganun ang peg namin. After practice ng graduation, diretso agad kami sa bahay nila para kunin yung e-bike at dumaan sa street nina Eros kasama yung gift.

Hanggang sa isang araw, nagkatotoo na rin sa wakas ang hiling namin. Nakita na rin namin siya sa wakas nang dala rin namin ang regalo. Sa tapat ng bahay nina Eros ay isang basketball court. At kasalukuyan siyang naglalaro doon ngayon kasama ang nakababatang kapatid niya pati ang iba pa niyang mga kaibigan na hindi ko kilala.

Heroine's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon