"Noona! (Janelle) Saan kayo galing?" tanong ko ng makitang galing ata siya kabilang dako ng building. Kalalabas lang kasi namin nina Naomi at Harlene sa science lab (na ginawa na naming tambayan) nang makasalubong namin si Janelle na mukhang pagod na pagod.
"Sa room ng Grade 11. Takte, tayo na pala talaga ang sasayaw sa mass demo. Sabi ni sir, pag-aralan daw namin ni Fritzie yung sayaw tas ituturo na lang raw namin sa mga Grade 11 pagkatapos. Tutal kaunti lang naman daw kasi sila, isasama na lang tayo, although hindi naman kailangan lahat ng Grade 10. Kahit participation lang daw ng tropa natin at least to be specific." stress na chika niya samin.
Bago pa kami makapagbigay ng mga follow up question, nagpatuloy si Janelle. "Wala pa si bebi mo. Hahaha! Pero baka nandun na siguro siya ngayon. Gusto niyo sumama?" alok niya samin.
Bagamat nag-aalangan pa ako napatingin nalang ako kina Naomi at Harlene. "Tara?" tanong ko sa kanila. Nakatanggap naman ako ng 'sasama ba ako o hindi?' na tingin kay Naomi, si Harlene naman ay mukhang okay lang sa kanya kung sasama o hindi.
"Kelan ba pupunta?" tanong ko kay Janelle. "Ngayon na." sagot niya.
"Oh?!" gulat kong react.
"Teka, ilalagay ko lang yung baunan ko sa room." paalam samin ni Janelle bago sabay-sabay na kaming pumunta sa room nila Eros.
----------
"Noona, okay lang kayang pumasok?" paninigurado ko.
"Oo, okay lang yan. Tara." ani ni Janelle at nauna ng pumasok kasama si Fritzie.
"Medyo napag-aralan na namin yung ibang steps. Ituro na ba namin?" tanong ni Janelle.
"Sige lang." sagot ko at inilibot ang mata ko sa room nila. Agad namang nabaling ang paningin ko sa lalaking katabi ni Roxanne (isa sa mga Grade 11), si Eros.
"Dito oh, panoorin mo na muna." sabi ni Janelle sa akin at ni-play ang video ng dalawang taong sumasayaw ng 1920s hanggang 2015 na styles ng sayaw. Paupo na sana ako sa isa sa mga upuan ng mapansin kong hindi pa rin pala pumapasok sina Harlene at Naomi. Agad naman akong pumunta sa may pinto para buksan ito at tingnan kung nasaan na napunta yung dalawa.
"Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko ng makita ko silang nasa labas pa rin pala ng room ng Grade 11. "Pasok na kayo." yaya ko sa kanila at mas niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto.
"Okay lang ba? Nakakahiya." sabi ni Harlene.
"Okay lang yan! Tara!" muling aya ko at pumasok na sa loob. Dahan-dahang binuksan naman nila lalo ang pintuan at pumasok na.
"Upo muna kayo oh. Panoorin daw muna natin, tapos ituturo na sa atin nina Janelle at Fritzie kapag medyo familiar na tayo sa steps." panimula ko bago umupo sa may tapat ng laptop. Sumunod rin naman agad ang dalawa at nagsi-upo sa tabi ko.
Spell A-W-K-W-A-R-D. Nakakaloka. Hindi ko alam kung ako lang ba? O talagang ang awkward lang talaga ng atmosphere? Muli naman akong sumulyap sa direksyon nila nang makitang may kanya-kanya rin silang ginagawa. Mayroong nagce-cellphone at mayroon din namang nakikinood lang.
"Ayan, ituturo na namin ni Fritzie yung sayaw, para mabilis na lang rin, nang maituro niyo rin sa iba pang mga sasayaw pagkatapos." sabi ni Janelle at pumwesto na sa likod. Agad rin naman na kaming sumunod nina Naomi sa kanya.
Noong una ay sinasabayan pa lang namin sila pati ang video. Kaso dahil sa masyadong mabilis, niistop na muna namin nina Janelle ang video at napagpasyahang magcountings na lang muna kami.
Habang nagp-practice napansin naming ginagamit na pala nila Roxanne ang laptop, hindi tuloy namin maisagawa ang practice ng maayos dahil wala kaming nakikita as reference. At dahil sa nahihiya naman kaming hiramin ang laptop sa kanila, napagpasyahan nalang namin na umalis na lang muna at bumalik na lang mamaya.
Pagbalik naman sa room, naabutan namin ang mga kaklase namin na nagtutulong-tulong sa paggawa ng costume ng pambato namin sa Mr. and Ms. Campus, kaya naisipan naming tumulong na lang rin.
Habang nagdidikit-dikit ng mga papel, nagawi ang tingin ko sa may pinto, na kasalukuyang nakabukas nung oras na yun dahil sa marami ang gumagamit ng kandila para sa props, nang makita kong sama-samang papaalis ang mga Grade 11.
Agad ko namang sinabi kay Noona (janelle) na umalis na sila, kaya baka sakaling pwede na kaming magpractice. Sumang-ayon naman siya at sinabing dalhin na rin namin ang mga bag namin dahil mahirap na at talamak ang mga nakawan sa classroom.
Pagpunta namin sa room nila, nakita naming nakapatay na ang laptop at nakatabi na ito sa gilid. Wala na ring tao at nakaayos lang ang mga bag nila sa gilid. Agad naman naming kinuha ang laptop at binuksan ng matigilan kami dahil may password pala.
Kaya bumaba sila Fritzie at Janelle saglit para sana hanapin si sir at tanungin ang password. Habang si Naomi, Harlene, at ako naman ay nagpaiwan para magtour sa room ng Grade 11. Isa-isa naming binasa ang mga quotes na nakapalibot sa roomnila at pinasakit ang ulo namin sa pagiisip ng kanya-kanya naming interpretation about sa mga yun.
Maya-maya lang ay nakabalik narin sina Janelle at Fritzie at ipinagpatuloy na namin muli ang practice. Nang nasa 1970s na kami ay naisipan naming magpahinga at ipagpatuloy na lamang ang practice namin sa susunod. Pinatay na rin namin ang laptop at itinabi uli ito sa kung saan namin ito natagpuan kanina.
Sa kadahilanan na bukas ang aircon at kaming lima lang naman ang nasa room, naisipan namin na magstay na lang muna saglit sa room nila, tamang tambay lang ganun. Sina Harlene at Naomi ay naisipang hulaan kung kaninong mga bag ang mga nasa gilid, habang ako naman ay natripang humiga muna sa long table saglit.
Nang makita ako ay lumapit sakin si Noona. "Hahaha! Parang pasyente lang ah?" biro niya na naisipan ko naman ng bright idea.
"Noona, gawin natin yung mga nasa drama. Yung CLEAR chorva." natatawa kong suggestion.
Natatawang sumang-ayon naman si Janelle at ipinwesto na ang kamay sa may bandang gitna ng dibdib ko.
"CLEAR" sabi niya at agad ko namang itinaas ang katawan ko. Kunwari naramdaman ko talaga yung shock.
"Pfft. HAHAHAHAHAHAHA!" tawa naming lahat kasi balakang ko lang ang umangat.
"Tokwa! Bwahahahah! Laftrep! Isa pa nga." aya ko pa. Natatawa namang ipinuwestong muli ni Janelle ang kamay niya nang biglang bumukas ang pintuan.
Ang nakangiting mukha ni Roxanne pagbukas ng pintuan ay agad napalitan ng pagkalito. Ganun din ang reaksyon ng nakasunod at ngayong katabi niya na rin sa may pintuan na si Eros.
Nang marealize ko ang kaweirduhan ng itsura ko ay agad na akong bumangon at dahan-dahang naglakad ng nakayuko papunta sa likod ni Janelle para magtago.
"Ahm.. Paalis na rin po kami." nahihiyang paalam ni Janelle at sabay-sabay na kaming pumunta sa gilid para kunin ang bag namin. Halos nakipagunahan rin ako palabas dahil sa kahihiyan pagkatapos.
Nagkataon naman ding nakasalubong namin ang iba pang Grade 11 na papaakyat pa lang sa gitnang hagdan. Kung nagkataon pala, posibleng nakita rin nilang lahat ang kalokohan namin. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa na si Eros at Roxanne lang nakakita ng itsura ko o ano eh.
--------------
"Waaa! Sa tingin mo, nakita kaya nila yun Noona?" tanong ko kay Janelle.
"Haha! Hindi naman siguro. Ang naabutan lang naman nila, nakahiga ka lang sa table." natatawang pampalubag loob sakin ni Noona.
"Ikaw nga Noona, ano maiisip mo sa akin kung ikaw si Eros at nakita mo akong nakahiga sa table niyo?" tanong kong muli.
"Hm~ Haha! Wala. Siguro ang weird. Yun lang." nakangiting sagot niya.
"Hays! Makakalimutan niya rin yun. Tiwala lang." nasabi ko na lang sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Heroine's First Love
Literatura FemininaHeroine - a woman admired or idealized for her courage, outstanding achievements, or noble qualities First Love - one's first experience of the feeling of romantic love Madali ang mag-assume, pero mahirap ang masaktan. Tokwa, paano nga ba natin mal...