Ilang araw na ang nakalipas simula ng sabihin ko sa sarili kong magmo-move on na ako. Nakakaloka, alam niyo ba na kahit todo effort na ako sa pagiwas, lagi pa rin talaga nagku-krus ang mga landas namin ni Eros?
Isang halimbawa na lang yung nagpatuloy kami sa pagpapractice para sa mass demo. Although hindi siya sasayaw, parati naman siyang nasa gilid at nanonood sa mga practice namin. Imagine the awkwardness na nararamdaman ko that time.
Anyways, ayun nga. So nagperform kami sa harap ng madlang people by pair. Kahit todo ang pagpipilit namin kay Naomi na pumayag ng maging kapartner si Justin (manliligaw niya) sa sayaw, wala eh. Strong ang paniniwala ng ateng niyo. Dalagang filipina siya.
Ayun, ako tuloy naging partner ni Justin. Bwahaha tokwa okay lang talaga kami ni Justin (note the sarcasm). Anyways mabuting tao naman siya talaga kaya nga bet ko rin siya para kay Naomi. Matalino na, gentleman pa.
Speaking of Naomi, ayun, si Harlene ang partner niya sa sayaw. Hahaha! All in all, enjoy pa rin naman ang experience. Mukha namang proud rin sa mini performance namin si sir Ace na siyang adviser nila na naginsist na sumama kami sa Grade 11 para sa sayaw, kaya all is well naman talaga.
Isa pa yung time na nagconduct ng 'Lakbay Langit Program' ang mga taga-UP sa school namin kung saan ang mga Grade 11 ang nag-oorganize nung whole event. Dito, sa school kami mismo natulog.
Nakakalungkot nga lang at apat lang kami nina Naomi, Harlene, at Janelle ang nakasali kasi either walang budget or hindi pinayagan ang iba pa naming mga friendship.
So going back, aside sa naka-attend kami ng mga mini discussions about stars and constellations nung gabi, gumising rin kami ng mga 4 or 5 ata yun para magtipon sa rooftop. Pinapila kami by three's para isa-isa sanang makatry sumilip sa tatlong telescope.
Buong event, nagfofocus lang talaga ako sa pagiwas sa kanya. Before I knew it, umaga na pala at nagd-disseminate na ng mga evaluation form ang mga nagcoconduct nung program.
Habang nagfi-fill up, nagk-kwentuhan kaming apat tungkol sa favorite naming star.
"Gusto ko yung Polarius!!! Ang cool lang kasi, siya yung nagiindicate sa mga sailors noon na nakaharap sila sa North." excited kong chika.
"Hahaha! Polaris yun." pagtatama sakin ni noona (Janelle)
"Ohh?!" gulat kong tanong na tinanguan naman niya.
Dahil sa may internet si Harlene, nisearch niya nga, to confirm. Turns out tama si noona. Bwahahah!
"Polarius pa more." asar ni anak (Naomi) na sinundan naman ng tawanan namin.
"Bwahahah tokwa! Polaris at Sirius, napagsama ko ata." natatawa kong sabi na mas nagpatawa lalo sa kanila.
Natigil ako sa katatawa ng may kumalabit sakin. Halos malaglag naman ang panga ko sa gulat nang makitang si Eros yun.
"May mga langgam diyan..." ani niya sabay turo sa lugar kung saan nakasandal ang siko ko. Napatingin tuloy ako sa itinuro niya at nakitang may mga langgam nga.
Agad naman akong umayos ng upo at pinagpag ang ilang langgam na nagapang na pala sa damit ko. Pagkatapos magpagpag ay mahina akong nagpasalamat bago ibinaling na uli ang tingin kina Janelle na nagbibigay na ng mga mapang-asar na tingin na ikina-iling ko nalang.
"Tapos na kayo mag fill up?" nakangiting tanong samin ni Justin na kalalapit lang sa pwesto namin. Katabi na niya bale ngayon si Eros na nangongolekta pala ng mga evaluation form na nafill upan na.
Tumango naman kaming apat bago iniabot sa kanila ang mga form namin. Pagkatapos makuha ang mga papel namin ay nagtungo naman sila sa iba pa.
Nang makalayo, ay agad akong lumapit sa pwesto ni noona at bumulong. "Noona, narinig rin kaya ni Eros yung Polarius ko?" kabadong tanong ko.
BINABASA MO ANG
Heroine's First Love
Chick-LitHeroine - a woman admired or idealized for her courage, outstanding achievements, or noble qualities First Love - one's first experience of the feeling of romantic love Madali ang mag-assume, pero mahirap ang masaktan. Tokwa, paano nga ba natin mal...