II.

55 4 3
                                    

"Babae ka ba talaga?"
Tinapunan ko sya ng isang matalim na tingin dahil sa tanong niya. "Why are you here?" pag iiba ko.


"Ikaw, bat nandito ka pa?" I frowned. Puro tanong walang sagot.


"Pauwi na ko." walang gana kong sagot.


"Kita mo namang delikado na sa daan maglalakad ka pa, bat di ka nagpasundo?" Pinagpag ko ang mga dumi sa damit ko. Langyang mga lalaki to. Sinamaan ko ng tingin ang mga lalaking nantrip saken na ngayo'y nasa gitna na ng kalsada, nakahandusay at mga walang malay. Ubusin sana kayo ng mga langgam kakakagat diyan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jarison na sunduin nalang ako dahil wala ng masasakyan.



"--wow! Are you listening Ms. Amazona?" nabaling ang tingin ko sakanya



"uhh, did you say something?"



"Sabi ko, niligtas kita mula sa kamatayan mo." sagot niya sabay tawa.
Napakunot noo ako.


"So?"


"Lahat ng tulong ko may kapalit"


"Edi sana di mo nalang ako tinulungan kung manghihingi ka lang rin naman ng kapalit." Tinalikuran ko na sya at nagsimula ng maglakad pabalik sa ice cream parlor, doon ko nalang hihintayin si Jarison at baka magka part two pa kung dito pa ko tumambay sa labas.


"May nakalimutan ka ata amazona haha."


Nilingon ko sya.
"Ano?"


"Goodbye kiss" sabay wink sakin.


"Fuck you!"


"I'm just joking." Natatawa niyang sabi.


"Really? it's not funny." Napasimangot sya. Tss, parang bata. Nagulat ako ng may itaas syang kulay asul na back pack. "HEY! that's mine!" galit kong sigaw sakanya.


"I know."
Tumakbo ako pabalik sakanya at akmang hahablutin ang bag ng bigla nya itong itinaas.


"Abutin mo baby!" pang aasar nya. Now he's making fun of my height.
Nakailang talon na ko pero di ko parin maabot. Tngna! Oo na! Siya na matangkad! Hindi naman ako maliit eh, kapre lang talaga sya. Bwiset!
Hindi na ko nakapagtimpi, Tinuhod ko ang tiyan nya.


"OWW! SHIT!" sigaw nya. Napapulupot nalang sya sa sobrang sakit. Agad kong inagaw sakanya ang bag saka sya tinalikuran. Bago ako tumakbo papalayo, nilingon ko muna sya sabay sigaw~


"Hey you Vanilla ice cream! thanks for saving me and I'm NOT hoping to see you again! Bye!"

————————
[Kinabukasan]

"Breakfast mo tapos mo na ba?" pabulong niyang sabi na may kasamang matamis na ngiti.


Tapos na."


"Hatid na kita."


"Wag na."


"Sige na, first day of school, dapat may maghatid sayo"


"Mukha ba kong kindergarten Jarison?"


"Kuya!" sigaw niya sabay simangot. Tss, parang bata eh.


"Ok fine. Kuya Jarison."


"That's more like it. So tara na?"


"Wag na sabi." Bakit ba paulit-ulit ang kapatid kong to? Alam niya namang mainitin ang ulo ko at madali lang akong mairita, tapos ito at kinukulit niya 'ko.


"Nakalimutan mo ba? Bagong school na ang papasukan mo ngayon. Medyo malayo yun kesa sa previous school mo. Mapapagod ka lang kung mag co-commute ka pa." Napabuntong hininga ako.


"Allison, hindi nakakamtay ang paghingi ng tulong, at isa pa, I'm your brother." Ang kulit talaga. Parang kagabi lang, galit na galit siya kasi late na ko naka uwi.


"Oo na, tara na." idinaan ko nalang sa pag irap ang nararamdaman kog pagkairita para di na humaba pa ang usapan naming dalawa.


"YES!"  Sobrang saya nya naman ata na ihatid ako. If i know, gusto nya lang makita kung maraming chix dun sa bago kong school. Ano nga ulit pangalan nun? Academe of Roanoke? Sa pagkakaalam ko puro elite students ang nag aaral doon. At bakit nga ba doon sa paaralang 'yon naisip ni daddy na ipasok ako? Mag e-expect na ba ako ng mga spoiled brats na mag iinarte sa harap ko araw-araw? Pag tumagal ba ko don magiging katulad na ko nila? Yikes. Napailing ako sa mga naiisip ko. Hindi talaga bagay sakin ang mag inarte, ang mag paka girly. Short skirts, high heels, make up, dating. Ugh!


Nauna ng lumabas si kuya Jarison. Pagkalabas ko ng bahay, agad kong tiningala ang bintana sa kwarto ni Madison sa second floor. Nakasara ang mga kurtina. Tulog pa ata sya. Nang nasa loob na kami ng sasakyan, agad akong tinanong ni kuya. "Hindi mo ba dinalaw si Madison kagabi?" Napailing ako.


"Sobrang pagod ako kagabi, kaya di ko na sya napuntahan"


"Nagtatampo na yun sayo." Alam ko, at nasasaktan ako dun. Habang nasa biyahe, si Madison lang ang laman ng utak ko. Baka kung ano na ang ginawa nun. Mag ta-tatlong buwan na syang nagpapahinga sa bahay, nanghihina na naman kasi ang katawan nya. Kahit di tanungin alam kong malungkot yun kasi di pa sya makakapasok ngayong pasukan.


In-on ko ang phone ko at agad na bumungad sakin ang litrato naming dalawa na naka display sa wallpaper ko. Ang mukha niya, na katulad ng mukhang meron ako.
Yun nga lang, kahit na magkamukha kami, sa tingin ng mas nakararami, mas maganda parin sya.


Her name is Madison Mourino. And she's my twin. Mas matanda ako ng walong minuto sakanya. Dati kaming magkaklase ni Madison, at kung iniisip niyo na dahil sa kambal kami ay pareho na kami ng personalidad, well hindi.


Sa dati kong school kung saan kaklase ko siya, lagi akong naikukumpara sakanya. Siya na kilos babae, ako na siga at bully. Siya na mahinhin, ako na basagulera. Siya na matalino, ako na laging may red mark sa card. Siya na gusto ng lahat, at ako na walang kwenta. Siya na laging binibigyang pansin, at ako na binabalewala.


Nung pinanganak kaming dalawa, sinabi raw ng doktor na may magiging sakitin saming dalawa. At nangyaring si Madison nga iyon. Sana nga ako nalang yung lumaking sakitin eh.


Nilipat ako ngayon ni daddy sa ibang school dahil sa gulong nagawa ko last school year. Tss. Para namang sobrang laki ng gulong yun. Pinasabog ko lang naman ang room ng 11-ICT. Nandun ang grupo ng mga hinayupak na nang gulpi sakin. Gumanti lang ako. Dapat nga sana akong kasuhan ng Arson, pero minor pa ko at isa lang akong estudyante kaya hindi pa ko pwedeng kasuhan ng ganyang kabigat na kaso. Isa pa, hindi ko naman talaga sinunog totally yung buong classroom, yung limang upuan lang naman ang kinain ng apoy. Gusto ko lang naman talagang takutin yung mga gagong nang gulpi sakin.


Matagal na kong ganiyan. Pero ngayong school year lang napag pasyahan ni daddy na ilayo na ko ng school. Kahit di nila sabihin, alam ko namang ang dahilan ay ang kakambal ko, ayaw nilang mahawa si Madison sa mga kasamaang ginagawa ko. Ayaw nilang madumihan ang magandang pangalan ni Madison doon dahil lang sa fact na may kakambal syang lapitin ng gulo.


Pero kahit na ganun kung ituring ako ng mga tao dahil sa kanya, kahit na alam kong mas mahalaga sya sa mata ng mga magulang namin, mahal na mahal ko ang kakambal kong 'yon, at
bilang kakambal nya, ako ang poprotekta at magpapasaya sakanya.

—————————
xEightPotatoedt

Who are you?Where stories live. Discover now