5:00pm.
(Now playing: A Little Braver by New Empire)..the playgrounds they got rusty and your heart beats another ten thousand times before I got the chance to say, I miss you..
Napatawa ako ng mahina. Isa ako sa mga taong may mahigit isang daang kanta sa cellphone, pero paulit-ulit na nakikinig sa iisang kanta. I don't know why, but this song is making my soul calm.
Uwian na. San kaya magandang daanan bago umuwi? Ice cream parlor? Quantum? Library? Biglang tumigil ang kanta kaya napatingin ako sa cellphone ko. Jarison is calling.
I answered it."Yo"
[where are ya?]"Walking to the bus stop."
[and where are you planning to go?]"I don't know~ siguro sa Quantum? Or dadaan nalang muna ako sa ice cream parlor—"
[Wait, stop. You should come home early. Umuwi sila mommy at daddy and we will be having a dinner together.]Fuck.
"Can I say no?"
[No you can't, so make sure na before seven ay nakauwi ka na, okay?]
Napailing nalang ako saka ibinaba ang tawag. Makikita ko na naman ang mga taong iniiwasan kong makita. Pwede bang magpaka busy nalang sila sa kanilang trabaho? Tutal dati pa naman talaga silang walang oras samin, pwede bang panindigan nalang nila?Palabas na sana ako ng gate ng biglang may malamig na likidong dumaloy sa noo ko. Hanggang sa naramdaman kong buong katawan ko na ang napapatakan. Shit umuulan. Aatras na sana ako para bumalik nalang muna sa loob at hintaying tumila ang ulan ng mapansin kong di na ko nababasa.
Wala ng ulan? ambilis naman ata?"Wag ka ng magtaka,
pinapayungan kita" Napalingon ako sa boses na nanggagaling sa likuran ko. Nang makita ko kung sino ang may ari ng boses na iyon ay agad na nag iba ang reaksyon sa mukha ko."Ano na naman ESTEBEN?!"
"it's Steven"
"Whatever."
Lumayo ako sakanya."O ano? magpapakabasa ka?"
tanong nya."Bahala nang mabasa ako ng ulan wag lang kita makasama sa iisang payong"
Matapang kong sabi. Nakakadalawang hakbang palang ako palayo ng bigla nya kong hilahin pabalik sa ilalim ng payong nya. Ano bang problema nito?!"Bingi ka ba? Kakasabi ko lang diba? I don't want to---"
"Hold this" pinahawak nya sa'kin ang payong.
"What-"
"You can use that, now go home" hindi na ko makasagot dahil panay tulak niya na sakin papalayo. Ano bang problema nya? Edi sya na ngayon ang mababasa sa ulan.
Lumingon ako.
Nasa malayong parte na sya ng kalsada, pero kitang kita ko mula rito ang basa nyang damit.
Punyeta! Pag nagkasakit kang baliw ka wala akong kasalanan ah!..................................................
"So, how's your first day of school Alli?" Mom asked. I gave her a fake smile.
"I loved it." I am being sarcastic here. Napa iling nalang siya sa inasta ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay daddy na ngayo'y sarap na sarap sa pagkain. Parang wala lang tao sa paligid niya ah?
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at ng maka alis na ko dito. Ang hirap lang ilunok ng pagkain pero kailangan ko ng magmadali at baka sa'kin na naman mapunta ang usapan.
"I'm done. Can I go back to my room now?" I faced them without any emotion written on my face."Pwede mo ba 'kong puntahan mamaya sa kwarto ko?" it's Madison.
"Sure." I smiled at her. I was about to turn my back when dad suddenly spoke.
"Avoid being so reckless at your new school Allison. This is not a punishment. I am doing this for your own good." I faced him.
"But if you could at least tell me the main reason of why you are doing this—"
"You don't have to know."
"OF COURSE I HAVE TO! Buhay ko ang pinapakialaman dito dad! Kaya may karapatan akong malaman kung bakit kailangan mo akong ilayo." napasigaw na ko.
"Allison! Wag mong sigawan ang daddy mo!" suway sakin ni mommy.
"Why did you even come here? After two months ngayon niyo lang kami naalala. I mean—hindi pala ako kasama." napatawa ako ng payak. "Kelan niyo ba ko kinonsiderang anak niyo? Alam ko namang masyado na kayong busy sa trabaho niyo at isa lang akong indibidwal na dumadagdag sa problema niyo. Kaya naman, di ko inaasahang nagka oras pa talaga kayo para pakialaman ang buhay ko." mahinang hinila ni Madison ang dulo ng shirt ko bilang senyales na tumigil na ko.
Bumuntong hininga ako saka sila tinalikuran na ng tuluyan. Dapat talaga dumiretso nalang ako sa library kanina, o kahit saan maliban dito sa bahay. Dapat talaga umiwas nalang muna akong makita sila.
——————————————
xEightPotatoedt
YOU ARE READING
Who are you?
Teen FictionThe funny thing about falling in love is that you never really know if that certain person is the right one; And while you're on this stage, you tend to be moved by even just the simplest gesture because you are indeed in love. But, the latter subj...