"Here's your choco-lava ice cream ma'am, enjoy."
Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng bakanteng mesa. Wala pang tatlong segundo ng makaupo ako ay agad ring tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
Jarison calling.."Yo!" bungad ko.
[Allison Mourino! Alam mo ba kung anong oras na?!]
Sinilip ko ang wrist watch ko.
It's already 9:00pm."Pauwi na" sagot ko nalang saka hinubad ang bag na suot ko.
[Nasaan ka at ng masundo kita?]"No need. Nasa ice cream parlor lang ako at maya-maya ay uuwi na rin."
[Ang lamig ng panahon tapos kumakain ka ng malalamig.Weirdo!]"Binasted ka na ng nililigawan mo, hinahabol mo parin. Dimwitted!"
[Shut up! Sige na, siguraduhin mong nandito kana before 10, kung hindi makakarating na to kay daddy. Naiintindihan mo?!]"Yes po, Kuya." sarcastic kong sabi.
Tatlong araw na to. Sunod-sunod. Lagi nalang akong late nakakauwi. Masyado na ata akong nawiwili kakabasa ng mga novels sa public library. Hinihiram ko naman ang iba. Pero may mga pagkakataon talaga na masyado na kong nalulunod sa mga pangyayari sa nobela at hindi ko napapansing dumidilim na pala sa labas.Binuksan ko na ang cup ng ice cream na binili ko. Wait, something's missing.
Oh, spoon. Nakalimutan kong kumuha ng spoon. Bumuntong hininga ako saka tumayo at bumalik sa counter."Yes ma'am?"- nakangiting tanong sakin ng lalaking cashier.
"Spoon." -tipid kong sagot.
Agad nya namang binigay ang hinihingi ko. Pero bago ako makaalis ay tinapunan nya pa ko ng isang pilyong ngiti. Jerk.Pabalik na ko sa table ng may nakita akong lalaki na nakapwesto na doon at sarap na sarap sa pagkain ng vanilla ice cream nya. Wow! That's my fucking table! Nakita nya man lang ba yung bag sa kabilang upuan at ang ice cream na nakapatong na doon? Lumapit ako sakanya.
"Hey you!"
"Yes?" sagot nya.
Napaurong bigla ang dila ko ng makita ko ang kabuuan ng mukha nya. Pinoy ba to? mukhang koreano. Ash Gray ang kulay at messy ang style ng buhok nya. Hindi naman ganun ka liit ang mga mata nya pero masasabi ko paring chinito siya. Ang tangos din ng ilong at ang seductive pa ng lips niya.
Tch. Panigurado marami ng nakatikim nyan. Mukha pa naman syang babaero. Maputi rin yung balat niya. Mas maputi nga lang ako sakanya.
The heck Allison! stop it already!"That's my table."
"Wow! really? Sa pagkakaalam ko pagmamayari ito ng ice cream parlor na 'to. Paanong naging sayo?" napasinghap ako sa sinabi niya. Aba! Gago din pala to.
"Alis."
"Hahaha!"
Mas lalo pa kong nainis dahil sa pagtawa nya. Isang tawa pa at isusupalpal ko talaga sa bunganga mo itong kutsarang dala ko."Why would I?" tanong niya sa gitna ng kaniyang sunod sunod na subo ng ice cream. "Ayaw mo talagang umalis?" I asked calmly.
"Nope"
"Fine!" Padabog kong kinuha ang ice cream cup ko na ngayo'y nasa kabilang dulo na ng mesa at agad na lumabas ng ice cream parlor.
"Bwiset." bulong ko.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita kong madilim na sa dulong parte ng dinadaanan ko.
Tumigil ako at naghanap ng mauupuan. Dito nalang ako maghihintay ng bus na dadaan.Gabing-gabi na nga, wala na masyadong nadaan na mga tao.
Ang tanging naririnig ko nalang ay ang ingay ng crickets sa paligid.Pft. I'm not afraid of being alone here. As long as may ilaw akong nakikita hindi ako matatakot. Pwera nalang kung balutin na 'ko ng dilim. Pakiramdam ko kasi pag wala akong nakikita na liwanag di na 'ko makahinga.
Tinignan ko ang ice cream na hawak
ko, it's melting. Mabilis ko itong inubos saka itinapon ang cup. Ang tagal namang dumaan ng bus, o kahit taxi. Tch. Wala na kong choice. Papasundo nalang ako kay Jarison.Akmang kukunin ko na ang cellphone ko sa bulsa ng may narinig akong tawanan sa di kalayuan. Isang grupo ng mga mukhang adik ang maingay na naglalakad papalapit sa pwesto ko, malamang dito sila dadaan. Ang malas ko nga naman. Wala ako sa mood ngayon e.
"Uy pare, chix oh." at talagang sumipol pa ito. The nerve! Di ko sila pinansin at tinawagan na si Jarison.
"Miss ang sexy mo naman, tara painitin natin ang gabi." dagdag pa ng isa at nagtawanan na ang lahat ng mga kasamahan nya.
Painitin mo mukha mong gago ka! Napakagasgas na ng linyang yan ser. At isa pa, naka pantalon at hoodie lang ako ngayon, saang banda sa suot ko ang sexy? Mga hayop na to. Tapos sasabihin kaya nagkakaroon ng rape dahil sa pananamit naming mga babae. Kung manyak ang isang tao, manyak talaga yan. Iba ang takbo ng mga utak niyan, puro kadumihan!
the number you have dialed is now unattended...
DAMN JARISON! what the fuck are you doing?! pick it up!
I dialed again.."Miss pwede patikim?" napansin kong sobrang lapit na sila saken.
Napaatras ako."Distance yourselves or you will all die in no time!" sigaw ko pero di manlang sila natinag.
"Wag ka ng magtapang-tapangan ganda. Tikim lang naman eh." sabay tawa nila. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang naiirita na ko. Tinitigan ko sila ng walang halong emosyon, saka hinubad ang hoodie na suot ko; naka white T- shirt nalang ako ngayon at alam kong tuwang-tuwa na sila sa nakikita nila.
"Gusto nyo talaga akong matikman?" lumapit ako ng dahan dahan sa kanila.
"Ayon! Haha masunurin ka naman pala. Pahalik nga." lumapit yung isa sabay ngumuso sakin. Wrong move idiots. I'm not that type of girl that you imagine.
Malakas kong sinuntok ang nguso nya dahilan para tumilapon sya pabalik sa mga kasamahan nya.
Nakita ko ang pagkagulat nilang lahat sa ginawa ko.Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Ngayon, sagutin mo ko. Masarap ba ang lasa ng dugo sa putukan mong labi? Natikman mo na ko, okay na po ba tayo?""TANGINA MO!"
Sinugod nila ako sabay sabay pero agad ko ring nailagan ang mga suntok na tinatapon nila sakin. Bwesit.Pagod ako ngayong araw na to tapos ito pang mangyayari? Sinipa ko ang mukha nung isa at pinaliparan ng isang malakas na suntok sa nguso yung nasa harap ko.
Susugurin ko na sana yung isa pa ng naramdaman kong may matigas na bagay ang humampas sa likod ko. Napatumba ako.
Ugh! Sakit nun pota!Humarap ako at sa pagharap kong yun ay sumalubong sa paningin ko ang kumikinang na kutsilyong hawak nung lalaking una kong sinuntok.
Shit! Sasaksakin nya ko.
Hinugot ko ang lahat ng natitirang lakas ko at akmang sisipain sya, ng may lumipad na bola at malakas na tumama ito sa ulo nya dahilan para mawalan sya ng malay.Nakahinga ako ng maluwag. Fuck. Muntikan na kong masaksak. Buti nalang----
Wait a sec.
Tumayo ako at hinarap ang taong bumato ng bola."You? again? What the fuck?" naiirita kong sabi.
"Is that the new version of thanking someone? okay then, you're welcome." saka siya ngumiti.
Turns out i owe him one.
Who? tch. That annoying boy from the ice cream parlor.
********
xEightPotatoedt
VOCÊ ESTÁ LENDO
Who are you?
Ficção AdolescenteThe funny thing about falling in love is that you never really know if that certain person is the right one; And while you're on this stage, you tend to be moved by even just the simplest gesture because you are indeed in love. But, the latter subj...