That guy can absolutely press the 'annoyed' button in me, even by just breathing. Im confused of his personality. Kagabi mukha syang mabait na mapang asar, tapos biglang ngayon mukha na syang bossy with a hint of playboy? Tf dude! ang hirap nyang intindihin.Well, hindi ko din naman pala siya dapat intindihin. He's just a nobody from the ice cream parlor last night who turns out to be my schoolmate now. Or should i say classmate?
Ugh! i don't know! and i don't fcking care! Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan nya. Well, wala rin naman pala akong balak alamin.Pinulot ko ang maliit na bato sa tabi ko at pinalipad ito ng mataas.
Nandito ako ngayon nakaupo habang nakasandal sa ilalim ng malaking puno malapit sa Gym. For now, what I badly need is a peaceful and quiet place. Baka pag naglakad-lakad pa ko sa eskwelahang 'to sa ganitong sitwasyon na bad mood ako makapatay pa ko ng tao.Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na hangin na tila niyayakap ang katawan ko.
Until now, hawak parin ng lalaking 'yon ang notebook ko.
I'm sure nabasa nya na at nakita ang lahat ng kung anong meron doon. Ipalagay nalang natin na marunong syang magbasa at naintindihan nya ang mga nakasulat doon, but he doesn't know the reasons behind it.Biglang nag playback sa isipan ko ang mga sinabi nya kanina.
'Nice pictures, you look better when you're dressed like a lady not with that large T-shirts of yours' .
Napamulat ang mga mata ko.Wrong words vanilla ice cream.
That girl you've seen is my twin, not me.Yung notebook na yun kasi ay pag aari talaga ni Madison. Nung nalaman nyang ipapatransfer na ko ni dad sa ibang school na malayo sakanya, binigyan nya ko ng notebook na may mga pictures nyang nakadikit at may mga doodles pa.
At sa last page ng notebook na yun, nandun yung walong rules na ginawa nya para matutunan kong tumino sa bago kong school.RULE#1: Respetuhin ang mga guro lalo na ang School Principal.
..I'll try my best..RULE#2: Wag sirain ang mga kagamitan na pag aari ng paaralan.
..she's afraid that i might burn another room again..RULE#3: Do all your homeworks and projects.
..I'll try...RULE#4: Collect new friends but this time, yung mga mababait naman at hindi nambubugbog.
..okay lang naman kahit wala akong mababait na mga kaibigan, i'm sure no one will dare, 'cause i look evil, who would want to be friends with an evil? still evil right?..RULE#5: Wag magmura sa harap ng maraming tao.
..i just did. My bad can't help it..RULE#6: Wag mambugbog.
..i broke this rule earlier as well...RULE#7: Maging Honor Student.
..how? easy for you to say sistah because you're already a good student pft...and
RULE#8: Iwasan ang gulo.
...sana nga maka iwas ako..Kung iisipin, wala namang kwenta lahat ng yan eh, kayang kaya kong suwayin ang lahat ng yan ng walang pag aalinlangan.
KAYA LANG, si Madison ang may gawa. Gaya nga ng sinabi ko mahal na mahal ko ang kakambal ko, sya lang ang nag iisang tao na umiintindi ng ugali ko. Kahit nga si Jarison nagagalit pa sakin kung minsan, pero si Madison? Never, hanggang pagtatampo lang ang kayang gawin sakin niyan.Isang yakap ko lang sakanya okay na. At higit sa lahat, kapag hindi ko sinunod ang mga rules na ginawa nya, baka mas lumala ang ugali ko at ilayo na talaga ako ng tuluyan sakanya. Hindi ko kaya yun, at alam kong ganun rin si Madison. Tinutulungan lang ako ng kakambal ko. Kung tutuusin, Ako ang ate, ako ang dapat na nagtuturo sakanya ng mga mabubuting gawain. Pero ako pa ang nagpapakita ng imahe ng kasamaan sakanya. Kaya ngayon, pipilitin kong baguhin ang buhay ko. Alam kong mahirap baguhin ang mga nakasanayan, pero gagawin kong lahat.
Napangiti ako. Sana lang talaga maki ayon ang sanlibutan sa pagbabago ko. Baka kasi kahit anong iwas ko sa gulo, hahabulin at hahabulin parin ako nito. Lintek na yan!
And yes! magmumura parin ako— pero sa isipan ko nalang.
*pok*"ARAY!" hinimas ko ang parte ng ulo ko na natamaan ng kung ano. Pagtingin ko sa gumulong, isang mansanas. Pota!
Tumayo ako."POT—" magmumura na sana ako ng maalala kong bawal pala.
"—HOOO! kung sino ka mang baliw ka, hindi ka ba pinagsabihan ng nanay mo na bawal magsayang ng pagkain?!" sigaw ko habang nililibot ang paningin sa paligid para makita ang tukmol na nambato sakin.
"She did"
Napalingon ako sa likuran sabay tingala sa taas ng puno. Wtf?!
Wag mong sabihing kanina pa sya nakaupo sa sangang yan."She did told me that wasting food is bad. BUT, she also told me to be generous and share my food for those in need." nginitian nya ko ng napakatamis.
"Ampayat mo hindi ka ba kumakain? Kung hindi ka kumakain bat ang lakas mong makipaglaban? Immortal ka ba?"
"Ikaw? bat andami mong tanong? reporter ka ba?" tinalikuran ko na sya. Putragis. Ano bang problema sakin ng sanlibutan at lagi nito akong dinadala sa tukmol na to?
Sino pa ba? edi yung vanilla ice cream guy na nagnakaw ng notebook ko."Steven"
Napatigil ako sa paglalakad.
"I'm Steven.""who cares" nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
"It's nice meeting a brave girl like you, Allison Mourino. See you around."
Napatigil ako sa paglalakad.Nang lumingon ako, nasa malayong parte na siya ng field.
Magtataka pa ba ako kung paano nya nalaman ang pangalan ko? malamang dun nya nabasa sa notebook.
Puro doodle yun ng pangalan ko at..pangalan ni Madison.
Napakunot noo ako.
Kung pangalan ko at pangalan ni Madison ang nandoon sa notebook na iyon, paano nya nalaman na ako si Allison? at hindi si Madison?Pinagmasdan ko syang maglakad papalayo.
Steven huh?
Sounds innocent—yet the owner looks so mysterious.—————————————————
xEightPotatoedt

YOU ARE READING
Who are you?
Teen FictionThe funny thing about falling in love is that you never really know if that certain person is the right one; And while you're on this stage, you tend to be moved by even just the simplest gesture because you are indeed in love. But, the latter subj...