VIII.

13 0 0
                                    

9:00pm


Kasalukuyan akong nanonood ng movie ng maalala ko si Madison. Muntik ko ng makalimutan, dadalawin ko nga pala sya sa kwarto nya. Kinuha ko ang isang pakete ng gummy worms sa side table ko—one of her favorite sweets. Lumabas na 'ko at nagtungo sa kaniyang kwarto.
I knocked.



"Whoever you are I'm sorry, but the owner of this room has been abducted by aliens." Napatawa ako ng mahina. Alam kaya ng mga manliligaw nitong babae na to kung gaano siya ka isip bata?



"Really? Her twin Allison is bringing her her favorite gummy worms. Am I going to tell her nalang na Madison's already on Mars?" Nakarinig ako ng mabibilis na yabag ng mga paa papalapit sa kinatatayuan ko, at sabay ng pagtigil nun ay ang pagbukas naman ng pintuang nasa harapan ko. Bumungad sa'kin ang isang matamis na ngiti na nakarehistro sa mukha ni Madison.



"Ya! I'm just kidding hehe." kinuha niya ang isang pakete ng gummy worms sa kamay ko, at mabilis na bumalik sa loob ng kaniyang kwarto. Sumunod naman ako sa kaniya.



Parang kahapon lang ako di nakapasok dito pero andami na atang binago. Yung dating kulay asul nyang kurtina ay ngayon nang naging lila. Maging ang kaniyang kama ay naging lila na rin.
"What's with the violet aura?" Natatawa kong tanong sakanya.



"Uhh nothing? Haha. Para maiba naman." Umupo ako sa kama nya. Sumunod naman sya habang dala dala ang gummy worms nya.



"Nga pala. Sabi mo sakin ng tumawag ka kanina sa school may good news ka." Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nya. "What is it?" Dagdag ko. Umayos sya ng upo.



"Papayagan na ko ni daddy na pumasok ulit sa school bukas! Ahh! So excited!" At di pa sya nakontento at nagpagulong gulong pa sya sa kama nya. Hindi na ko magtataka kung bat pinayagan na siya ni daddy na pumasok bukas, kasi ayan oh, bumalik na siya sa pagiging makulit niya. Pero mas mabuti ngang ganyan siya kesa sa manghina na naman ang katawan niya.




"That's great, para di na ko kulitin ni Jarison na ihatid araw-araw."  I frowned. Agad nya naman akong tinawanan.




"Namimiss ko na ang Midori High. Mahigit dalawang buwan na din akong di nakakabalik dun." nakasimangot niyang sabi.




"Wag ka na sumimangot diyan. Babalik ka na din naman bukas. Sasalubungin ka na naman ng sandamakmak na mga tao dun. Lalo na nung mga maniligaw mo." Natatawa kong sabi. Hinampas niya naman ako sa braso.




"Wala nga akong gusto sa kanila. Ni isa wala talaga. Tsaka, I told them naman na, na they should stop courting me, kasi wala talaga akong balak sagutin ni isa sa kanila, pero ayaw talagang tumigil. Ilang beses ba sila inere ng mga nanay nila? Paulit-ulit nalang eh. Ang hirap nilang pa intindihin." dagdag pa niya. Haha! Gago din tong kakambal ko kung minsan ano? Pero, dapat lang talaga na wala siyang sagutin sa mga tukmol na yun. Kilala ko silang lahat. Puro landi lang ginagawa ng mga yun sa buhay. Di sila nababagay sa isang Madison Mourino.




"How 'bout you sissy? Kamusta first day mo dun sa Academe of Roanoke? Ayos lang ba?" Biglang tanong niya. Agad namang pumasok sa isip ko ang baliw na si Steven.



"Bukod sa mga mukhang clown na babae at mahahangin na lalaking nakasalubong ko dun kanina—Oo, ayos lang naman. Hindi pa naman ako napapatawag sa principal's office." Natatawa kong sabi na parang may isang achievement akong nagawa.




"Yey~ Very good sissy—" Sabay tapik niya ng mahina sa balikat ko. Nagulat ako ng magkasabay niyang isinubo ang limang gummy worms. "Shana bukash maging maayosh den takbo ng first day of school ko." Dagdag niya. Tss. Napaka mature niyang tignan pag nasa school, pero napaka isip bata niya naman dito sa bahay.



Who are you?Where stories live. Discover now