Prologue

6 0 0
                                    

Bumukas ang malaking puntuan ng simbahan at sumalubong sa akin ang magarang ayos ng mga puti at pulang bulaklak. Makikita ang magandang red carpet mula dito sa kinatatayuan ko hanggang sa malaking altar.

As I step in ay sinalubong ako ng aking ama na mukhang baliw sa kakaiyak.

"Anak ko *snif* hindi ako makapaniwalang *snif* ikakasal ka na." He said bago suminga sa hawak na puting panyo. I bet puno na ng sipon nya yan. Kanina pa kasi sya nag dadrama sa bahay.

"Me too. Hindi ako maka paniwala." Naka simangot kong sabi sa kanya.

"Ngumiti ka nga! *snif* Halika na at ihahatid na kita sa altar. Huhuhuhu! *snif*"

I just roll my eyes bago humawak sa braso ng tatay ko at nag simulang mag lakad papunta sa altar. A unfamiliar wedding song play habang nag lalakad kami.

Hindi ganito ang pinangarap kong kasal. This wedding is just a perfect play. Why? Kasi ang kasal na ito ay hindi nangyayari dahil sa dalawang taong nag mamahalan kung hindi dahil sa isang kontratang matagal na napagkasunduan.

Natanaw ko mula sa ibaba ng altar ang lalakeng mapapangasawa ko. Naka ngiti syang naka tingin sa akin habang papalapit ako sa kanya.

Nang marating namin ang kinaroroonan nya ay agad na nakipag kamay si daddy sa kanya bago ibinigay ang kamay ko.

"You look gorgeous babe." He said habang umaakyat kami ng altar.

"Gusto mo ng tadyak ha manyak?" Pagbababta ko habang naka tingin ng masama sa kanya pero ngumisi lang sya sa akin.

Nag simula na ang kung ano-anong seremonya ng pari hanggang sa...

"Dianna Yuki Hamana, tinatanggap mo ba bilang iyong asawa si Prince Damon Yiel Light hanggang sa..."

"Yes father." Pag putol ko sa sinasabi ng pari. Tsk! I want this he'll wedding to be finish ang kati kati na ng gown ko.

"Excited babe?" Bulong ng demonyo kong katabi.

Inirapan ko nalang sya bago sinenyasan ang pari na mag patuloy na.

"Prince Damon Yiel Light, tinatanggap mo bilang asawa si..."

"A big yes father!" He said while smiling from ear to ear.

Narinig ko naman ang ilang tawanan ng mga bisita namin kaya muli akong napa irap sa kanya.

"Gusto nyo na bang matapos ito?" Tanong pari.

"Opo father. Excited na ako sa honeymoon." Bulong ni Damon sa pari na ikinapula ko naman.

Hindi ko mapigilang kurutin sya sa tagiliran dahilan para mapangiwi sya sa sakit pero nginitian nya lang ako.

"Eh di sige. You may now kiss the bride." Nakingising saad ng pari.

Humarap ako kay Damon at binigyam sya ng pamatay na titig. Dahan dahan nyang itinaas ang belo ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Subukan mong halikan ako sa labi mag kaka matayan tay..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng maramdaman ko ang pag lapat ng malambot nyang labi sa labi ko.

Boltaboltahing kuryente ang dumaloy sa katawan ko kaya hindi ako makagalaw at hindi ko syang magawang itulak hanggang sa dahan dahan syang lumayo sa akin.

"Are you saying something?" He ask habang naka ngisi.

Wala sa sarili akong napa iling bilang sagot na ikinatawa naman nya.

Bwiset!!! Isinusumpa ko ang araw na ito!

Paano ba nangyari ang lahat ng ito!?


The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon