TP8: Kevin

2 0 0
                                    

Mag-isa ako ngayong papasok sa school. Wala si Damon at si Butler Nam ang sumundo sa akin. Tahimik akong naka upo dito sa backseat at tinitingnan ang bawat sasakyan at building na nadadaanan namin. Late na ako kasi masyadong traffic.

"Ok ka lang po ba lady Dianna?" Biglang tanong ni butler Nam.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang naka tingin sa akin mula sa front mirror.

"Po?"

"Kanina ko pa po kasi kita tinitingnan at mukhang malalim yang iniisip mo. May problema po ba?"

Ang totoo nyan wala akong gana ngayong araw at hindi ko alam kung bakit. Parang gusto kong umuwi at matulog nalang mag hapon.

"Wala po." I said.

"Sigurado po ba kayo?"

Tumango lang ako bilang sagot at tumingin nanaman sa labas. After some minutes ay nakarating din kami sa school.

"Why are you late Ms. Hamana?" Tanong ng bakla naming prof.

"Traffic." Walang gana kong sagot bago nag lakad ng naka tungo papunta sa desk ko.

Pagka upo ko ay napa buntong hininga ako bago sumubsob sa mesa ko. Feeling ko pagod na pagod ako.

"Problem Ms. Hamana?" Tanong nanaman ni prof.

Naka tungo akong umiling bilang sagot. Hinayaan nya na lamang ako dahil alam nyang kaya ko namang humabol sa mga lesson nya. Isa ako sa mga favorate student nya eh. Mabuti nalang at suspendent yung kambal dahil walang mang iintriga ngayon.

Lunch...

Parang zombie akong nag lalakad sa hallway na sinusundan ng mga royal guards. Gusto ko na talagang umuwi! Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon!

Nagulat ako ng biglang may mag vibrate sa bulsa ko. Kinapa ko yun at cellphone ko pala.

Daddy calling.....

"Yes dad?" Sagot ko sa tawag ni dad.

[Princess!] Daddy said. Napansin ko ang panginginig sa boses nya kaya naoa tigil ako sa paglalakad at napa kunot ang noo ko.

"Why daddy? Problem?" I ask.

[Ang mommy! Nasa ospital! Pumunta ka princess please! I need you! Nandito kami sa **** hospital.] He said.

Agad kong ibinaba ang tawag at hinarap ang mga bantay ko.

"We need to go to the hospital now!" I said.

Tumango naman ang head guard at kinontak ang driver ng sasakyan.

Habang nasa sasakyan ay nanginginig ang mga kamay ko at sobrang pulis ng tibok ng puso ko sa sobrang takot at kaba.

Pagdating namin ay patakbo akong bumaba ng sasakyan kaya hindi magkanda ugaga ang mga bantay ko sa kakasunod sa akin. Kaagad kong tinanong ang nurse na nasa front desk.

"Kakalipat lang po ni Mrs. Hamana galing sa ICU sa room #890"

The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon