TP3: Bonding

3 0 0
                                    

DIANNA's POV

Naka busangot akong naka upo ngayon sa sofa dito sa sala namin at hinihintay ang magaling kong sundo. Maaga akong gumising kanina para maagang maka pasok pero hindi ako pinayagan nila mommy na umalis ng bahay kasi daw susunduim ako ng magaling na demonyo na yun.

Tiningnan ko ang wrist watch ko and it's already 7:30am. For pet's sake! 6:30 palang gayak na ako at isang oras na akong nag hihintay sa demonyong yun!

Napakunot ang noo ko ng may marinig akong mga sasakyan sa labas ng bahay namin. Mayamaya lang ay may nag doorbell kaya lumabas na ako dahil alam kong sila na yun.

Pag bukas ko ng gate ay agad na bumungad sa akin ang naka ngiting demonyo at ang mga body guards nya.

"Good morning our lady!" Bati sa akin nung mga guard sabay bow.

"Ang aga aga naka kunot na kaagad ang noo mo. Smile naman dyan!" Damon said bago hinila ang magkabilang pisngi ko para ngumiti at pinalantsa nya ang noo gamit ang palad nya. "Ayan! Wag nang sisimangot! Tatanda ka nya!"

Tiningnan ko sya ng masama pero tinawanan nya lang ako.

"Dumating ka pa. Alam mo bang isang oras akong nag hintay sa iyo?"

"Aoww! Nakaka touch naman ang future wife ko. Hinintay mo talaga ako?"

"Gag*! Kung may choice lang sana ako na umalis gunawa ko na!" I said bago nag martsa papunta sa kotse na binuksan ng isang body guard nya. Pero napahinto ako ng may maalala ako sa sinabi nya.

"Wait. You said wife? So alam mo na pala?" I ask as I face him back.

"Yeah, noong isang araw pa." Naka ngisi nyang sagot.

So ako nalang pala ang walang alam? Kaya pala ang lakas ng loob nya harasin ako kahapon dahil alam na nya? At wala man lang nag inform sa akim ng maaga!?

Padabog akong pumasok sa loob ng kotse kaagad na isinara ang pinto. Pumasok naman sa kabilang side si Damon kaya katabi ko sya.

Tumingin lang ako sa labas ng bintana at hindi sya tinapunan ng tingin. Naramdaman na kinulbit nya ang balikat ko pero hindi ko sya pinansin.

"Uy! Sorry na. Akala ko kasi alam mo na kaya hindi ko sinabi kahapon. Mamansin ka naman! Uy!" Pangungulit nya.

Inismiran ko lang sya at hindi pinansin. Bahala ka dyan! Wala akong pake sa sorry mo demonyo ka.

Napansin ko na nag iba ang tinatahak naming daan kaya napatingin ako sa unahan.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa school." I said.

"Nah... Hindi tayo papasok tinatamad ako." Damon said.

I glared at him. "Hoy demonyo! Wag mo akong dinadamay sa katamaran mo ha!? Ihatid mo ako sa school ngayon din!"

The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon