"Honey, come here." Mommy said.
Agad ko naman syang sinunod at umupo sa pagitan nilang dalawa ni daddy. Kahapon yung napaagang meet and greet ko sa parents ni Damon and now kakausapin naman ako nila mommy at daddy ng masinsinan about sa upcoming wedding namin ni demonyo.
"Princess, we understand if you don't want to marry the price." Daddy.
"Yeah. Iniisip kasi namin ang kapakanan mo Dianna." Mommy.
"Mom, Dad, kaya ko naman ang sarili ko at isa pa kaya ko naman ang demonyong prinsipe na yun. Kayamanan ng pamilya natin ang naka taya sa kasal na iyon kaya gagawin ko." I said.
"Eh kasi naman eh! Kapag ikinasal na kayo ni Prince Damon titira na kayo sa iisang bubong tapos mapapalayo kana sa amin ng mommy mo." Daddy.
"Dad, uso naman po ang bumisita."
Naramdaman ko ang paghaplos ni mommy sa buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. Nang mag tama ang mga mata namin ay nginitian nya ako.
"Kung yan ang gusto mo Dianna. Pero ito ang tatandaan mo, ingatan mo ang sarilo. Hindi namin kakayanin ng daddy kung sakaling may mangyaring masama sa iyo." She said.
Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko bago niyakap sipang dalawa na ginantihan naman nila ng isang mainit na yakap.
"I will mom. Don't worry." I said.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap at nang tingnan ko si daddy ay nginitian nya ako ng nakakaloko.
"Anak, gusto ko ng apat na apo ha?" He said.
"DAD!"
"Hahaha! Ito naman hindi mabiro. Pero seryoso, gusto ko talaga ng apat."
"DADDY NAMAN EH! MOMMY OH!"
"Hay nako! Umayos nga kayong magama dyan. Matulog na koyo at maaga pa ang meeting natin sa royal family bukas." Mommy said.
Naka nguso kami ni Daddy na umakyat sa kwarto namin para sundin ang utos ni mommy.
👑👑👑
Naka tayo ako ngayon sa harap ng isang full size mirror dito sa kwarto ko at pinagmamasdan ang sarili ko.
Naka suot ako ngayon ng isang simple royal blue tube dress na hanggang two inch above the knee ang haba na tinernuhan ng five inch na white heels. Naka messy bun ang buhok ko at naka light makeup din ako.
BINABASA MO ANG
The Princess
HumorDianna Yuki Hamana, a simple college girl. But her world turn upside down when a prince came into her life. She married the first prince named Damon Yiel Light. Ang ating prinsesa ay mapipilitang makibagay sa royal life na hindi nya naman pinangara...