TP6: Step To Be A Princess

5 0 0
                                    

Nagising ako sa sobrang ingay mula sa labas ng gate namin. Galing ang ingay na yun mula sa ibat-ibang boses na paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko.

Padabog akong bumangon sa kama at nag punta sa banyo bago nag hilamos at nag suklay. Itinali ko ang buhok ko na pamessy bun at nag martsa palabas ng kwarto.

"DIANNA!!! WAG NA WAG KANG LALABAS!!!" Pambungad na sigaw sa akin ni mommy.

Nice. Good morning din!

"Bakit po?"

"Sangkaterbang paparazi ang nasa labas ng gate natin."

"Eh? What are they doing here?" I ask bago sumilip sa bintana.

Wrong move. Nakita ako ng mga taong may mga bitbit na camera at kaagad akong tinutukan pero agad ko din naman naisarang muli ang kurtina at nanlalaki ang mata na napa upo sa sofa.

"Alam na nila ang tungkol sa magaganap na kasal ninyo ng prinsipe kaya gusto ka nilang ma-intervew." Daddy said.

"Ikaw ang laman ng lahat ng balita ngayong umaga." Mommy said.

"WHAT!? PAANO BA KASI NILA NALAMAN!?"

"Hindi ka ba nanood kagabi ng balita? Nag announce si Kiela tungkol sa kasal nyo at sa nalalapit ninyong engagement party ni Prince Damon." Daddy said.

Eh? Bakit hindi ko ito alam? Ako ang ikakasal tapos wala akong alam? Hustisya bess!

At isa pa....

"Paano ako makakapasok kung naka harang silang lahat dyan?" I ask.

"Hindi ka papasok ngayong araw. Mag bihis ka na at papunta dito si Kiela para sunduin ka. May pupuntahan daw kayo." Mommy said.

Tingnan mo. Wala talaga akong ka alam alam sa mga plano nila. Siguro hanggang hindi pa kami ikinakasal ng demonyong yun dapat palagi akong ready in case of emergency.

Muli akong umakyat sa kwarto ko at ginawa ang morning rituals. Nag suot ako ng black shorts at white t-shirt na tinernuhan ko ng black na sandals.

After some minutes ay dumating ang tatlong limo at lumabas doon ang maraming royal guards. Itinaboy nila ang mga reporters at nang medyo malayo na ang mga reporters ay lumabas na si mama Kiela at pumasok sa loob ng bahay namin.

"DIANNA! Let's go honey! May hinahabol tayong time." Agad na sabi ni mama Kiela ng makapasok sya.

Kaagad naman akong sumunod sa kanya at nag paalam kila mommy. Puro flash ng camera ang kaagad na bumati sa amin ng maka labas kami sa gate.

Naka hinga ako ng maluwag ng maka pasok kami ng hindi nabubulag (dahil sa flash ng camera) sa loob ng sasakyan.

Nag sipasukan naman ang mga bodyguard at pinaandar na ang limo. May ilan pang nag tangka na humabol na paparazi pero hindi nila kami naabutan.

The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon