C4Tumingin muna ako ng saglit kay ina.Desidido na ba talaga siyang papasukin ako sa portal na ito? Kahit na gusto kong malaman ang tunay na pagkatao ko kung saan ako nararapat, May pangamba paring bumabalot sa isipan ko.Mahanap ko kaya ang hinahanap ko kung papasok ako dito?Hindi ba naalarma si ina na kung anong panganib ang pwedeng mangyari sa akin kung pasukin ko ito?
Lumapit sa akin si ina at hinaplos ang buhok ko. "Ikaw na ang bahalang tumuklas sa mga kasagutan ng mga katanungan mo." Sabi nito na waring binabasa niya ang isipan ko.
Kusang naglakad ang aking mga paa papuntang portal.Nag-iba ang awra ni ina habang pinagmamasdan niya akong pumasok ng portal.Nakita kong pumula ng saglit ang mata niya ng masinagan ito ng liwanag mula sa portal.
Nasa harap na ako ng portal, lumingon muli ako ng saglit kay ina.Ngumiti lang ito at nagsalita. "Finally you will be one of them." huling sabi nito.
Ipinikit ko ang aking mata bago ko ipasok ang kanan kong paa.Para bang may kung anong humila dito dahilan upang makapasok ang buo kong katawan.Nalaglag ako sa napakalalim na kawalan dilim lang ang nakikita ko ngayon.Unti-unti nang nawawala ang lagusang pinanggalingan ko.Nalaglag ako sa madilim na kawalan.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.Hindi ako sigurado kung saang dimension ako mapupunta, basta ang mahalaga malalaman ko na ang mga kasagutan sa mga tanong ko.
'Aviannah humanda ka nang alamin ang pagkatao mo' bulong ko sa sarili ko bago pa ako tuluyang nawalan ng malay.
¤¤¤¤
*Bird tweets and swaying trees sound*
'Ugh' sabi ko nang nakapikit habang hinahawakan ang kaliwang bahagi ng ulo ko.
F*ck nasaan ako?
Nakahiga ako sa lupang maraming tuyot na ma-pushyaw na dahon.Palubog ang bahagi ng hinihigaan ko kaya nagmukha itong malaking pugad.Kasya siguro dito ang anim na katao, maluwag pa.
Minasahe ko saglit ang gilid ng ulo ko.Nasa kakaibang gubat ako.Ibang-iba ang itsura nito sa gubat na tinitirhan ko.Matataas na puno at may kakaibang dahon ang mga ito.May mga kulay puting uwak na nagliliparan sa taas ng matatangkad na puno.
Teka, puting uwak? Meron ba 'non?
Pinabayaan ko na lang ang inosente kong utak na mag-isip sa mga bagay-bagay.Tumingala ako upang makita ang kabuuan ng gubat.Ang ganda ng sinag ng araw ngayon ha.Hindi maliwanag at hindi rin makulimlim.kayang kaya kong makipagtitigan sa araw.
Nagsimula na akong tumayo at nilibot ang paligid.Sobrang tahimik sa lugar na ito.Tanging huni ng mga ibon at yapak ng hubad kong mga paa ang kasalukuyang naririnig ko.Sa paglilibot ko may nakita akong isang pamilyar na bulaklak.
Ito yung bulaklak na nakapalibot sa gilid ng portal.Nasaan na kaya yun? Pwede pa kaya akong bumalik sakaling ayaw ko na dito?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.may malinis na daanan akong nakita, dito yata ang palabas ng gubat.Malinis at makipot na kalsadang gawa sa puting abo, na sa magkabilang gilid nito ay may mga matataas na puno.
Habang masaya akong pinagmamasdan ang lugar na kinalalagyan ko may kung ano akong narinig sa bandang likudan ko.Sumulyap ako dito, wala naman akong kung anumang nakita.Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, pero mas mabilis na ang mga naging paghakbang ko kinakabahan ako.Baka may taong gustong pumatay sa akin.

BINABASA MO ANG
Wanting her Blood
VampireAt the age of seventeen, Blanche push away herself to her curiosity.Thing that made her shookt when she found out where she really belongs. At first she thought that it was a really big mistake. But she's wrong, she let herself to know the half of h...