Chapter 9

47 5 2
                                        

Hindi ko namalayang nagsasaya na pala ang mga tao sa paligid ko, Hindi ko ramdam ang pagdiriwang sa paghahanap ko kay Karma. Saan ba sumuot yung babaeng 'yon?

Tumiyad ako at luminga-linga sa paligid, baka sakaling makita ko ang anino manlang ni Karma. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsisikuha ng pagkain sa mahabang lamesa na may pulang tela sa ibabaw na pinapatungan ng magarbong mg pagkain.

Hindi nakakaaya ang mga itsura nito pero nagagawa parin ako nitong patakamin. Hindi ito oras para kumain, hahanapin ko si Karma at magpapakita ako sa aking ama.

Suminghap ako at ibinuga ang mainit na hangin sa aking katawan. Naliligaw  narin yata ako, nandito na ako sa hardin ng palasyo ng Ambrose.

"Maipagmamalaki ko talaga sa inyo itong si Alona. Nagmana ang kagandahan niya sa kanyang ina kaya naman tingnan niyo ang resulta perpekto at napakaganda." Papuri  ng isang may magandang kaanyuan na lalaki ngunit kita pansin mong may katandaan.

Masasabi mong hari ito dahil sa magarbong kasuotan nito. isang itim na panloob at pang ibaba,at may kulay pula at ginto pang-kapa na may sisidlan ng ulo sa likuran nito.

"Bagay na bagay sila ng anak ko. Nakakaakit at matikas ang pangangatawan. Sakaling sila ang ipagkasundo tiyak, magpaparami sila ng maiitsurang bampira." Sagot naman ng lalaking may ganoon ding itsura't kasuotan. nagkaiba nga lang ang mga ito sa kulay isang pula at asul.

"Oo nga, mas bagay ang anak ni Freiyo para kay Alona. Alam kong ang anak kong si Arture ay hindi seryoso kay Alona. Mga bata pa sila kaya hindi pa yon masyadong totohanan." Pagsang-ayon ng lalaking ganoon din.



Palagay ko, mga hari sila ng iba't ibang makakapangyarihang kaharian sa mundong ito. Pansin ko iyon dahil sa koronang nakapatong sa ulunan nila. Kakaibang korona iyon na mukhang para sa eksklusibong tao lang.

Nang makita kong nagpapaalaman na sila, umalis na ako doon at muling bumalik sa kasiyahan. Mukhang patapos na ang pagdiriwang dahil kaunti nalang ang mga nandito kumpara sa  kanina.

"Mga tagapaglingkod ihatid niyo na si haring Fierro sa kanyang karwahe." Utos ng isang hari sa isa samga katulong niya.

Unti-unti na ngang nilisan ng mga bigating bisita ang kaharian ng Ambrose.

"Maari po bang magtanong?" tanong ko sa lalaking nagaayos ng mga lamesa. "Sino po ang hari ng Ambrose? Nasaan po si Cenarth?"

"Ah! Oo si Haring Cenarth ang naghahari sa palasyong ito. Nakakapagtaka kung bakit hindi mo ito nakikilala. Nasa Hardin siya ngayon baka namamahinga." Sagot sa akin ng isa sa mga tagapaglingkod at itinuloy ang kanyang gawain.

Sinunod ko naman ang sinabi ng taga-paglingkod. Sana pagbigyan ako ng tadhana na makita manlang ang aking ama.

Nilakad ko ang direksyon ng hardin naririnig ko ang ingay ng mga hayop-- hindi ordinaryong hayop. Masisiguro kong sa mundong ito lamang iyon makikita.

Nang makapunta na ako sa hardin na tinutukoy ng taga-paglingkod may nakita akong isang matandang lalaki at isang babaeng mukhang nasa edad ko lamang.

At sa pinaka unang pagkakataon ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkainggit. Para bang naagawan ako ng atensyon. At sa pinaka unang pagkakataon nakaramdam ako ng sinasabi nilang lukso ng dugo.

"Ama?" Bulong ko sa mahinang salita.

Sunod-sunod nang umagos ang mga luha ko. Ito ang unang pagkakataong na wala na akong masabi sa sobrang kasiyahang nadarama ko. Hindi ako makagalaw sa sobrang pagka-galak nakita kong bahagyang nagkulay berde ang mga mata ko ng makita ko ang repleksyon nito sa maliit na batis.

Sinabi ng jinxa na sa oras na makita ko ang ama ko bahagyang magbe-berde ang mga mata na saktong nangyari sa akin nang makita ko ito.

Siya na nga. Ama kung alam mo lang kung gaano ko hinintay ang halos isang dekadang pagkikita natin. Walang mapalagyan ang kasiyahan ko ngayon.

Inilakad ko ang mga paa ko sa kagalakan. Gusto ko nang mahagkan ang kalahati ng aking buhay. Nang iilang metro nalang ang layo ko sa direksyon nito, may malakas na pwersa ang humila sa akin pabalik. Nang lingunin ko ito'y mahigpit nitong diniinan ang pala-pulsuhan ko na siyang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay.

"Aviannah," Mahinang bulong na kanina ko pang naririnig.

"Aviannah," Rinig ko ulit.

Unti-unti akong bumalik sa aking ulirat nang namalayan kong nasa kakaiba akong lugar. Naramdaman kong  madilim ang paligid pero maliwanag ang nakikita ng aking paningin.

Luminga-linga ako at nakita ko si Karma na nakagapos sa kadena. Lalapitan ko sana ito para palayain ngunit pinigilan ako ng mahigpit na kadena na nasa katawan ko.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Karma.

Sasagutin sana ako nito ngunit lumingon ito sa direksyon sa gilid namin at umaninag dito ang napakagandang babae.

"Anong kailangan mo?!" Pagalit na tanong ni Karma.

Wala itong salitang binitawan at matalim lang kaming tinitigan.

"Anong kailangan mo sa amin?!" Ulit na tanong ni Karma.

Inaayos muna nito ang kanyang tindig at lumapit sa amin bago ito nagsalita.

"Anong ginagawa niyo sa kaharian ng Ambrose?" Tipid na tanong nito.

Nagkatinginan muna kami ni Karma bago siya ulit nagsalita.

"Pakawalan mo kami! Ayaw namin dito." Galit na sabi ni Karma habng nagpupumiglas.

"Isang tanong isang sagot. Anong ginagawa niyo sa kaharian na ito?" Ma-awtoridad na sabi nito.

Naglakas-loob na akong magsalita bago pa ito magalit.

"Nais ko lamang makita at makausap ang aking amang matagal ko nang gustong makita, na sa unang pagkakataon na magkikita-- kami'y pinigilan mo pa. Masaya ka na?" Litanya kasabay ng unti-unting pagpatak ng luha ko.

"Aviannah," Banta sa akin ni Karma. Alam kong natatakot siya sa mangyayari sa oras na galitin ko ito.

Hindi lang niya alam kung gaano kabigat ng nararamdaman ko sa puso ko.

Tinitigan ulit ako ng matalim nang babae. Bago muling nagsalita.

"Okay then," Tipid na sagot nito.

Maya-maya'y tinanggal na ng knyang mga kasamahan ang kadenang nakagapos sa amin ni Karma. Agad akong lumapit kay Karma sa takot ko sa suunod na mangyayari.

"By the way, I'm Anaia. Just call me Ana." Sabi nito at inabot ang kanyang kamay.

Nagkatinginan muli kami ni Karma sa pagtataka bago nkipagkamayan dito.

"I'm Karma. Princess of the kingdom of maxximo."

"I'm Aviannah, nakatadhana para sa susunod na hari ng maxximo. Also, the third deity."

Gumaan bigla ang atmospera sa paligid nang magkakilanlan kami. Naglakad kami ngayon palabas sa madilim na lugar na kinalalagyan namin. Nagtataka kami ni Karma sa kakaibang ikinikilos ng babaeng kasama namin ngayon para bng matagal n kaming magkakakilala

"Sandali." Tumigil kami sa paglalakad nang magsalita si Karma. "Sino ka ba? Bakit kailangan mo pa kaming igapos sa kadena? Ano bang pakay mo sa amin? Baki--" Hindi na naituloy ni Karma ang mga katanungan niya nang takpan ni Ana gamit ang isang daliri ang bunganga nito upang patahimikin.

"Do I have to tell you two who I'am to earn your trust? Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo kung sino ako para makuha ko tiwala niyong dalawa?" Tanong nito.

"Duh of course yes. And duh! Nakakaintindi kami ng English so no need to translate it." Mataray na sagot ni Karma.

"Well, uulitin ko I'm Anaia. And.. the one and only deity of kingdom Ambrose. Making me the second deity of the kingdoms of vampires."

- - - - - - -
(Crown)
MaruReveur

Finally UD!

Wanting her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon