Chapter 1

112 20 12
                                    


C1: Aviannah

3 years later...

Hindi ko na kinaya ang masakit pagsikip ng dibdib ko. Sunod-sunod kong hinabol ang hininga ko.Wala, hindi ko na talaga kaya. Tuluyan na nga akong bumagsak sa sahig na kinalalagyan ng upuan ko na siyang ikinagulat ng aking ina.

"Ysabelle, Lea! Dalhin ang herbal na tsa'a ni Aviannah!" Rinig kong utos ni ina na hindi mo mawari kung paano ako i-uupo sa labis labis niyang kaba.

"Ito na po Madam Amelia." Sabi ni Lea habang nagbubuhos ng tsa'a sa maliit na tasa.

"Aviannah, dali inumin mo ang lunas para sa iyong hika" wika ni ina habang inaalalayan niya akong mainom ang sinasabing gamot sa aking hika.

Maya-maya'y nakaramdam na ako ng epekto ng gamot, Lumuluwag na ang aking paghinga at nawala narin ang pagsikip ng dibdib ko.

"Ysabelle, paki dala na si Aviannah sa kanyang kwarto at hayaang mamahinga. Bantayan mo siya ng saglit at pagkatapos ay bumalik kana sa kung anumang iyong ginagawa." Paki-usap nito kay Ysabelle at marahang bumalik sa pag-aaral.

Oo, Nagaaral si Ina. Pinagaaralan nito ang iba't ibang majika at pang-gagamot na minana niya pa sa kanyang lola. Kaya hindi na lang ako magtataka kung bakit dinadayo ang bahay namin sa tuwing may nangangailangan ng tulong niya.

Marahan akong itinayo ni Ysabelle at Lea patungong kwarto at magpahinga. Bumalik na si Lea sa pagluluto samantalang naiwan naman si Ysabelle upang bantayan ako sa aking pagtulog.

"Salamat Ysabelle sa pagdadala ng aking tsa'a" sabi ko nang mailapat ko ang aking ulo sa madulas at malambot kong kama.

"Walang anuman 'yon Madam Aviannah" sabi nito ng may ngiti sa labi at hinaplos ang aking may kaunting kapulahan na buhok.

"Ano ba Ysabelle, wala na si ina kaya Blanche nalang ang itawag mo sa akin." Tanggi ko sa kanya.

"Ay, haha sorry naman Blanche." Paumanhin nito habang sinusulyapan ang kabuuan ng aking kwarto.

Si Ysabelle lang ang tanging nakakausap ko sa mga alalay namin. Mag-kasing tanda lang kami kaya kami sa mga bagay-bagay. Maglalabing walo na ako samantalang siya'y labing siyam na. Karamihan sa mga katulong namin ay matatanda na.

"Tagal ko nang hindi nakapasok dito ha." Muling wika pa nito.

"Pwede ka naman kasing pumasok lagi dito eh." Bwelta ko naman.

"Alam ko ang posisyon ko bilang katulong, kaya kahit magkaibigan tayo ayokong lumagpas ako doon." Sabi nito na bakas ang lungkot sa mukha. "Sige matulog ka na at babantayan kita." Huling sabi nito bago pa ako tuluyang makatulog ng mahimbing.

"Aviannah, Bumaba ka na.Handa na ang ating almusal. Huwag pinaghihintay ang grasya." Tawag sa akin ni ina mula sa baba.Kakatapos ko lang ayusin ang aking kama at ang tanging gagawin ko na lamang ay magbihis.

"Opo ina. Magbibihis lang po." Mabilis kong isinuot ang paborito kong puting kamiseta na ng hba ay hanggang sa aking tuhod na may di kasikipang parte sa parte ng tiyan.

Mabilis akong bumaba at nadatnan ko ang mga katulong na naglalagay ng pagkain sa hapag at ang aking inang mukhang maganda yata ang gising. Ngayon ko lang ulit kasi siya nakitang kakain ng marami.

Umupo ako nang mabilis at kinuha ang bagong lutong tinapay, mainit-init pa ito nang dumapo ito sa aking kamay. Kumuha din ako ng sariwang gulay at karne para ipalaman ko sa aking tinapay.

"Maganda yata ang umaga ng aking ina ha?" Pabirong sabi ko at sinimulan ko nang kagatan ang tinapay

Tumingin lang ito sa akin at ngumiti. "Sapagkat ang iyong ama ay muli na namang pumasok sa aking panaginip." Sabi nito kasabay ng pamumula ng kanyang pisngeng makinis na animo'y hindi tumatanda.

Buti pa si ina, nagawang dalawin ni ama sa panaginip samantalang ako ni-hindi ko manlang nasilayan kung ano ba itsura niya, mabait kaya siya?

"Ina pwedeng humingi ng pabor?" Pagiiba ko ng usapan.

"Ano iyon Aviannah?" Mabilis na sagot naman nito.

"Magpapaalam lang po sana ako kung papayagan niyo kami ni Ysabelle na maglakad-lakad muna sa gubat para naman maka-langhap kami ng sariwang hangin pa minsan-minsan. " Tanong ko. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Ysabelle habang binubuhusan ang aking baso ng mainit na gatas.

"Kung yan ang kagustuhan mo, Masusunod. Basta ba wag kayong magpapagabi." Mabilis naman na sagot nito at itinuloy ang pagkain. "Ysabelle,wag mong hayaang mawala sa paningin mo si Aviannah" pahabol na bilin nito.

"Masusunod Madam Amelia."

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ysabelle sa gubat. Malapit lang ang gubat sa amin kung tutuusin napapalibutan kami ng gubat. Lumang sibilisasyon ang kinatitirikang ng aming mansion. Nakatira kami sa lugar na hindi sakop ng gobyerno at ng mga mambabatas. Kaya mapayapa ang buhay namin.

At ito namang si Ysabelle na nagku-kwento sa akin ng mga bagay tungkol sa lungsod. Tagong tago ang lugar namin. Dati itong nakatira doon ngunit kinupkop ito ni ina ng makita itong nawawala sa gitna ng kagubatan kasama ang kapatid na si Lea  habang naghahanap si ina ng mga herbal na dahon.

Marami itong ikinuwentong kamangha-manghang bagay na makikita sa lungsod. Paano ka kung lumaki ako sa mga lugar na iyon?Magugustuhan ko kaya ang pamumuhay roon? Magiging Maya din ba ako tulad ng mga kininukwento sa akin ni ysabelle?

Napagpasiyahan naming umuwi na dahil alas tres na bang hapon. Baka kasi gabihin kami ng uwi kung hindi namin aagahan ang pagbalik. Paniguradong hindi  na ako papayagan ni inang lumakad kung sakaling abutin kami ng gabi sa pag-uwi.

"Sige Blanche babalik na ako sa kusina." paalam sa akin ni Ysabelle at tuluyan na nga siyang umalis patungo sa kusina.

"Hintayin niyo lamang po ang susunod na pagsikat ng araw bago umepekto ang dasal." Rinig kong paalala ni ina sa kanyang bisita.

Sanay na akong marami laging pumupunta dito upang magpagamot kay ina. Hindi mabigat na bagay na ipamahagi niya ang kanyang kaalaman sa iba. Mas nakakagaan pa sakanya ito ng loob.

Lumakad lakad muna ako sa paligid ng aming mansion. Alam kong mamaya pa aalis ang mga bisita. Umaabot pa ito ng mga ilang oras.

Ngayon ko lang napansin na tumutubo na pala ang mga rosas na nakatanim sa aming hardin. Mayroon kaming tagong hardin na makikita sa tabi ng mansion kung saan nakatanim ang iba't ibang herbal ni ina. Pumitas ako ng isa sa pinaka magandang pulang rosas.

Naririnig kong naglalaglagan ang mga tuyot na dahon mula sa puno nito. Maalintana mo sa mansion naming lumang luma na ito. Ilang dekada na ang lumipas simula ng maitayo ito. Kwento pa sakin ni ina na sanggol pa siya ng dalhin siya dito ni lola.

Kahit na simula't sapul dito na ako nakatira, ni-kailanman ay hindi ko pa nalilibot ang mansion na ito. Bukod sa nakakapagod itong libutin sa kalakihan ay pinagbabawalan nila akong gumala sa mansion na ito.

Nakakapagtaka kung bakit pero sumusunod nalang ako. Tanging Kwarto, Silid aklatan, at Salas pa lang ang napupuntahan ko sa bahay na ito. Hindi rin ako pinapayagang pumunta sa kusina sapagkat baka sumpungin na naman ako ng hika.

Tuluyan akong naglakad-lakad hanggang makapunta ako sa hindi pamilyar na lugar sa bahagi ng mansion.

- - - - - - -

👑
MaruReveur

Don't forget to leave a comment!

Wanting her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon