Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila second deity? Ang pagkakaalam ko'y lumalabas lang ang susunod na itinadhana kapag namatay na ang mas naunang itinadhana na sinundan nito?Hindi ko namalayang nakarating na kami sa lugar ni Anaia. Nakakamangha ang kanyang paligid. Isang hardin na may napakaraming malulusog na halaman at mga bulaklak. Mayroon din itong puno na pwede nang tirahan sa sobrang laki nito. Sa ilalim naman ng puno ay may lamesa at magagandang upuan na kinalalagyan namin ngayon. At sa harapan namin ay isang batis na kumikislap sa tama ng malumanay na liwanag ng araw.
Kulang ang salita para ipaliwanag ang nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko'y nasa maliit na paraiso ako.
Maya-maya'y nakita ko si Anaia na papunta na dito. Sa likod nito'y may maliliit na tao na sing-laki lang ng mga daliri ko sa kaliitan na lumilipad-lipad na may hawak na baso at tsa'a.
"Nainip ba kayo?" Tanong sa amin ni Anaia.
"Inip? Sino ba namang maiinip kung ganito ang lugar na pinaghihintayan mo." Sagot ni Karma. Hindi na lang ako sumagot dahil sang-ayon din naman ako sa sagot niya.
"Aviannah, right?" Tanong nito sa akin habang nagbubuhos ng tsa'a sa baso ko.
"Bakit?"
"Bakit parang ang tahimik mo yata?" Natatawang tanong nito.
"Speechless lang siguro siya dahil ngayon ka lang niya nakita." Sabay higop ng tsaa ni Karma sa kanyang baso.
"Pwede din. Naguguluhan kasi ako." Sagot ko.
"Saan? Feel free to ask." Tipid na tanong ni Anaia.
"Tungkol sa mga itinadhana at sa mga kaharian."
"May dapat ba akong klaruhin?" Tanong ni Anaia.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka pa gayong nandito na ako?" Muntikan nang masamid si Anaia sa tanong ko.
"Of course yes. Gusto mo na ba akong paalisin? Hindi mawawala ang isa sa atin hangga't hindi tayo nako-kumpleto. Gayong tayong dalawa pa lang ang nasa mundong ito kailangan nating palakasin ang ating samahan at palakasin ang ating komunikasyon." Sagot ni Anaia.
"Bakit kailangan pa nating makumpleto? Malaki ba ang importansya natin sa mundong ito?" Sunod kong tanong.
"Malaki aviannah. Malaki ang importansya niyo sa mundo namin, sa mundo natin. Bawat itinakda ay may responsibilidad na dapat gampanan at isa kayo doon." Sabat ni Karma sa matagal niyang pananahimik.
Ito na ba iyon? Bukod sa paghahanap ko sa aking ama'y may kailangan pa akong gawin? Gaano ba kahalaga ang pakinabang ko sa mundong ito?
"Bawat isang daang taon, may mga itinakdang isinisilang. Hindi kayo sinewerte. Sadyang pinili kayo, itinadhana kayo sa kung ano talaga kayo." Muling sabi ni Karma.
"Ano bang responsibilidad namin sa mundong ito?" Muli kong tanong.
"Kayo na lang ang nagiisang pag-asa. Pag-asang muling ibalik ang dating mundo ng bampira. At muling paligayahin ang mga prinsipe, prinsipeng susunod na maghahari sa kani-kanilang kaharian. Muling bigyan ng kulay ang kumupas na mga puso nila." Sagot ni Karma.
Ngayon ko lang napagtanto ang misyon ko sa mundong ito. Ang mapabalik ang nawasak na mundo at ang muling pa-ibigin ang pusong nakalimutan na ang salitang pagmamahal.
Tumayo si Anaia at kinuha nito ang librong ini-utos niya sa kanyang maliliit na alagad. Marahan niya itong ipinatong sa lamesa at binuklat gamit ang kanyang majika.
"Mukhang hindi sapat ang mga sinabi sayo ni Karma. Kailangan mo nang kaunting kaalaman sa malaking ginagampanan mo." Litanya sa akin ni Anaia. Nakita ko namang umikot sa ere ang kulay-kapeng mga mata ni Karma sa pagka-insulto.

BINABASA MO ANG
Wanting her Blood
VampiroAt the age of seventeen, Blanche push away herself to her curiosity.Thing that made her shookt when she found out where she really belongs. At first she thought that it was a really big mistake. But she's wrong, she let herself to know the half of h...