C8KASALUKUYAN akong nasa may hardin ngayon ng Maxximo.Pinagmamasdan ko ang mga mahahalimuyak na bulaklak na sumisibol dito habang nagiisip ng malalim.Buti tumutubo ang mga ito kahit hindi gaanong mainit ang sikat ng araw dito.
"Blanche!" Tawag sa akin ni Karma sa hindi kalayuan habang naglalakad papunta dito.
"Oh,Bakit Karma.May kailangan ka ba?" Tanong ko sabay upo naman nito sa kaharap kong upuan.
"Wala naman.Nakita kasi kita dito kaya tinawag kita." Masayang sabi niya.Nasa mood yata siya ngayon ha.
"Ahh,Nagpapahangin lang ako ng kaunti.Pinagmamasdan ko lang yung mga bulaklak.Wala pa kasi si Caden eh." Paliwanag ko.
"Pansin ko nitong mga nakaraang araw, parang malungkot ka.Lagi kitang nakikitang mag-isa at nakatulala.Pwede ka namang makipag kwentuhan kina Marco eh madadaldal 'yon.May problema ka ba?Nag-away ba kayo ni Caden?" Nagaalalang tanong niya.
Oo nitong mga nakaraang araw naging balisa ako.Iniisip ko kasi yung payo sa akin ng Jinxa.Harapin ko daw ang ama ko at dinggin ang panig niya.Pero mukhang umatras ang kagustuhan kong makita siya sa kabila nang malaman ko sa nakaraan nila ni ina.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi naman.Kasi Karma, iniisip ko yung sinabi sa akin ng Jinxa nung pumunta kami ni Caden sa Ambrose." Sagot ko.
"Hindi naman sa nakikialam ako,Maari ko bang malaman ang sinabi sa iyo ng Jinxa? Baka makatulong ako." Pag-aako niya.
"Sabi sa akin ng Jinxa na kailangan kong makaharap ang aking ama.Upang malaman ko ang dahilan niya sa pagiwan niya kay ina." Litanya ko.
"Alam mo ba Blanche kapag ang Jinxa nagpayo, Mas mainam na sundin mo ito.Teka ano bang pangalan ng ama mong hari?" Pagpupursige sa akin ni Karma.
"Cenarth Aurelio Amore." Tipid kong sagot.
"Oh my gosh really?!" Gulat na sabi nito. "Mukhang mahihirapan tayo nito." Sabi niya kasabay nang pagtayo niya.
"What do you mean Karma?" Tanong ko at tumayo narin.
"Wala na tayong oras Blanche.Tara na!" Wika nito at tuluyan na nga akong hinila papalayo.
¤¤¤¤
"Blanche,Stop.Baka makita ka nila." Utos nito sabay hila sa akin pababa.
Nagtatago kami ngayon sa likod ng malalagong halaman.Bawal na bawal daw kaming makita dito.Paparusahan daw kami ng mga emperor hanggang ikamatay daw namin ang parusa.
"Bakit ba kasi natin kailangang magtago.Tingnan mo nga sila oh, tuloy-tuloy sa pagpasok..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hilahin ako ni Karma palayo sa Palasyo ng aking ama.
Nasa kaharian naman kami ngayon ng Brone.Kaharian ng aking ama.
"Hindi mo ba talaga maintindihan?" Tanong sa akin nito sabay pagtaas ng isa nitong kilay. "Ang kaharian ng Brone at ang kaharian ng Maxximo ay mortal na magkaaway." Wika naman nito.
Kumunot naman ang noo ko.Bakit ba hindi ko maintindihan.
"Blanche, Ang dalawang kaharian noon ay kilala sapagkat sa matibay na samahan dito.Ito ang Brone at Maximmo. Nagkaroon noon ng laban sapagitan ng dalawa at nanalo ang aming kaharian ang Maximmo." Paliwanag nito
"At kung sakaling may makakilala o makakita man sa atin--- tiyak patay tayo." Muli pa nitong sabi.
Hinila niya ako papunta sa isang maliit na tindahan.Puro mahahaba at makakapal na damit ang mga naririto.Katulad ito ng mga isinusuot ng mga taong taga dito.Dinala kami ng aming mga paa patungo sa mga makakapal na dress.Isa isang sinisipat ni Karma ang mga nakasabit dito.Tumingin narin ako baka sakaling may mapili ako.
"Blanche, ano may napili ka na?" Tanong sa akin ni karma habang inaabot ang dress na nasa harapan niya.Umiling lang ako at tumingin muli sa mga damit.
"Blanche oh, Bagay yan sayo." Sabi niya sabay abot sa akin ng isang maroon na victorian dress.
"Huh? Victorian dress ang bigat-bigat naman nito.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hilayin na naman niya ako.
Bat ang hilig manghila ng mga bampira?
"Wala nang oras Blanche.Kailangan na natin itong maisuot." Sagot niya at hinila naako papunta sa may babaeng naka victorian dress din kaso wala ang isa niyang mata.
Maybe she's the cashier.
Inilagay na ni Karma ang mga napili naming damit sa lamesa.Imbes na yung damit yung asikasuhin niya tumitig ito kay karma.Isa lang ang mata niya pero ang mga titig nito'y nakakamatay.
"Parang namumukaan kita." Sabi nung babae na mas lalong nagpahigpit sa hawak sa akin ni Karma.Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok nito. "Ah, baka kamukha lang." Muling sabi ng babae at muli nitong itinuon ang sarili sa mga damit.
Nakahinga naman ito ng maluwag at may ibinulong sa akin. "Muntik niya na tayong makilala." Sabay kuha ng pinamili namin.
***
"Blanche. Ang tagal mo naman!" Reklamo sa akin ni Karma nakanina pang nakabihis.
"Oo na tapos na!" Sagot ko namang pabalik at lumabas na rin sa wakas.Ang hirap kaya nitong suotin. "Ayos lang ba?" Tanong ko.Naka-maroon na Victorian dress ako.
"Perfect. Sabi na nga ba, Bagay yan sayo eh." Puri sa akin ni Karma.
"Mas bagay naman sayo yang suot mo, Nag mukha kang dark empress." Puri ko din.Naka black na Victorian dress din siya gaya ko.Magkaiba nga lang kami ng style.
"Mamaya na tayo mag puri'an.Kailangan na nating nakapasok sa kaharian." Litanya nito at sabay na naming isinuot ang maliit na belo na nakakabit sa sombrerong nakasuot sa amin.
¤¤¤¤
"Maligayang pagdating sa kaharian ng Brone, Tumuloy lang kayo at maya-maya lamang ay magsisimula na ang pagdiriwang." Sabi ng guwardiya na tagapagbantay sa malaking pasukan ng kaharian.
Patuloy kaming pumasok si Karma sa loob.Walang nakakakilala sa amin dito na galing kaming Maximmo dahil sa makapal na suot namin at belong nakaharang sa mukha namin.Sumusunod kami sa mga taong papasok pa lamang ang makapunta kami sa eksaktong lugar.
Magarbong mga palamuti at mga karwahe ang nakakalat ngayon sa kaharian mukhang madami ang dumadalo dahil ang mga tao ay nagkakasiksikan na.
"Karma..mukhang naliligaw tayo." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa malayo. "Karma nasaan na ta--" Napatigil ang pagsasalita ko nang malaman kong wala na sa tabi ko si Karma.
Damn. I'm lost.
Nagpalinga-linga ako baka sakaling makita ko si Karma.Nawawala na talaga ako.Maya-maya'y isinara na ng mga guwardiya ang malaking pintuan ng palasyo.Ang mga tao naman ay sari-sarili nang kumpulan.
"Ituloy lamang ang kasiyahan at mamaya'y lalabas narin ang hari." Malakas na sabi ng matipunong lalaki sa entablado.
"Ang kisig naman ng prinsipeng ipinagkasundo kay Alona no? Hindi na ako magkakaila kung bakit lumalaki ang ulo ng prinsesa."
"Ganyan naman talaga, ang mga magaganda lang ang may karapatan upang makuha ang kagustuhan nila."
"Maganda man ang prinsesa Alona wala namang kasing sama ang pag-uugali niya."
Narinig kong usap-usapan ng mga babae.Malamang tinutukoy nila ang lalaking nagsalita kanina.Makisig nga at matipuno ito, Hindi hamak kung bakit masama ang loob ng mga babaeng katabi ko.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.Kailangan kong 'wag maging padalos-dalos dito tiyak ay may makakakilala sa akin.Mahahanap ko rin si karma dahil suot ko ang kwintas na ibinigay ni Caden.
Basta ang mahalaga magkikita na kami ni ama.
- - - - - - -
👑
MaruReveurSoup Update!

BINABASA MO ANG
Wanting her Blood
VampireAt the age of seventeen, Blanche push away herself to her curiosity.Thing that made her shookt when she found out where she really belongs. At first she thought that it was a really big mistake. But she's wrong, she let herself to know the half of h...