Chapter 7

60 13 7
                                        


C7

Pumikit siya at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa bolang may diamante sa loob.Unti-unti yung lumiliwanag dahilan upang mag-iba ang kulay ng mga mata niya.


"Si Amelia Gwenivre Solomon ay isa sa pinaka maganda at mayroong busilak na kalooban na nakilala ko," Sabi nito at binitawan ang lumiliwanag na bola.


"Dalaga siya noon nang dalhin siya dito ni Haring Cenarth, pero nung mga panahong iyon ay prinsipe palamang ito.May nais din siyang malaman tungkol sa kanyang buhay." Muli nitong sabi habang pinagmamasdan ang liwanag sa bola.



"Nakatakda siya noon kay Cenarth, at walang kahit sino ang nakapagpigil sa pagmamahalan nila.Masyado itong matibay para mawasak." Pagpapatuloy nito at ibinaling ang paningin sa akin.




"Marami ang tumatanggi noon sakanila sapagkat si Cenarth ay ipinagkasundo sa pinakamagandang prinsesa ng kaharian ng Achlys.Prinsesang biniyayaan ng kagandahan.Ngunit ang kagandahan ng Immortal na dyosa na si Amelia ay sadyang napaka lamang upang maagaw sakanya ang prinsipe.Mas lalong nahuhulog sakanya ang prinsipe ng mga panahong iyon." Mahabang litanya nito.




"Lumipas ang mga buwan at lalong lumalala ang mga nangyayari sa kahariang iyon.Kalaban niya na halos ang buong pamilya niya sa kadahilanang pinili ang babaeng mahal kesa makuha ang pwesto na sakanya ibinigay.Siya ang pinili noon ng kanyang amang hari namamuno sa kaharian kung sakaling umayaw na ito.Nagkaroon ng tensyon sa magkakapatid ang kagustuhang makuha ang trono." Sabi pa nito.




"At napagpasiyahang lumayo ng dalawa sa kahariang ito.Nagpakalayo-layo ang mga ito at napunta sa kaharian ng Ambrose.Doon ko sila unang nakilala.Sa pagmamahalang iyon doon ka nagsimulang mabuo." Sabi nito na para bang nagsisimula palang sabihin ang kwento.





"Nabuntis noon si Amelia at ikaw ang batang dinadala niya." Sabay hawak sa kamay ko. "Masaya ang naging pagsasama nila nang mga panahong iyon...ngunit nagbago ang ihip nang hangin nang nagpasya si Cenarth na bumalik muna sakanyang kaharian upang makiusap na itigil na ang kasunduan at wag ng siya ang gawing hari." Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot na kanyang nadarama.





"Lumipas ang mga buwan hanggang maipanganak ka niya, hindi parin dumadating si Cenarth.Pumunta ako sa kanyang mumunting tirahan upang mabasbasan ang magandang sanggol na kanyang inianak,walang iba kundi ikaw.Sa akin ipinahabilin ni Cenarth si Amelia upang bantayan."




"Dumating ang mga araw,buwan,taon ay hindi parin bumabalik si Cenarth.Kaya napagpasiyahan ni amelia na iwanan ka saakin at puntahan ang kaharian ni Cenarth." Litanya nito kasabay ng pagiiba ng kulay ng bolang may diamante naging kulay pula ito na waring nakikita ko ang mga pangyayari ngunit malabo.





"Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok pagkaraan ng ilang gabi.Luhaang Amelia ang nadatnan ko.Pinapasok ko siya at pinakalma upang maipaliwanag niya sa akin ang dahilan ng kanyang pagluha.Nang pumunta daw siya sa kaharian ni Cenarth halos manlumo siya nang makita niyang masayang kasalan ang nadatnan niya." Muli namang nagiba ang atmospera ng paligid.




"Kasalan ito ni Cenarth at ng prinsesang ipinagkasundo sakanya.Nagmakaawa sa akin si Amelia upang tulungan ko siyang hanapin ang Portal na pinanggalingan niya.Nung una ay humihingi ako ng kapalit..."




"Anong kapalit ho ang hinihingi niyo?" Kyuryos na tanong ko.



"Ang hinihingi kong kapalit kay Amelia ay ang sanggol niya.Ngunit lalo itong lumuha at sinabing hindi niya ito maibibigay na kapalit para sa katahimikan ng buhay niya.Hinding hindi ko makakalimutan ang napakalungkot na mukha noon ni Amelia.Naawa ako at tinulungan ko siya."


"Hinawakan niyang mabuti ang kanyang sanggol dahil malakas ang hanging nagmumula sa portal.Lumingon ito sa akin at saka bumalik.Niyakap niya ako nang mahigpit at ibinigay sa akin ang sombrero ng kanyang sanggol."

***

(Flashback)

"Maraming salamat Jinxa sa pagtulong sa amin ng anak ko.Pwede pa ba akong humingi kahit isang pabor?" Tanong ni Amelia kay Jinxa bago ito yumakap ng mahigpit.

"Ano iyon? Amelia?" Tanong naman ni Jinxa dito.


Hinubad ni Amelia ang sombrero ng kanyang sanggol at ibinigay ito kay Jinxa.

"Sakaling bumalik man si Cenarth, maari bang pakibigay iyang sombrero ng aming anak?Hindi man niya mahawakan ang aming sanggol atleast sana malaman niyang nagbunga ang pagmamahalan namin noon." Sabi ni Amelia at nagsimulang pumatak ang mga luha nito. "Huwag kang mag-alala balang araw kapag panahon na upang bumalik dito ang anak ko ay sayo ko siya papuntahin sakaling tanungin niya ang kanyang ama." Sabi naman nito at umakyat na papuntang portal.


Pumasok na nga ang mag-ina sa portal at tuluyan na ngang nilisan ang kaharian.

(End of Flashback)

***

"Ngunit pagkatapos nang paglisan ni Amelia noon at ng kanayng sanggol ay hindi parin bumabalik si Cenarth." Sabi nito at unti-unti nang nawawala ang liwanag sa diamante.


"Anong pong nangyayari?" Tanong ko nang tuluyang nawalan ng liwanag ang diamante.


"Ayaw ng magbitiw ng diamante ng mga salita, ibig sabihin ay tapos na ang pagpunta mo dito.Nasabi ko na naman sayo halos lahat.Dito nakasalalay ang paghuhula ko sa diamante." Paliwanag naman nito.



"Kung gayon ay kailangan ko nang umalis.Maraming salamat Jinxa sa pagtulong sa akin.Nalulugod po akong makilala kayo." Pagpapasalamat ko.



"Nalulugod din akong makilala ka Immortal na dyosa." Sabi din nito.


Tumalikod na ako at nagsimula nang umalis.Ngunit sa huling pagkakataon ay tinawag ulit ako nito.



"Aviannah," Tawag nito sa akin.



"Ano ho iyon Jinxa?" Tanong ko naman.



Lumapit ako dito upang marinig ang mga sasabihin niya. "Hindi bumalik ang ama mo noon Aviannah.Walang nakakaalam ng dahilan niya kung bakit mas pinili niya ang prinsesa kay Amelia.Panahon na siguro upang magkita kayo.Puntahan mo siya sa kaharian niya at dinggin mo ang panig niya.Sigurado akong magagalak siyang makita ang bunga ng pagiibigan nila ng mahal niyang si Amelia." Muli nitong aabi sa akin.




Tumango lang ako at ngumiti.Panahon na rin siguro upang makita ko ang kalahati ng buhay ko.

- - - - - - -
👑
MaruReveur

Short UD!

Wanting her BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon