Warning: This chapters contains a lot of curse and bad words.
C12
Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang mapagpasiyahan kong gumising na dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko mula sa bintana.
Wala sa pakiramdam ko ang pagkagaling sa tulog. Pakiramdam ko'y gising ang diwa ko mula kanina pero nakapikit lang ng matagal. Epekto yata ito siguro ng pagiging ganap na bampira ko.
Nagsitunugan ang mga spring ng kama ng tumayo ako mula sa pagkakahiga. Lalabas na sana ako ng kwarto nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.
Gulagulanit ang puting kamiseta na nakasuot sa akin. Ilang bahagi nalang ng aking katawan ang natatakpan nito. Tinakpan ko ang aking sarili kahit na wala naman kasama. Dali-dali akong pumunta sa maliit na kwarto na siyang nagsisilbing aparador namin ni Caden. Wala akong nahanap na kahit anumang damit ko. Puting pantaas lamang at mga magarbong damit ang nandoon.
Hindi na ako nag-dalawang isip pa suotin ang isa sa mga puting pantaas ni Caden. Sobrang laki nito na naging mistulang kamiseta sa sobrang kahabaan. Simula nang tumira ako kasama si Caden ay hindi na ako nagsusuot pa ng panloob. Okay lang naman daw sakanya kung ganoon.
Bumaba na ako mula sa kwarto nila Caden. Nadatnan kong aligaga ang mga alalay. Napatingin naman ako sa dakong kaliwa at nakita ko ang malaking pabilog na lamesa kung saan halos ng nakaupo ay may korona.
Napansin kong lahat ng atensyon ay nabaling sakin. Agad ko namang napansin ang pagpula ng mga mata ni Caden. Nakita ko rin ang ibang lalaking bampira na naakit.
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Karma. Marahas niya akong hinila hanggang sa mag-iba ang lokasyon. Mula sa kaharian ay napunta kami sa lugar kung saan matataas na puno at malalaking pugad lamang ang nakikita.
"Ano bang pinaggagawa mo?! Nasa kalagitnaan kami ng pagpupulong tapos magpapakita ka ng nakaganyan?!" Galit na sabi ni Karma. Kita ko sa mata niya ang pagpupuyos sa galit.
"S-sinuot ko itong puting pang-itaas ni Caden, K-kasi sinira niya yung kamiseta ko. Halos hubad na ko kung ipagpapatuloy ko parin iyong suotin. Sa katunayan mas nakakaakit akong tingnan sa kamiseta kaysa dito." Mahabang paliwanag ko.
Napasapo naman ito sa kanyang noo. Lubhang nadismaya yata siya sa kabobohang sinabi ko.
"Hindi mo ba alam na sampung beses ang atraksyon ng babaeng bampira lalo na kapag suot-suot nito ang damit ng kabiyak niyang bampira? Gayong kalahating tao ka mas doble pa iyon sa sampu." Paliwanag nito sa akin.
Halos ma-mura ko ang aking sarili dahil sa katangahang ginawa ko.
Unti-unti akong nakaramdam ng maliliit na patak ng butil ng ulan, Umaambon na pala. Ang pagsayaw ng puno, ang matitinis na tunog ng butil ng tubig na bumabagsak sa mga tuyong dahon, ang amoy ng ulan at ang malamig na simoy ng hangin ay ang mga bagay na nakapagpapakalma sa akin sa ngayon.
"Sumilong na tayo Karma." Sabi ko kay Karma na animo'y hindi niya ramdam ang pagpatak ng ulan.
Sumilong kami sa punong may dahon na sin-laki ng dahon ng gabi na siyang tumutulong sa amin upang hindi kami mabasa.
"Nagsisimula ang pag-ulan. Hinahanap ka ni Caden sa ngayon. Nauuhaw siya at ginagalit ang pakiramdam." Malumanay na sabi ni Karma.
"Pwede namang umuwi na tayo pagbibigyan ko siya. Kahit ubusin niya ang lahat ng dugo ko." Pag-aako ko.
"Hindi pwedeng sanayin si Caden na pawiin ang uhaw niya lalo na't prinsipe siya. Dahil baka dumating yung oras na dapat nasa tabi ka lang niya. Nagpupulong-pulong lahat ng prinsipe mula sa iba't ibang kaharian nararapat lang na huwag siyang umalis dahil siya ang namumuno sa pagpupulong." Mahabang litanya nito.

BINABASA MO ANG
Wanting her Blood
VampirgeschichtenAt the age of seventeen, Blanche push away herself to her curiosity.Thing that made her shookt when she found out where she really belongs. At first she thought that it was a really big mistake. But she's wrong, she let herself to know the half of h...