Matagal akong naghintay ng pagbabalik mo. Sabi mo, isang taon lang pero bakit hanggang ngayon ni anino mo hindi ko maaninag? Bawat lugar na puntahan ko ay ikaw ang naaalala ko. Bakit pakiramdam ko, pinaasa mo lang ako?
Naalala ko pa noon. Lagi mong inaabangan ang pag-uwi ko. Hatid-sundo mo pa ako sa bahay noon. Kahit anong tanggi ko sayo na huwag na akong ihatid ay anong pilit mo namang gawin ang mga bagay na gusto mo.
Lagi mo rin akong sinusundan kung nasaan ako. Inaalam kung ano ang mga ginagawa ko. Sinasamahan sa mga lugar kahit na hindi mo hilig ang mga 'yon.
Lahat ginagawa mo kasi sabi mo para sa akin 'yon.
Lahat ng 'yon ginawa mo habang ako asar na asar sayo. Pinagtutulakan kita palayo kasi alam kong hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo. Ayaw ko lang maramdaman mo na pinapaasa lang kita pero nandoon ka parin, hindi ka umaalis sa tabi ko.
Lahat ng mga kaibigan mo ayaw sa akin kasi paasa raw ako. Pinapaasa lang kita. Hinahayaan ko lang daw na gawin mo ang gusto mo at hindi daw kita pinipigilan kasi gusto ko daw na hinahabol ako. Gusto ko daw yung pakiramdam na ang ganda ko at may lalaking nagkakandarapa makuha lang ang atensyon ko.
Pero hindi nila alam na ayaw ko din ng ginagawa mo noon. Naalala ko pa ang pagtatalo nating dalawa.
"Ian naman, please! Tigilan mo na ako. Hindi nga kita gusto at hinding hindi kita magugustuhan! Kaibigan lang ang tingin ko sayo! Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo!" Sagot ko ng makitang tayo nalang ang naiwan sa lugar kung saan isinurpresa mo ako. Yun ang araw ng kaarawan ko.
"Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko. Alam mong hindi ko kayang gawin yang pinapagawa mo." Hindi niya ako tinitignan at may bahid ng lungkot sa kanyang mukha.
"Hindi ko kayang suklian lahat ng ginawa mo para sakin. Ito? Naappreciate ko lahat ng ginagawa mo sakin pero ang mahalin ka? Yun ang hinding hindi ko kayang gawin, Ian." Hindi ko na siya magawang tignan. Ayoko rin siyang nakikitang nahihirapan pero buo ang desisyon ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako eh. Gusto ko lang iparamdam sayo na espesyal ka sa akin." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito.
"Hindi ko deserve ang pagmamahal mo. Mas mabuti pang maghanap ka nalang ng taong deserve ng lahat ng ito. Hindi ako. Hindi ako yung taong para sayo." Binitawan ko ang kamay niya. At tinalikuran siya. Hinakbang ko ang paa ko palayo sa kanya ngunit hinila niya ang kamay ko kaya napatingin ako muli sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang punong puno ng kalungkutan. May kung ano sa ekspresyon niya na nakadama rin sakin ng lungkot. Bakit? Ayaw ko siyang makitang ganito.
"Aalis na ako." Tila nabingi ako sa kanyang sinabi. Kumunot ang noo ko.
"A-ano?" Nasamid pa ako ng sabihin ko 'yon.
"Aalis ako. Kailangan kong pumunta ng California para maasikaso ang business ni papa doon. Kailangan niya kasing umuwi muna rito dahil sa mga business niya rito at mamonitor 'yon. Kailangan rin kasi siya ni mama dito kaya ako ang kailangan lumipad sa California at magmonitor doon." Pinaglaruan niya ang aking mga kamay. Hinihintay ang magiging sagot ko sa sinabi niya.
"Hanggang kailan ka doon?" Tila may nakabara sa aking lalamunan na nagpapahirap sa aking magsalita.
"Isang taon ako doon, Mich. Hintayin mo ko ah?" Nginitian niya ako ngunit lungkot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit lahat ng pagtataboy ko sa kanya ay nais kong bawiin ngayon? Ang gusto ko lang ngayon ay ang sabihin na huwag na siyang umalis. Na huwag niya na akong iwan.
Hanggang sa pagkahatid niya sa akin sa bahay ay iyon parin ang iniisip ko. Bakit sinasabi kong ayaw ko sa kanya pero ang totoo ay pagkatapos ng araw ko ay siya agad ang naaalala ko. Bawat panaginip ko, siya ang nakakasama ko. At bawat paggising ko, siya ang hinahanap ko. Bakit ko ba siya pinagtatabuyan palayo sa akin? Bakit hindi ko rin maamin ang nararamdaman ko para sa kanya?
BINABASA MO ANG
A Year Without You (A short story)
RomantizmWaiting seems like forever. A day without the person you love is like a long day of suffering. But seeing the one you love after the day of waiting can make your longingness gone and be replaced with happiness. What if it will be a year? Can you sti...