ikaw at ako <3

142 8 0
                                    

Kinaumagahan*

Bat ganto, napapansin ko sa sarili ko na napapangiti ako ng wala sa oras. Simula kasi nung wala si Ian at maaga ng umaalis si Trish nasosolo ko na ang Mr. campus crush. Masaya ako lalo na nung kahapon, nilibre niya ako , ang dami naming kwentuhan tapos madalas na niya rin akong hinahatid. Sana araw-araw ng ganto.

Papalabas na ako ng aming gate ng biglang may malakas na busina  . ..

BEEP* BEEP* . Isang pamilyar na kotse ang tumigil sa harap ng bahay namin.

"Hoy Shey! Tara na." Hays. Si James sinundo ako. Kyaaaa! Anu ba naman tong puso ko lumulundag nanaman! Sympre papakipot muna ako.

"Ah. Hindi na maglalakad nalang ako."

"Ano ka ba! Tara na. Pakipot ka pa." At napaka naman! Alam ba namang nagpapakipot ako. -___-

"Che!" Pumasok na ako sa harap ng sasakyan niya. Medyo di kami nag usap at tahimik sa loob. Ng makarating na kami sa school, pagkababa na pagkababa namin sa kanyang kotse, hinila nanaman niya ako papuntang ... EWAN. Basta ako nakasunod lang.

"Hoy Mr. Campus Crush! San moko dadalhin?!" Grr. Matutuwa ako kung sa heaven ako nito dadalhin.

Hindi siya sumagot sa tanong ko.Nagulat nalang ako ng makita ko ang isang magandang bahay sa taas ng puno.. yun bang tinatawag nila na TreeHouse .

"Ano To " Nakangiti kong tanong.

"Malamang TreeHouse."

"Para san? Bahay natin ? Naku! di pa ako ready magkaroon ng anak! Napakabata ko pa!" Mukhang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. HAHA. Binibiro ko lang naman siya.

"WAT?! Para sating apat yan nila Trish at Ian. Pinagawa ko yan ng di niyo alam. TAtawagin natin itong SECRET PLACE para sating apat. Okay ba?" Napangiti ako sa sinabi niyang yun. Wow naman ^_^ Anu to barkadahan ? Hindi pwede magiging tayo pa!

"Ang ganda naman."

"Jan ka lang."

"Ops. San ka pupunta ?"

"Basta, akyat kana sa taas. Hintayin mo nalang ako jan."

"Basta bumalik ka."

Umalis naman na siya doon at wala akong ideya kung san siya pupunta. Umakyat ako sa taas ng treehouse at nakita ko na napakaganda sa loob. Ang laki, may sala , may Flat screen T.v. , may maliit na kusina .. Napakaganda ng pagkakagawa , nice idea. Alam ko naman na si James ang nagdesign nito kasi ang kukunin niya sa college architecture.

After 15 minutes nanjan na siya. Nagulat ako dahil may dala siyang mga pagkain.

"Oh eto kain ka na."

"Ha .. Pero kailangan na nating pumasok kasi may klase.."

"Pinaalam na kita sa lahat ng subject mo kaya wag ka ng mag alala jan okay." Woah! Lumulundag nanaman ang aking puso. Pinaalam niya ako para lang makasama niya ako ! owwww! Kinikilig ako! Oxygen Please!

"ha.. bat Moko pinaalam ? Ano ba meron ?"

"I just want to be with you" Sabay subo niya sa kinakain niya. My Gosh! Totoo ba yung narinig ko?! OO totoo! This is not a dream, This is  real !"

"ha .. eh .. Bakit?" Nauutal kong tanong.

"May pag uusapan tayo."

"Tungkol san?"

"Mamaya ko na sasabihin." Nakakinis naman sya binibitin ako! Pero dibale. Hihintayin ko nalang yung mamaya.

Bumaba na kami ng Treehouse dahil mag aalas kwatro na. Nakatulog kasi kami. FYI hindi kami magkatabi huh.

"SHEY!"

"Oh?"

"Ikaw at ako. .. ."

"KYaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" Pansin kong may sasabihin pa siya nun pero kinilig ako lalo na nung sinabi niyang IKaw at ako, naalala ko kasi yung kantang Ikaw at Ako ni Tj . Nikikilig nanaman ako!

"Huuuy! Nu ka ba. Sige uwi na tayo hatid na kita."

Nginitian ko naman siya at masaya akong naglakad na sumusunod sa kanya papuntang kotse niya.

Katulad ng laging nangyayari, nagpapaalam kami sa isat isa pag naihatid na niya ako tapos magtetext siya tas magtatanong kung kumain na ba ako tas pinapatulog na rin ako agad..

HAaaays! ang saya na ng nangyayari sa buhay ko! Pansin ko nagkakagusto na sakin ang Mr. CAMPUS CRUSH... :">

Campus CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon