"Doc Senal, good morning! Last patient na po si baby Archie for today. Papasukin ko na po?"
Being a pediatrician isnt an easy job. Yes, everyday you get to hang out with kids and babies. It's fun, actually. Everytime na may sinusumpong na bata, kailangan mong hulihin yung kiliti niya para tumahimik.
And since, iba't iba ang personality ng bawat tao, hindi lahat nadadaan sa candies and chocolates. Yung iba kailangan mong bigyan ng toys or other stuffs. But you know, totoo pala no? Na kapag mahal mo yung ginagawa mo, lahat ng pagod at effort na inilaan mo ay masasabi mong WORTH IT.
Because it all mades you contented. It all made you happy.
"Yes, sure." Finally, last patient for today! Yay! This is so tiresome. Gutom na din ako, wala naman akong kasabay mag-lunch.
"Oh wait. May gagawin ka ba mamaya after ng shift mo, Nurse Cha? Lunch tayo, treat ko." pag-aya ko sa kanya.
"Ay sige po, Doctora. Bet ko yan. Ang bait niyo talaga!" pumapalakpak niyang sabi.
Nambola pa, ililibre ko nanaman mamaya! "Wushu, sige na, sige na! Tapusin na natin ito then lets go!" I shooed my nurse, actually nagiisa siyang nurse dito sa clinic ko. Kaka-open ko lang din kasi nito and sa isang village lang naman sa Sta. Rosa ito nakatayo.
I just passed the board exam last 2015 and kakagraduate ko lang the prior year from UP Manila.
Ano kayang masarap kainin for lunch? May bagong bukas na steakhouse nga pala diyan sa Main Road. Right! Doon na lang kami later.
Natigil ang pagiisip ko nang may kumatok sa aking pintuan. May isang mommy na sumilip kasama ang isang cute na cute na chikiting.
"Good morning po, Doctora."
"Yes, come in. Mrs. Demain, right?"
"Opo, doc. Oh baby, say hi to doc." ika ni Mrs. Demain nang bumaling sa kanyang anak.
"Okay po, mommyloves. Hi doc, how are you po?" How cute! 'mommyloves' talaga ang tawag niya sa kanyang mommy huh. So adorable!
One thing is for sure, mahilig ako sa mga bata. Some may say, na nakakairita sila. But for me, they are all adorable and lovely.
"Hi baby, im fine. Ikaw? Anong masakit sa'yo?"
Right after itanong ko iyon, nagsimula na siyang umiyak.
"Kashi po, mashakit po yung tummy ko. huhuhu! Mommy!!!!" ngumangawang sabi niya.
"Oh ganoon ba, okay hahawakan ko yung tummy mo, okay? Then, sabihin mo kung iyon yung nasakit. But before that, check muna natin ang heartbeat mo ha." So i did. After checking his heartbeat I pressed the lower side part of his tummy.
"Eto ba?"
Umiling sya ng sunod-sunod.
I then pressed the lower part of his tummy. "Is this it?"
"No~" he said that with the long sound of 'o'.
"Mommy, whats the last thing he ate?" I asked his mom while im pressing the upper side of his tummy. "Baby, dito ba?"
"Ouch. Yes po. It hurts." hindi matigil sa pagiyak si baby Archie.
"Rice and egg lang namna po for breakfast ang kinain niya. Nako, doc malakas kumain 'yang anak ko. Hindi kain pang-four years old ang kain niyan. Daig pa nga ang kuya niya. "
"Ganoon po ba, mommy. Sa tingin ko po, indigestion lang po 'yan. Painumin niyo po ng water then i-massage niy-----"
I stopped mid-sentence when we hear baby Archie burped.
"Excuse me. Hihihi." humahagikgik na sabi ni baby Archie. "Doctora! Hindi na po masakit."
"Oh diba, i told you. Mabuti naman. I advise you, mommy na padighayin muna si baby after mag-eat para hindi magresult sa indigestion."
"Thank you, doc. I thought kung ano ng nangyari sa baby ko. Mabuti na lang at eto lang. Salamat po."
Tumango ako kay mommy. "So baby ano, okay ka na? Behave ka always ha, and laging makikinig kay mommy. Don't be pasaway, okay?"
"Yes doc, thank you. Wabyu!" ngumungusong sabi niya.
Napangiti ako, " Wabyu, too baby. Sige na, bye na."Bumaling ako sa mommy niya, "Mommy, pakisabi na lang kay Nurse Cha na free ang check-up niyo okay? And hindi na din ako magrereseta ng gamot since wala namang sakit si baby."
"Ay thank you so much, doc! Refer kita sa mga mare ko. Ang bait niyo talaga." nakangiting sabi niya.
"Nako, sige na. Bye." tumatawa kong sabi. "Bye, baby Archie."
"Bye, doc." Kumakaway na tugon niya.
Kasabay ng paglabas nila ay ang pagpasok ni Nurse Cha.
"Doc Senal, done na 'ko. You?"
"Magaayos lang ako, you know baka makasalubong natin si Mr.Right diyan sa daan." pagbibiro ko sa kanya.
"Ayt doc, wag ka ng magayos no need na naman e. Beauty ka na talaga." pakindat kindat niya pang sabi.
"Ayan na naman ang pambobola. Sige na! Sige na! Doon tayo sa bagong bukas na steakhouse kakain. I'm sure naman e gusto mo doon."
"Perfect, doc. Isu-suggest ko pa lang dapat e." humahagikgik na sabi niya. Umupo muna si Nurse Cha sa upuan sa harap ko.
Nag-ayos lang ako ng buhok at mukha saglit, then im ready to go!
"Let's go na Nurse Cha. I know gutom na gutom ka na." nakangiting sabi ko.
"Yey. Kaja!" 'let's go' ang katumbas ng 'kaja' which is a korean word. Kung meron man kaming napagkakasunduan netong si Nurse Cha bukod sa foodtrip e iyon ang panonood at pagiging 'kdrama is lyf' namin. Not bad for a 24-year old girls right?
Nilakad lang namin ang bagong bukas na steakhouse dito sa Main Road. Ilang blocks away lang naman iyon sa clinic ko.
Ever since I was a kid, pangarap ko na talagang maging isang professional pediatrician. At the age of 13, alam ko na ito na talaga yung gusto ko.
Natatandaan ko pa noon, yung isa kong tita ay nurse.
Yung mga medical books ng tita ko ay binabasa ko talaga just to have ideas for the future. Para by the time na mag-take ako ng medicine sa college, medyo pamilyar na ko sa kung anong dapat kong pagaralan.
After a 15 minute-walk, nakarating na din kami sa steakhouse.
"Welcome to Papi's steakhouse, this way po." the waitress at the entrance guide us to the available table.
I thanked her as she give us the menu. "What do you want?" Tanong ko kay Nurse Cha. She said her order so did I.
Inulit ng waitress yung order namin. "Is that all, Ma'am?" Tumango ako at ngumiti.
Pagkaalis ng waitress, bumaling ako kay Nurse Cha na kausap ang boyfriend niya sa kanyang cellphone. Ang swerte din ng isang 'to sa lovelife. Rich and handsome ang jowa, hatid-sundo pa sa clinic. Imagine, taga-Calamba yung jowa niya tapos pumupunta dito sa Sta.Rosa para lang sa kanya.
Ako kaya? Kailan may maghahatid-sundo sa akin sa clinic ko? Hays.
Habang naghihintay sa pagkain, napatingin ako sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit napatitig ako ng sobrang tagal doon. At sa pagtitig ko, hindi ko na napansin yung taong pumasok. Tumigil siya at nakipagtitigan sa akin. As soon as I realize na nagtititigan na kami, binawi ko agad ang tingin ko at in-excuse ang sarili kay Nurse Cha.
"Powder room lang ako!"
Hinihingal akong nakarating sa powder room.
Hindi 'to totoo! No. Ang tagal na ng huling kita namin and take note, sa Manila pa 'yon! Bakit kailangan namin magkita dito sa Sta.Rosa!?
"No. This is not happening."

YOU ARE READING
Maybe This Time
Genç KurguMeeting a friend after a while, really brings back good old memories. But I guess, old feelings as well.