Chanyeol's POV
"Trixia kaya mo ba matulog ng walang kasama sa room?" Tanong ni suho.
Nandito pa din kami sa sala mag 10 na ng gabi dahil hindi namin napansin ang oras nakipaglaro pa siya samin at sobrang saya niya. Si chen nga una niyang ka close eh kase naman puro kalokohan sinasabi kay trixia.
"Okay lang po, big girl naman na po ako eh. Mag 4 na po ako sa isang araw eh" sabi niya at pumapalakpak pa.
"Edi icelebrate natin yan baby, sa ngayon matulog ka muna ha" sabi ko at binuhat siya.
"Matulog na kayo sasamahan lang namin siya sa guest room"sabi ni summer. Nag akyatan na din sila.
Pumasok na kami sa room niya, maayos naman 'to at walang mga alikabok dahil lagi naming nililinisan incase na may bisita kame.
"Chanyeol matulog kana, lilinisan ko lang si trixia." Ani summer.
"Hintayin ko nalang kayo dito" sabi ko. Ngumiti siya at nag linis na sila sa cr.
Kinakusap ni summer si trixia na mamimili daw sila ng mga gamit niya dito sa bahay. I wish ma si trixia na nga ang anak namin. Pero kinakabahan pa din ako pag kinuha siya ng parents ni summer.
"Baby toothbrush ka muna ha. eee ka lang ha." Paalala pa ni summer.
Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na sila.
"Princess gusto mo ng milk para makatulog?" Tanong ko sa kanya.
"Wow! Princess! Sige po daddy! Milk!" Tuwang tuwa niyang sabi. Ang saya ko makita lang siyang masaya.
Iniwan namin si trixia dun sa kwarto at pumunta kami sa kusina para mag timpla. Umupo siya at hinimas ang noo, habang ako ay nagtitimpla.
"Hindi ko ma-contact sila mommy" sabi niya at hinihinlot ang sintido. Kahit ako hindi ko din alam gagawin ko.
"Kaylangan ko sila ma contact, dalhin mo na yan kay trixia. Good night babe, ipagpaalam mo nalang ako kay trxia ha" sabi niya at kiniss ako sa cheeks. Nilapag ko yung baso.
"Aalis ka?" Sabi ko.
"Oo"
"Pero gabi na" sabi ko
"Anong gabi na? Aba natural aalis ako dahil pupunta ako sa kwarto ko, ano bang iniisip mo?" Sabi niya at nakakunoot ang noo.
"Ah hehe. Kala ko pupuntahan mo magulang mo eh" sabi ko at nag peace sign.
Pumunta ako sa kwarto ni trixia at binigay ang gatas niya pagkatapos ay natulog na siya. Bago ako pumasok sa kwarto nadaanan ko ang bukas na pinto ni summer, dahan-dahan akong pumasok, naka-upo siyang natutulog habang hawak-hawak ang mga papel na nakasulat ang mga contact numbers ng kanyang mga magulang. Dahan-dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama niya.
***
Summer's POV
Naglalagay ako ng mga girl things sa aking sarili dahil may date kami ng boyfriend at anak-anakan ko na sana anak ko nga. 9:00 AM palang ay aalis na kami para mamili ng mga damit at mga gamit pa ni trixia.
"Mommy tapos kana po? Hinihintay ka namin po ni daddy" tanong ng kumatok sa labas na si trixia.
Lumabas na ako. Nakita ko naman si trixia nakangiti, ang cute naman ng batang toh actully kamuka ko siya HAHHAHAH. Naka dress siya na yellow polka dots tapos may head band ala ariana grande tas doll shoes na may ribbon na yellow.
"Ano mommy tapos kana tignan ang suot ko? Pangit ba suot ko?" sabi niya at nalungkot. Binuhat ko siya at bumaba na kami.
" Bibili na tayong damit mo baby para madami ka ng magandang damit" sabi ko. Nakababa na kame. Nakaupo naman silang lahat sa sala except kay brey at baek na kalalabas lang galing sa kusina at may dalang meryenda.
"Nandito na pala mag ina mo chanyeol eh" sabi ni d.o
Pinanlakihan naman siya ng mata ni chanyeol.
"Ah eh sige, umalis na kayo"sabi ni d.o
"Okay sige. Baby paalam kana sa mga tita't tito mo" sabi ni channie kay trix.
"Uhhmm baby trix nalang tawag namin syo ha" sabi ko sa kanya , siya naman kumikiss sa mga kaibigan ko, sila naman niyayakap pa si trix. Abat!
"Hoy! Hindi siya aalis ng matagal sa mall lang kami" paalala ko sa kanila. Tumawa naman sila. Aba't mga loko 'to.
"Naglalambing lang kami ate, eto naman. Sige na umalis po kyo, ingat ha" sabi ni aira.
"PASALUBONG!"
***
Nandito kami sa dept. store, si trixia namimili ng dait niya, madami na din siyang napili. Si chanyeol, naka upo lng at tinitignan kame.
"Mommy pwede na po ito, bayad na po tayo" sabi niya, kasabay noon ang pag ring ng phone ko.
" Chanyeol samahan mo muna si trixia magbayad, sagutin ko lang 'tong tawag" sabi ko sa kanya at umalis na sila.
Tinignan ko ang contact, unknown siya, pero sinagot ko padin.
"Hello? Sino po sila?"
[ She's your daughter, summer anak, sorry for everything, for stole your own daughter from you, please tell brittany and nadine i miss them, you also. Goodbye] sabi sa kabilang linya at pinatay agad ito.
Nanigas ako sa kinatayuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali na si daddy at katabi niya si mommy na umiiyak. Bakit? Mukhang nagpapaalam sila? Bakit? Oo inis ako sa inyo but why i feel that somethings wrong with the both of you?
"Summer? Are you okay?" nagisng ako sa katotohanan ng tapikin ako ni chanyeol at hinihila ni trixia ang laylayan ng damit ko.
"hhmm take out nalang tayong foods baby ha, masama pakiramdam ni mommy eh" sabi ko kay trixia tumango nalamang si chanyeol binigyan ko siya ng mamaya-ko-sasabihin-sayo- look.
Nasa sasakyan na kami, pauwi. Tahimik pa din ako at pilit inaalala ang nangyare kanina, kaylangan ko kumuha ng private investigator para malaman kung nasaan sila.
Nakauwi na kami,dumiretso ako sa kusina dahil gutom na ako, tuwang tuwa sila dahil madami daw kaming dalang pagkain. Pero ako eto gutom na gutom, kaylangan ko sabihin kila brey at nadine ang natanggap kong tawag kanina. Pero sa ngayon kakain muna ako. Matatapos na ako kumain, mag-isa lang ako kumakain dito silang lahat nasa sala. Naglalakad na ako papunta sa taas ng dumaan sa sala at nakatingin silang lahat sakin. Tinaasan ko sila ng kilay. Umiling nalang sila.
***
If may typos, sabihin nio nalang po sakin and sorry if meron.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love With The Gangster
FanfictionHuwag ako iba nalang. Mga kabataang pag-asa ng bayan ay mawawala dahil sa pag-ibig na hindi inaasahan. Ano nga ba ang maganda dulot ng love? Inspirasyon ba 'to? Ano ba talaga ang ipinaglalaban ng coldhearted girls VS Playboys? Sabi nila "I felt bu...