Brittany's POV
Sunod sunod ang putukan ng mga baril na nanggaling sa labas. Lahat kami ay naalarma, lahat ng tao ay napababa.
Sila mommy at daddy ay natataranta din. Ang mga lalaki naman ay todo protekta sa amin. Ako naman nag-iisip ng paraan kung anong gagawin.
"Chanyeol, dalhin niyo muna sa taas si trixia, mommy sumama na kayo sa taas kami ng bahala dito" sabi ni ate summer kay chanyeol.
"Aalis na kami" sabi ni daddy na nagmamatigas pa.
"Huwag na kayo makulit sumunod na kayo sa taas."
"Kung ayaw niyong madamay sa putukan sa labas, aalis na kami!" sigaw ni mommy at muling umiyak.
Nagtaka namam kaming lahat sa inasta niya. Si ate summer ay hindi makapaniwala na kung may kinalaman ba sila mommy sa nagbabarilan sa labas.
Agad kong nilinga ang aking paningin. Dahil sa papalapit na tunog ng mga baril ay parang papalapit na sila sa amin.
"Check niyo yung labas" utos ni Nadine sa mga boys.
Bumaba na si chanyeol at inaya na siya lumabas nila baekhyun para magbantay.
"CHANYEOL!" dinig naming sigaw ni suho.
Agad namang napalingon si Nadine doon na galing sa backdoor sa kusina kung saan sila lumabas.
I love how Nadine protect and command her group. Pero hindi ito ang oras magpurian. Sumilip ako sa bintana at nagulat sa mga tao sa labas. Bakit ang dami'ng tao?
"Nadine kaylangan na nating kumilos! Ang daming namamaril!" sabi ko kay Nadine. Tumango siya. Umakyat siya at sumunod kami para kumuha ng armas. Naiwan sila Ate summer, mommy at daddy sa baba.
Pag-akyat ay dumiretso ako sa 2nd floor kung saan iniwan si Trixia dahil sound proof doon. Pagpasok ay nakita ko siyang nakaupo at may pinapanood sa cellphone na siguro binigay ni chanyeol kanina para kumalma.
Hindi niya ako napansin dahil sa likod nya ako dumaan, pumasok ako sa isang kwarto pa doon, nag-ayos ako ng naglagay ng mga laruan at pagkain.
"Baby trix, doon ka muna sa loob nag mi-meeting lang kami sa baba, may mga pagkain, laruan at malaking tv doon, okay ba yon?" sabi ko sa kanya.
"Sige po!" sabi nya tsaka pumasok sa kwarto.
Umupo ako sa tabi niya.
"Babalik kami okay? Wag kang aalis dito" sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo.
Nagpaalam na ako saka dumiretso sa kwarto at kumuha ng mga dagger at swiss knife. Nagsuot rin ako ng mask.
"Ang masugatan tanga at?"
"Ang mamatay bobo." sabay sabay naming sabi.
Summer's POV
"Mom! Wag na kayo makulit mapapahamak pa kayo dito, sumunod na ka--"
"Kikidnappin nila ang anak mo" mahinang sabi ni daddy pero narinig ko naman iyon.
"Ano?"
"Kikidnappin nila ang anak mo!" sigaw ni mommy.
Napatulala na lang ako at hindi na alam ang gagawin. Wala ng luha'ng lumabas sa mata ko. Galit na ang lumalabas dito. Nagsisimula nanaman sila.
Narinig ko ang nga yabag nila brey.
"Kikidnappin si trixia? at bakit?" ulit at tila nagagalit na tanong ni Nadine.
"Alam niyo na 'yon!"
"Brey lumabas na kayo, kaylangan kay--" hindi na natapos ni Nadine ang sasabihin niya dahil bumukas na ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na balot na balot ng itim ay hindi makikilala.
Nakita ko ang labas na puro lalaking nakabulagta na.
"Ano, Amanda at Erik, naghihintay si boss" maangas na sabi ng nasa gitna.
"Nagkamali'ng pumasok pa talaga kayo dito sa loob." mariing sabi ko sa kanila.
Agad na naglabas ng baril ang dalawa niya kasama sa kaliwat kanan niya.
"Sa dami namin dito sa tingin mo dalawa'ng baril ang makakatalo samin? Anong utak ang meron kayo?"
"Ilalabas mo si Trixia o papuputukan namin kayo?"
Mabilis pa sa alas kwatro akong kumilos para wala ng mapahamak pa.
Umatras ako ng konti at saka pabwelong sinipa sa mukha ang lalaking nasa gitna, pagkasipa at natumba siya at napahawak sa tiyan. Ang kamay ko ay ipinorma ko sakaling umamba siya.
Agad din namang kumilos sila Nadine. Sinipa nila ang mga baril na hawak at tumalsik iyon sa kung saan.
Akmang babawian ako ng lalaki sa gitna ng suntok, pero yumuko ako nasa likod niya na ako ngayon, sisipain ko sana siya ng may maramdaman akong malamig na bagay sa sintido ko.
"Ibigay mo nalang si Trixia"
"Ano ako tan--"
"Mamili ka, si Chanyeol o si Trixia" bulong niya sa akin na nagpakanindig sa akin.
Agad na natahimik ang paligid. Ang dalawang lalaking may hawak ng baril kanina ay nakaupo na sa sahig at dumadaing. Ang lalaki naman na sinipa ko ay hawak hawak nila baekhyun.
Nagpakiramdaman ang paligid ng mapagtantong wala nga si chanyeol.
"Ako nalang" sabi ko sa kanya.
Imbis na mapahamak ay ako nalang ang sasama. Lalaban ako.
"Sige! Mas mabuti dahil ikaw naman talaga ang pakay namin" sabi niya sa akin.
Nang dahan dahan niyang inalis ang baril sa akin ay kinuha ko ang kamay niya at pinaikot ikot iyon. Napadaing naman siya sa sakit at nabitawan ang baril na sinipa ko agad.
"Tandaan mo, nasa a-amin na si chanyeol. Ahhhh!" sigaw niya pa.
Nandilim ang paningin ko sa kanya, kaya sinipa ko siya palabas.Lumabas ako at dinaklit sya sa leeg. Dinig ko pa ang tawag sa akin nila Nadine.
"Dalhin mo ako kay Dimmou" (backread nalang po if di maalala).
"Anong akala mo sakin? Tanga?" natatawang sabi niya. Sinuntok ko siya mukha at napahiga naman siya. Hinawakan niya pa ang gilid ng bibig na dumugo.
"Oo tanga ka" sabi ko at tsaka siya sinuntok ulit. Umupo ako kapantay niya na nakahiga na tsaka tumingin sa kawalan.
"Dalhin mo ko kay Dimmou.." pahina ng pahina ang pagkakasabi ko ng makita si Angela na palabas ng gate at may dalang..
"Nadine! Sundan niyo si Angela!" sa pagkatuliro ay nasipa ako sa mukha ng lalaking kaharap ko na nakatayo na ako naman ang napahiga.
Mabilis na lumapit sa akin sila suho at tsaka pinagsusuntok tong lalaki.
"Ikulong niyo yan" sabi ko sa kanila.
"Summer si chanyeol.." dinig kong sabi ni Suho. Nag-aalala siya sa kagrupo niya.
"Ako na ang bahala doon." sabi ko sakanya.
"Ikulong niyo ang lalaking iyan, baek, chen, kai samahan niyo ako" dagdag ko pa.
"Nagkamali kang pinaiwan mo pa ko di--" sinipa ko ulit ng malakas sa tiyan ang lalaking iyong hawak nila.
"Masyado kang madaldal!"
"ANGELAAA!!! TRIXIAAA!!!"
Agad nagpantig ang pandinig ko ng madinig si scarlet na sumigaw na nasa gate sa labas. Unti unti akong napalingon doon at...

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love With The Gangster
FanfictionHuwag ako iba nalang. Mga kabataang pag-asa ng bayan ay mawawala dahil sa pag-ibig na hindi inaasahan. Ano nga ba ang maganda dulot ng love? Inspirasyon ba 'to? Ano ba talaga ang ipinaglalaban ng coldhearted girls VS Playboys? Sabi nila "I felt bu...