KDRAMA RECOMMENDATIONS AND REACTIONS
If you are finding a good drama to watch, you're in the right place. This is a compilations of all my reactions about the kdrama series I've watched and I want it to share with you!
Please enjoy, chingus!
Descendants of the Sun is a story of a soldier and doctor. At first, they dated kaso dahil sa trabaho nila nawawalan sila ng time para sa isa't- isa. But destiny really know how o stir things up, and because of a mission, nagkita ulit sila.
So ayun na nga! Itong kdrama na ito ang suspect kung ba't ako naa-addict sa kdrama. Sino ba namang hindi diba? Joong Ki yan bes + Song Hye Kyo! As in, di mo mapipigilan na magpuyat kahit may long quiz kayo sa Math kinabukasan.
What I love about this drama ay, sobrang natural lang nila sa pag- acting tapos nafifeel mo talaga yung mga dialogue kahit di mo gets kung minsan lols. Favorite ko din dito yung second lead couple (tama ba? yun nga ba ang tawag dun? correct me ha!) kasi ughhhh, sobrang feels beehh! I love how every character has a big role sa dramang ito, hindi lang sila decorations sa gilid but they play a major role kahit ka trabaho lang sya nung bida, ganun. Tapos yung OST (Official Sound Track) pa sobrang tumatagos hanggang bone marrow, yung bang pag nagplay yung certain song na yon, alam mo ng kissing scene ang mangyayari, yung mga ganun bang instances, LOL. Dahil sa OST ng DOTS kaya naging fave kdrama ko din to.
Hindi lang sya purong kilig, may matutunan ka and at the same time you will enjoy watching it kahit masakit na yung mata mo. Matindi ang plot twists, kakabahan ka na lang bigla ganun, minsan gusto mo na lang sabunutan yung kontrabida sa sobrang inis, tapos mapapaiyak ka ng wala sa oras, ang matindi, yung kilig mo sumasabog mula ulo hanggang paa.
Yoo Si Jin and Kang Mo Yeon are my favorite couple in kdrama land so far, they look so cute together, and also, yung chemistry nila naguumapaw like heart eyes emoji everywhere!!!
Descendants of the Sun is a highly recommended kdrama para sa mga gusto simulan ang journey nila sa panunuod ng sangkatutak na dramas or dun sa wala na silang maisip na panuodin. Promise, you will never regret watching it.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.