Note: Can't remember all the kdramas i've watched. Tagal ko na ring di nakapag update, 2 years?
1. Crash Landing On You (9/10)
mga bhie, sino pang di nakakanuod nito? hahahaha. sobrang funny tsaka nakakakilig, though ang unrealistic ng pag ccrash landing sa north lol, pero oks lang, bawing bawi naman sa humor at kilig. sa ending, i just expected more pero okay na rin.
anyways, congrats binjin couple is real!! congrats!!
2. Princess Hours (2006) (7/10)
yup, im late to the party. maganda sya pero sobrang inis ako sa second male lead huhuhu napaka pa-epal. tsaka frustrated ako dito kasi mas madami pa awayan kesa kilig, patapos na yung series nag aaway pa rin huhuhu. grabe talaga ang inis ko lol. satisfied with the ending. alam mo we need princess hours sequel or season 2! i think we deserve that. rewatch nyo kung gusto nyo <3
3. Its Okay To Not Be Okay (9/10)
sobrang astig lang per episode, kasi may fairy tale na finifeature tapos may twist, pinapakita yung ibang perspective dun sa typical na alam natin dun sa fairy tale. the series was perfectly woven. ang issue lang sakin ay napakadaling natalo ng antagonist hahaha, parang kinulang lang ako dun antagonist, hindi ganun kalakas. though, gets ko naman na di doon ang focus ng story, more on internal conflicts ng protagonists. i CRIED!!!
4. Reply 1988 (9.5/10)
hahahaha im a hoe for comedy kdramas hahahah. each episode made me roll in laughter. dito mo hihilingin na sana magkaroon ka rin ng squad na kasing solid ng ssangmundong squad. real friendship is real!! alsoooo, major second lead syndrome huhuhu ang sakit pa din. alam nyo ba lagi akong nagrerewatch ng moments ni duk seon at ni second lead (i wont say the name, baka may di pa nanonood). ang laki po ng iniwang butas sa puso ko hahaha. masarap irewatch ang funny moments sa youtube. love the casts so much, everyone, from the smallest role to the main characters <33
5. Sky Castle (8/10)
ang tindi talaga ng pagmamahal ng isang ina sa anak, kaso may ibat ibang ways of how they show it to their child. wag pong maghahanap ng kilig scenes masyado, focus po ito sa struggles ng mga estudyante hahaha. wala pong tapon per episode. mapapaisip ka talaga sa susunod na mangyayari, buti na lang hindi ongoingnung nanood ako, kundi mababaliw ako kakaisip hahaha. na-inspire po ako nito mag aral hahahaha.
~ e, xx
BINABASA MO ANG
KDRAMA RECOMMENDATIONS
RandomKDRAMA RECOMMENDATIONS AND REACTIONS If you are finding a good drama to watch, you're in the right place. This is a compilations of all my reactions about the kdrama series I've watched and I want it to share with you! Please enjoy, chingus!