YOU. MUST. WATCH. THE. COOLEST. MEDICAL. DRAMA. THAT. I'VE. EVER. WATCHED.
The best surgeon of Korea left her hospital because of some problems and ended up working at the hospital ship.
So paano ko ba ito sisimulan, mga kababayan? Uh so sa totoo lang, announcement pa lang na magkakaroon ng Hospital Ship, sobrang excited na'ko, tapos nalaman ko pa na ang cast eh sina Kang Min Hyuk and Ha Ji Won, like, mind blown ako bessy, Queen Ha Ji Won in the houuusseeee!
Ayun nga, for all you know mahilig talaga ako sa medical dramas kaya ganon na lang ang excitement ko sa kdrama na ito.
Unang episode. Woahhhhh! Unang gap pa lang, woaaahh! Like ano ito bessy, what is this feeling na natatae ako habang sinisimulang panuodin ang H.S. Hindi ko maiexplain, unang labas pa lang nakakaengganyo na sya panuorin.
Nakakaiyak. Eto pa lang ang med drama na grabe ang iyak ko. Unang ep pa lang may hugot na agad, oo agad agad. Hahaha parang unang ep, climax agad! Lol. Di ko inexpect na iiyak ko bawat ep hahaha.
Ang ganda lang ng narration ng story, bawat pasyente may kwento, lahat sila may kwento. Ang ganda din ng family sa loob ng Hospital Ship, ang cute nilang lahat, kahit yung mga oldies hehehe.
Ang laki ng kaibahan nito sa ibang med drama kasi sa ship nga sya tapos madalas ang mga surgery pa ay impromptu, as in bibilib ka na lang na nangyari yon. Ang ganda nung mga part na sinosolve nila kani kanilang problema. Ang touching, nakakaiyak. Lalo na yung kay Kang Min Hyuk. Ang maganda din dito, hindi gaanon hinahighlight ang romance between Ji Won and Min Hyuk, pero sobrang nakakakilig pa din. Alam nyo yun, ang mature lang. Ang mature lang na in a way na no need for cheesy lines ang kailangan lang nandyan ka sa tuwing nahihirapan yung isa. And I think that's sweeter.
Ang daming ganap dito guys, ang saya-saya. Expect the unexpected, ika nga. Lolz! Kaya mamimiss ko ng sobra sobra to pati na ang baby boy kong si Lee Seo Woo (Bae Suzy's younger brother on Uncontrollably Fond)
Magkwento lang ako ng isang scenario, so naka peel off mask ako nung nanunuod ako ng HS, tapos nung tatanggalin ko na yung mask ko, umiiyak ako kasi nakakaiyak yung scene + nakakaiyak magtanggal ng mask. Like, sobrang extra nung face mask sa pageemote ko sa Hospital Ship.
Nung natapos ko to, nasabi ko na lang ay I WANT MORE 10 MORE EPISODES PLEASE! Kasi kulang ang 40 eps, sa totoo lang kahit satisfied na ako sa ending. Ayoko lang talaga matapos tong kdrama na ito.
Rate? 11/10.
~ e,xx
BINABASA MO ANG
KDRAMA RECOMMENDATIONS
Ngẫu nhiênKDRAMA RECOMMENDATIONS AND REACTIONS If you are finding a good drama to watch, you're in the right place. This is a compilations of all my reactions about the kdrama series I've watched and I want it to share with you! Please enjoy, chingus!