Edward Pov
Saturday na ngayon at kahapon lang umuwi si kisses sa kanila. pinasundo kasi sya ng mommy nya kagabi. tulad ng sinabi ko noong nakaraan sasabihin ko na sa barkada ngayon na ako talaga si superman para na rin matulungan na nila ako.
Sinabi ko na to kay marco at vivoree at sumang-ayon naman sila. tama daw tong gagawin ko. kaya ang plano ko ay ipagluto ko sila ng pancake tapos sabihin ko na agad. sana naman maintindihan nila ako.
Gising ang lahat pero may kanya kanyang ginagawa kaya naman pumunta nalang ako sa kusina at simulan na ang pagluluto ko ng pancake.
Maymay- Ed magluluto ka ?
Oo ate may!
Maymay- Gusto mo tulungan kita ?
Di na ate may. kaya ko na to.
Maymay- Okay. ano ba lulutuin mo ?
Secret!
Maymay- Bahala ka nga jan!
mamaya nalang ate may pag luto na at pwede ba makausap ko kayong lahat. may sasabihin kasi ako sa inyo.
Maymay- Tumgkol saan ?
Basta mamaya nalang.
Vivoree- Ate may tigilan mo na yan si edward buti pa mag zomba tayo girls.
Maymay- Sige! edward maiwan muna kita. wag ka mag alala wala naman kaming lakad. except kisses na wala dito.
Hahaha. sige ate may. thank you.
Pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko. marami kasi tong ginawa ko para naman matikman na talaga nila pano si kisses pag binibigyan ko nito di na halos mamigay sa mga kaibigan namin. pero sure naman ako na nakatikim sila kahit papano.
Nandoon na silang lahat sa sala nanood ng tb. kaya pinagtimpla ko na rin sila ng juice. dinala ko na ang pancake sa kanila nilagay ko sa table pati na rin ang juice.
Christian- Nagluto ka pala ng pancake edward?
Ahh. Oo. sige tikman nyo na.
Maymay- bakit ngayon ka lang nagluto ng pancake na wala si kisses. yun pa naman matakaw sa pancake.
Sinadya ko talaga na wala sya. kasi may sasabihin ako sa inyo.
Maymay- Ha ?
Yong- Teka ate may! may kapariho ang lasa nito eh. di ko lang maalala kung saan ko ba to natikman.
Fenech- sarap kuya ha.
Rita- Agree angsarap nga.
Maymay- P4tikim nga!
kumuha si maymay ng isang pancake at tinikman ito.
Maymay- Oo nga angsarap. parang kay superman lang ni kisses yung lasa.
lahat naman sila ay napatingin sa sinabi ni ate maymay. pinatay ni marco ang tv para magkarinigan kami.
Yon na nga ate may ang sasabihin ko ay....
Marco- Siya si superman!
tiningnan ko si marco ng masama pano ba naman inunahan ako.
Yong- Pano nangyari yon !? dba nasa US ka nag aral?!
Ang totoo kasi ako yung geek.
Maymay- Ikaw yung geek ? qng gwapo ko kaya!
Kaya nilapitan ni maymay si edward at tiningnan ang mukha nito ng maigi.
Maymay- Siya nga yung geek!
Yong- Pero paano!?
Vivoree- Yong shut up! si edward nga lang pagsasalitain natin. wag kang epal!
Yong- Fine!
Yun na nga guys ako yung geek dati tapos binibigyan ko si kisses ng pancake sa locker nya palagi. tapos hiningi ko password nya kay marco para maopen ko ang locker nya. kaya sorry guys.
Maymay- So matagal mo ng alam to marco?!
vivoree- Yes matagal nya na tong alam ate may at katagal ko na rin tong alam.
Fenech- pano mo nalaman viv ?
vivoree- nahuli ko kasi tong si marco isang araw sya ang naglagay ng pancake sa locker ni kisses.
Marco- wala kasi si edward noong araw na yun kaya ako na mag presenta na mag lagay nito sa locker ni kisses. naalala ko kasi dati pag di yan nakatanggap si kisses ng pancake ay iiyak sya kasi nga daw nakalimutan na daw sya ni superman/pancake guy nya.
Vivoree- simula noong nahuli ko sya sinabi na ni marco lahat sa akin. di pa nga ako naniwala noong una.
Tanner- Pero sa ilang taon di mo man lang pinakilala si edward sakanila marco ?
Marco- desisyon nya yon. gustohin ko mang ipakilala sya sa inyo pero ayaw nya. kasi nakakahiya daw hitsura nya.
Christian- so edward when did you get a make over ?
Maymay- bakit nga pala wala ka noong graduation ?
Yon na nga wala ako noong graduation dahil pumunta ako sa States namatay kasi lolo ko. at make over ang kapatid ko ang may kagagawan nito at thanks to her kasi nga ngayon may cofidence na ako.
Maymay- so anong plano mo ngayon ?
kaya ko nga to sinabi sa inyo guys para matulungan nyo ako. kung paano ko to aaminin kay kisses.
christian- bakit di ka na lang mag set ng date para sa inyong dalawa tapos ipagluto mo sya nitong pancake mo.
Vivoree- Good Idea tian. pero paano naman at saan ?
Fenech- Hmmp! dito lang sa bahay viv. sa garden. di ba may barcelona na movie ngayon ng kathniel ? parang ganoon nalang. barcelona date yung parang picnic may roses tapos yung food ay spanish. pero ang pinaka last food na ilalabas ay ang pancake ni kuya edward!
Marco- Woah! di ko alam magaling ka pala sa mga ganyan fenech.
Rita- paano ba naman super fan yan ng kathniel! kaya may pa barcelona yang naiisip. hahaha
lahat kami ay napatawa naman sa sinabi rita.
Maymay- Good idea yun fenech. pero ang tanong kailan naman ?
maybe at the end of the month. para ma sure talaga lahat.
Maymay- Okay! end of the month it is. pero di pa rin ako makapaniwala na ikaw yung geek noon! hahaha!
Yong- kahit ako ate may para di pa nagsink in saakin.
maymay- weeh ? hahahaha. ikaw ba naman kung makapanghusga kay edward noon dahil geek pa sya.
yong- Sorry bro!
it's okay.
Maymay- Oo nga pala edward mahal mo ba talaga si kisses ?
Mahal na mahal ate may. actually dapat 2 years pa ako babalik dito pero di ko kaya. mahal na mahal ko si kisses na kahit sa malayo lang ako tumitingin sa kanya noon ay okay lang basta ba makita ko sya. lalo na at masaya sya sa tuwing may pancake akong nilalagay sa locker nya ang saya ko na rin. kaya noong nag panggap si niel nasaktan talaga ako kasi ako dapat yun eh! ako naman talaga ang totoong superman nya.
Maymay- O sya! tutulungan ka na namin. sapat na yung mga narinig ko.
thank you so much guys. akala ko magagalit kayo sa akin at di nyo ako matanggap.
Yong- Di naman kami ganun. we always listen para naman malaman namin ang dahilan ng bawat isa kung bakit yon nagawa.
Marco- Told you dude!
Hahahaha. Oo nga! thank you talaga guys kahit bago lang ako pero tinanggap nyo pa rin ako ng buong buo.
Maymay- Your always welcome edward.
Sobrang saya ko kasi nasabi ko na ang totoo sa barkada at tinanggap pa nila ako. Tutulungan pa nila ako pagpapakilala ko kay kisses. thanks God sana naman ito na talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/97614202-288-k904835.jpg)
YOU ARE READING
I'm Inlove with the Campus Queen (KissWard)
FanfictionI'm in love with the campus Queen but the sad thing she even don't know that I exist.