Vendetta. 00

85 8 2
                                    


   
  
           "Hindi Kabutihan at kasamaan ang tunay na bumabalanse sa daigdig, o maging sa kalawakan. Ang kabutihan at kasamaan ay panuntunan lamang na nagpapaikot sa buhay.
          Ang Paglikha at pagkawasak o buhay at kamatayan. Ito ang tunay na timbangan.

           Alam n'yo ba kung bakit inilarawan noon na ang daigdig ay katulad sa isang mesa na may apat na sulok? Ang mga ilustrador ay ginawang literal ang pagkakahulugan sa apat na sulok ng mundo. Ngunit at totoong kahulugan nito ay ang pagbabalanse ng paglikha at pagkawasak o buhay at kamatayan.

           Ang sangkatauhan ay may apat na sulok, o mas tamang interpretasyon ay makikita sa ilalim nito. Ang apat na paa o apat na pundasyon ng buhay. Ito ay ang Pisikal, espiritwal, saykolohikal at emosyonal. Tulad sa isang mesa na kapag wala ang isang paa ay mabibingit ito sa pagkawasak.

          At dahil nga ang sangkatauhan ay binabalanse ng paglikha at pagkawasak. Ang apat na pundasyon ng buhay ay may kasalungat at katumbas sa kamatayan. Ang apat na anyo ng kamatayan...
     
     

          Si Zvyer. (Wey-jar) Ang manlalamon. Mahahalintulad siya sa isang mabangis na hayop. Isang halimaw na kumakain ng laman. Mapaminsala ang kanyang lakas. At wala pang nakakatakas sa kanyang mga kuko at pangil. Ang kamatayang pisikal.
     

           Si Eternel. (It-er-nel) Ang manunundo. Isang sundo ng mga kaluluwa na mula sa purgatoryo. Ang mananabas ng mga espiritung ligaw sa ibabaw ng lupa. Sa kanyang anyo pa lang ay kamatayan na ang impresyon. Kawalan ng pananalig at pag-asa ang kanyang hatid. Ang kamatayang espiritwal.

    

           Si Maldeed. (Mal-did) Ang manlilinlang. Isang demonyo. Mapanira ng kaisipan, paniniwala, at pandama. Isang mapanuksong anyo na nagdudulot ng kasawian ng pag-iisip. Isa nga naman siyang demonyo. Nagmula sa impyerno, -isang lugar ng walang katapusang pagdurusa. Ang kamatayang saykolohikal.
  
    

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon