Vendetta. 08

49 5 4
                                    

  
  
        Walang bangkay na paglalamayan. Walang katawan na ililibing. Wala rin naman ang makikiramay. Tanging pag-galang lang sa mga nagdadalamhati ang kanilang binibigay. Mag-isa si Roman na nagtayo ng puntod ng namayapang Land lady sa sementeryong walang nang nais pumunta. Mga takot. Takot na may konkretong basehan.

           Isang buwan ang lumipas. Nakabangon na mula sa pagkaka-lugmok ang naiwan. Ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pait ng kawalan. Wala na siyang dahilan, ngunit kailangan pa niyang mabuhay. May kailangan pa siyang gawin, bilang isang kaibigang may simumpaang pangako. Mayroon siyang dapat protektahan....

          Si Roman.

          “Ano'ng ibig n'yo sabihin?” naguguluhang tanong ng binata sa siniwalat ni Ka-Jo.

          “Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapakita. Hanggang ngayon ay nasa panganib pa rin ang buhay mo... ninyo na katulad mo.” Nagbabadya na naman ang kalungkutan nang maalala niya si Sam na nabigo siyang protektahan. Napailing siya. Kailangang hindi tayo magkita. Baka, sinusubaybayan lang ako at...”

          Hinihintay ang tagpong katulad nito para matagpuan ako?” dugtong ni Roman. “Handa ako. Sabihin mo, sino sila?”

         Hinde.” pinaka siryosong tugon ni Ka-Jo. “Hindi ka kailanman magiging handa sa kamatayan. Sapat na malaman mong hindi ka ligtas.”

         Natahimik si Roman. Sa kanyang loob; Nakaharap ko na ang kamatayan.

         Tumalikod si Ka-Jo. Ito na ang kanyang pamamaalam. Tutal ay wala nang dahilan para bumalik ako dito. Ito na ang huli nating pagkikita. Kailangan mo na rin magpakalayo. At simula ngayon, wag kang magtitiwala kahit na kanino...”

          “...kahit sa'kin.” Tuluyan nang nawala sa paningin ni Roman ang kanyang itinurin na pangalawang ama nang isara na nito ang pinto ng tahanan na kumupkop sa kanya.

          Halos mag mura ang kalooban ni Roman. Gusto niyang habulin si Ka-Jo, hindi para pigilan ito, kun'di para kutusan. Kagagaling niya lang sa issue ng pagtitiwala sa tao. Kung kailan may tiwala na siya ulit sa mga tao, ngayon pa sasabihin sa kanya na wag mag tiwala kahit kanino. Nakaka-gago lang.

         
          Mga alaala na lamang ang naiwan sa munting apartment na dating magulo ngunit representasyon ng masayang tahanan. Parang kailan lang ang lahat. Si Sam na nagkakamot ng binti sa sofa na korteng saging. Si Aling Violeta na laging lasing na nakasandal sa pintuan. Si Jonathan na umuuwi para mahuli sila ni Sam na naghahalikan. Ngayon, mas maingay pa ang pagtatalik ng mga ipis kaysa sa taong naiwan dito, siya.

        Napa-buntong hininga si Roman. Naalala niya ang minsang sinabi ni Sam. “Life is in front of you, not behind. So keep moving forward and never look back.”
   

        Samantala, bago tuluyang umalis si Ka-Jo ay nag-sindi muna siya ng isang stick ng sigarilyong pinisa ng kanyang bulsa. Gumamit siya ng posporo para sindihan ito. Hindi niya alam na buhay pa ang apoy sa palito nang itapon niya ito sa basurahan na punong puno ng mga scratch paper na nilamukos ni Roman. Hindi magtatagal ay lalaki ang apoy at mag sasanhi ng sunog na lalamon sa kalahati ng baranggay. Talagang wala na siyang babalikan.

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon