Vendetta. 09

35 4 6
                                    


  
          “Zyver. Ang manlalamon. Ang pisikal na anyo ng kamatayan. Isang halimaw na walang katumbas ang lakas at patuloy pa ang kanyang paglakas sa tuwing kumakain siya ng buhay na laman. Mas nagpapalakas sa kanya ang mga laman ng tao. Siya ay nilikha bilang pinaka-mapaminsalang sandata ng hari ng kadiliman laban sa sangkatauhan. Sa kanyang angking bangis at lakas, siya ang kinilalang hari ng mga halimaw.

          Panahon ng Medieval nang siya'y isilang para sa iisang layunin. Ang ubusin ang mga tao...”
        
      
         SHIT!!”

         Halos mabingi si Alwina sa lakas ng mura ni Maestro Andy Magtalas. Napamura ang Maestro sa kanyang pagsasalin ng isang lumang libro na nasa kanyang pangangalaga, ngunit nakatambay lang sa kanyang inaalikabok na library. Ito ang aklat ng natatagong kasaysayan ng ‘Apat na anyo ng kamatayan’.

         Tatlong linggo matapos ang insidente sa sementeryo, natagpuan ni Alwina Magtalas ang isang sketch ng halimaw mula sa nagkalat na case files, sa lamesa ni Agent Spas. Agad niyang binatukan si Agent Spas dahil sa pambabalewala nito sa kaso at dahil na rin sa kaburaraan sa mesa nito.

         Agad na nagtungo si Alwina sa kanyang kapatid upang mangalap ng impormasyon tungkol sa kalaban na pagala-gala ngayon sa Bulacan. Bago pa man mangyari ang kanyang kinatatakutan, kailangan na niya itong mapigilan. Isang linggo ang lumipas bago matagpuan ni Maestro Andy ang tamang libro. Nakalimutan niya kung saan niya ito nailagay. Natagpuan niya ito kasama ng mga FHM magazine. Agad siyang binatukan ni Alwina dahil sa kapabayaan nito sa isang napaka halagang pamana ng kanilang lahi at sa kaburaraan.

      
         “Ang pangatlong anyo ng kamatayan. Nagpakita na rin siya...” Hindi pa rin makapaniwala si Maestro Andy sa kanyang nalaman. “Isang halimaw.” Nanlalaki pa rin ang kanyang mga matang titig sa larawan ng halimaw sa lumang aklat at sa larawan ng halimaw na ginuhit sa papel ni Roman. Parehong-pareho, walang pinagkaiba, parang xinerox.

          “Ipagpatuloy mo lang ang pagsasalin, tawagan mo 'ko agad kapag may natuklasan kang mahalagang impormasyon.” paalam ni Alwina.

         “Saan ka naman pupunta?” usisa ng Maestro.

         “Ipapaalam ko ito kay President.” diretsong tugon ni Alwina.

         “President? As in the President R.D?”

         “Oo. Hindi niya pwedeng balewalain ang isang ito.”

         “Pero, baka dahil dito, hindi na mapigilan ang pagdeklara ng Martial Law sa buong bansa.”

         “E ano naman? Wala nang magiging deperensya 'yun sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, bukod sa paglitaw ng mga taong tamang-hinala, at mga reklamador na walang alam.”

         “Tama ka. Pero anong magagawa ng Presidente sa ganitong sitwasyon? Ni-ayaw niyang magpatulong sa bansang may supreme fire power.”

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon