Vendetta. 10

37 5 5
                                    

  
        
         Walang pagdadalawang-isip na nilagay ni Roman ang itim na maskarang may pulang mata sa kanyang mukha...

        Sandali! Tigil!” pigil ni Amora na binabalutan ng hilakbot.

         Ngunit huli na ang lahat. Nasa mukha na ni Roman ang maskara. Mabilis niyang sinugod ang mga kalaban. Isa-isa niyang pinabagsak ang mga ito. Nagpatuloy ang laban...

        Samantalang si Amora ay naroon pa rin at hindi man lang gumagalaw. Natuwa siya sa kanyang nakita. Nawala ang kaba. Napangiti siya. Lumingon siya sa isang lalake na may maskuladong pangangatawan. Caprio.” tawag niya dito.

        Sa tingin pa lang ay alam na ni Caprio ang nais ipagawa sa kanya ni Amora. Nilapitan niya ng mabilis si Roman at agad na itinulak ito papunta sa isang puno.

       Sa lakas ng pagkakatulak ay tumilapon si Roman at napasandal sa matabang puno na nanahimik sa pagpapalaki sa miniforest ng Malolos. Nagtaka pa siyang nahulog mula sa kanyang mukha ang itim na maskara.

     
       “That's enough.” Isang mahinahong tinig na may otoridad ang nagpatigil sa kanilang lahat.

        “Roman!” Agad na tinungo ni Elerina ang kinaroroonan ng kanyang nobyo, ngunit agad na natuon ang tingin niya sa itim na maskarang nahulog. Dinampot niya ito para muling ibigay kay Roman.

        Umiling si Roman. Isang palatandaan na hindi na nga sumasanib sa kanya ang kapangyarihan ng maskara. Nanghinayang si Elerina, kakambal ay takot na nararamdaman.

        Minsan inisip ni Elerina na isuot ang maskara. Pakiramdam niya'y tinatawag siya nito. Ngunit dahil sa takot, hindi niya ito magawa. Ngayon ay nagkakaroon siya ng tapang na isuot ito. Nasa panganib sila, kailangan nila ng tulong.

  
        Isusuot na niya ang maskara nang hawakan ni Roman ang kanyang mga braso. Pinigilan siya ng kanyang nobyo. Umiling ito.

        “Hindi na kailangan.” bulong ni Roman. Inakay na niyang tumayo si Elerina at humarap sa mga nakalaban na ngayon ay nakahanay na parang mga sundalo sa isang platoon.

        Nasa harap ng platoon si Amora, pawang mga naka-tindig ng tuwid. Ang mga napuruhan ni Roman ay naka-hanay din sa isang tabi. Mga naka-luhod at nagbibigay pugay.

        Ano'ng ibig sabihin nito?” pagtataka ng dalawa.

        Mula sa itaas ng puno sa likod ni Roman at Elerina, bumaba ang isang babaeng naka-suot ng full-body fitted combat-suit ng ASRRD at may kargang BFG -50A .50 BMG Semi-Automatic Sniper Rifle. Gentlemen. Meet Mr. Roman Talento. Descendant of the first Knights of the Sacred. Former Noir; the Knight from the dark side.”

         “Director Hawkeye?” pagkilala ni Roman sa babaeng tumungo sa kanilang harapan.

         “Mr. Roman Talento. Meet the Neo Knights of the Sacred. Inheritors of the bloodlines.”

         Sa utos ni Amora na tumatayong Platoon leader ay sumaludo sila bilang pagbibigay pugay.

         “Good job Agent Amora.” bati ng kanilang Direktor.

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon