Vendetta. 07

56 5 1
                                    

  
 
        Malaki, malakas, mabangis. May ngipin na tulad sa pating, sungay na tulad sa tamaraw, balat at balahibo ng baboy ramo, kaha at bisig ng gurilya, kuko ng lawin, binti at buntot ng kabayo, ngunit ang mga paa ay sa dinosaur. Ganito nilarawan ni Roman ang kanilang nakita. Ginuhit niya pa ito sa isang papel. Nahiya ang Forensic Artist sa husay ng pagkaka-guhit sa halimaw. Hindi na lamang mailarawan ni Roman ang mukha ng halimaw, bukod sa nakakatakot ay nanganganib din ang buhay nila ng mga oras na iyon. Kinailangan nilang tumakas habang ninanamnam pa nito ang katawan ni Aling Violeta na nilamon nga nito.

          Sumalubong sa labas ng sementeryo ang ASRRD na lulan ng mga armored vehicle at armado ng kanilang suppressor equipments at battle suits. Mabilis kumilos ang mga ito at humanda sa ano mang  panganib na darating.
          Dumaan ang maraming sandali, walang nangyari. Nang pasukin nila ang pinangyarihan ay wala silang natagpuan bukod sa mga sira-sirang nitso at mga mantsa ng dugo. Dugo ng biktimang si Aling Violeta.

          Sa tindi ng nasaksihang pangyayari, hindi na ito kinaya ni Lavender. Hinimatay siya sa mga bisig ni Elerina at agad sinakay sa ambulansya na kasunod parati ng ASRRD team. Si Michael ay kasalukuyan din inaasikaso ng medical team, habang nagtataka kung bakit si Roman ay wala man lang bali o sakit sa katawan ayon sa medic, samantalang mas marami itong natamong pinsala sa insidente.

         Isang ‘Agent Spas’ ang nag pakilala sa kanila at kumuha ng impormasyon kay Roman. Siya ang tumayong in-charge sa response operation. Ayon sa kanya, kasalukuyang may hinahabol na isa pang SHARD Suspect si Director Hawkeye kaya wala siya sa rumespondeng team.

          Nagpasalamat na lang si Roman, ligtas na sila at nag-isip na lamang ng susunod na gagawin. Wala na si aling Violeta. Libre na Apartment!

          Hindi rin nag tagal ay natagpuan nila ang katawan ni Ka-Jo na nakasabit sa itaas ng puno, -isang bahagi na hindi naisip tignan nina Elerina. Halos wala na itong buhay. Maraming baling buto sa katawan at pinsala sa loob ng katawan. Kinailangan din siya salinan agad ng dugo. Mabuti na lamang ay dugong baboy (type-O) lang ang kailangan niya. Buhay pa siya, physically. Pero ang buhay niya, wala na.

         
          Minsan naisip ko kung nakapag-bayad nga ba siya ng pagkakasala nang kupkupin niya ako. Hindi niya maaalis ang katotohanan na isa siya sa mga dahilan kung bakit naulila ako. Siya din naman ang isa sa dahilan kung bakit maayos ang estado ko ngayon. Kahit pa. Masama man, lolokohin ko ang sarili ko kapag pinilit ko ang sarili ko na malungkot o maawa. Hindi ako nalulungkot, lalong hindi naaawa. Ito yata yung tinatawag na Karma.
          Hindi ko maintindihan. Nagpatawad na ako at natahimik na. Ngunit ngayon pa lang ako tuluyang naging panatag. Oo, masaya na 'ko, pero ang kapanatagan, ngayon pa lang. Isang klase ng kapayapaan na hindi nakukuha sa pag papatawad at pag limot, na kung iisipin ay isang malaking kalokohan.
          Hindi man nito mababago ang takbo ng pangyayari o maibabalik ang nakaraan sa estadong gusto mo, magagamot naman nito ang personal mong uhaw. Mali man sa panuntunan ng iba, sarili mong buhay pa rin naman ang mahalaga. Totoong may ganap na kapayapaan sa katuparan ng isang paghihiganti.

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon