Vendetta. 05

46 8 2
                                    


  
           Ang buhay, minsan ay tulad ng isang paupahang bahay. May mga tao na sadyang hindi permanente ang pamamalagi sa paupahan mo. Gayun pa man ay mamahalin mo, hindi dahil sa kung ano sila, kun'di dahil sa ibinibigay nila sa'yo. Aalagaan mo sila at ibibigay ang pangangailangan nila. Pero sa huli ay aalis pa rin. Because that's life.

   

  
           Si Sam. Bukod sa nag-iisang kaibigan, para ko na rin siyang kapatid. Sa paraan na lagi niya akong hinihila kahit saan. Sa kalsada, sa lakwatsa, sa pangangapit-bahay, sa mga piyesta, sa school, sa kursong pipiliin, sa C.R. sa mga lakad, sa mga kalokohan niya at maging sa mga trouble. Maging sa mga date niya na madalas siyang hindi sinisipot. Later, nalaman ko na wala naman talaga siyang ka-date. Minsan iniisip ko kung kailan siya magsasawa sa pagmumukha ko. Pero kailanman, hindi nangyari 'yon.
           Noong panahon na kinamumuhian ko ang mundo, hindi siya kailanman nawalan ng pag-asa sa'kin, -na magbabago ako, patatawarin ang mga tao at kakalimutan ang mapait na nakaraan. Si Sam ang nagtulak sa'kin na gumawa ng tama sa mga panahong nagkakamali ako. Yung mga bagay na ginagawa ko lang para sa wala, binibigyan niya ng magandang kahulugan.
          Marami na ako'ng pagkakasala sa kanya. Nagagalit siya pero hindi niya ako kailanman iniwan. Gumaganti lang. Madalas ako'ng nagiging manhid sa kanya. Ni-hindi ko man lang nasuklian ang kanyang pagmamahal. Hanggang sa huling hininga niya ako pa rin ang iniisip niya.
          Si Sam ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako ngayon. Si Sam ang dahilan kung bakit hindi ako sobrang anti-social. Si Sam ang dahilan kung bakit ako naka-attend sa party ng mga Bernal. ( Si Sam din ang dahilan kung bakit hindi na ako virgin.) Si Sam ang dahilan kung bakit may matutuluyan pa rin ako kahit madalas late ang pagbabayad ko ng renta.”

        “Actually. Ako ang dahilan kung bakit 'di ka pa pinapalayas ng apartment mo. biglang sabat ni Jose Rizal Quinto. A.K.A. Ka-Jo. Ang tatay-tatayan ni Roman. Ang ‘Popsie’ ni Sam. Ang ‘Pepe’ ni aling Violeta.

         
           Matapos ang eksena sa kalsada. Hiniling ni Ka-Jo na gusto niyang makita ang kanyang mga anak. Dinala siya ni Roman sa Sementeryo. Sumama si Elerina. Samantalang si Aling Violeta ay mahimbing nang natutulog sa loob ng inarkila nilang tricycle.
           Sa Sementeryo kumaway ang magkakatabing puntod nina Sam, Jonathan, at Santana. Agad nanlumo at napaiyak si Ka-Jo sa sinapit ng mga anak. Mga 10 seconds.

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon