Vendetta. 04

52 8 4
                                    


       
         "Kung mayroong sugo ang kadiliman sa anyo ng apat na kamatayan. Mayroon din isinugo ang langit para mapanatili ang balanse ng daigdig. Noong panahon ng karimlan, -ang paghahari ng kadiliman sa ibabaw ng lupa. Isang Anghel ang bumaba para sumaklolo sa sangkatauhan...
          Si 'El'. Ayon sa kanya, pinadala siya ng langit upang tugunan ang panawagan ng isang alyansang sumumpa na ibuwis ang kanilang buhay para sa katiwasayan ng daigdig at sugpuin ang nangingibabaw na kadiliman. -ang unangKnights of the Sacred’ o ‘Caballeros de lo Sagrado’ pagdating dito sa Pilipinas.

         Si El ang kanilang naging gabay. Binuksan niya ang kaisipan ng mga kabalyero para malagpasan ng mga ito ang kanilang limitasyon bilang tao. Ito ang susi sa pagkakaroon nila ng kakayanang sasapat para magampanan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Ito rin ang naging pagsilang ng ‘Knights of the Sacred’ at ang digmaan ng sangkatauhan laban sa mga sugo ng kadiliman.
         
         Naging madugo ang labanan. Siglo ang tinagal ng digmaan. Maraming buhay ang nag-alay. Malawak na lupain ang nadiligan ng dugo. Namula ang karagatan. Halos hindi malanghap ang hangin. Libo-libong kabundukan at kagubatan ang nasunog. Nanalo ang sangkatauhan, pero malaki ang naging kabayaran...

   
    
    

~•~

  
   
       "Ikaw!!" Hiyaw ni Aling Violeta mula sa kabilang bahagi ng butas na pader.

       "Pinatay mo ang anak ko!!" Muli itong humawak ng bote na nagtumbahan sa lamesa at buong lakas na binalibag kay Roman.

       Agad na kumilos si Roman. Pinilit na tanggalin ang kanyang sarili mula sa pagkakadikit sa bitak ng pader. Halos mahagip ang kanyang ulo ng lumilipad na bote. Kasing bilis ito ng RPG at pino ang pagkadurog nang tumama sa pader.

         "Aling Vio. Mag hunos-dili kayo. Lasing na kayo." Pero agad napaisip si Roman kung paanong ang isang lasing ay nagawa siyang ibalibag ng ganoon kalakas. Hindi naman siya ang tunay na ina ni Sam para pagmanahan siya nito ng lakas.

          Muling dadampot ng bote si Aling Violeta nang maalarma si Roman. Agad niya itong tinungo at pinigilan ang mga kamay ni Aling Violeta. Hindi nagpadaig ang lasing na Ale. Nakipag-buno siya ng lakas kay Roman na hawak siya sa magkabilang braso. Gulat na gulat naman si Roman sa lakas na pinapamalas ng lasing na Ale.
          May kakaiba na dito, at napansin ito ni Roman nang unti-unting nagbabago ang hitsura ni Aling Violeta. Namumula ang mga mata nitong nanlilisik. Ang litaw na gilagid nito ay nangingitim, gayun din ang mga dila. Naglalakihan ang mga ugat nito sa katawan. Nagtatayuan din ang mga buhok nito sa ulo. Parang sinaniban ng masamang elemento.

          Hindi kaya naka-droga na ito?

          Sa wakas ay lumabas na din ang matabang lalakeng naliligo sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at pasipol sipol pa. Pero wala itong napansin na bitak sa kanyang pader. Dumiretso lang siya sa kanyang kwarto.

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon