Vendetta. 11

78 6 2
                                    


     
        Ni-minsan hindi ko naisip na wala naman talaga akong naligtas. Magmula ng mapasa-kamay ko ang maskara na kulay dugo, ang tanging naiisip ko ay magpaka-layo-layo. Ito ang paraan ko para maiwas ko sa kapahamakan ang mga mahal ko sa buhay. Kapahamakan na dulot ko.

        Pero huli na rin pala ang lahat. At ang tanging naililigtas ko lang mula't sapul ay ang aking sarili. Ni-isa, wala akong nailigtas, papaano ko nga naman maililigtas ang lahat? Mali ang akala ko. Ngayon, ikamamatay ko ang maling akala...

        Patawarin nawa ako ng mga taong sinira ko ang buhay...

      
       
         Hindi alintana ang pagkawala ng kasamahang si Combus, muling itutuloy ng mga lalake ang panghahalay kay Lavender sa utos ni Mayor na hindi nila magawang labagin. Maliban sa isang tahimik lang na nanunuod sa isang tabi. Si Nacyl.

         “Huwaaag!!! Parang awa n'yo na! Maawa kayo!!”

         Umaagos na parang nilindol na dagat ang mga luha sa mata ni Lavender. Sa sagad na takot at hinagpis, ang tangi niyang nagagawa ay tumangis. Ang kanyang katawan ay pinagkakaitan na ng lakas.

         Sa muling utos ni Mayor, natigil ang pagtatangka. Agad lumayo ang mga lalakeng dimonyo at hinayaan na lamang si Lavender na mapaluhod habang itinataas ang ibinabang maiksing salawal at dinadampot ang pinunit na damit.

         Isang ngiti ng tagumpay ang pumaskil sa mukha ni Mayor habang pumipihit ang katawan pabalik kay Ka-Jo. Si Ka-Jo na ngayon ay nakatingin ng tuwid sa kanya habang nakalahad ang mga kamay na may hawak ng maskarang dugo.

         Walang pakundangan na tinanggap ni Mayor ang maskara. Hanggang tenga ang kanyang ngiti nang pagmasdan ang nakakatakot na maskara ng halimaw.

        “Dugo. Bagay na bagay lang na mapasakamay ito ng kapatiran. Ng Sandugo.” Hindi maitago ni Mayor ang kanyang galak, dahilan para magsiwalat pa siya ng isa. “Alam mo ba kung bakit tinawag kaming ‘Sandugo’? Ito ay dahil sa iisang dugo na nananalantay ngayon sa bawat isa sa amin. Ang dugo na nagmula sa akin, kung saan naroon ang aking kapangyarihan. Para na kaming iisa. Ako ay sila, sila ay ako. Kapag pinatay mo ang isa sa mga kapatid ko, dama ko 'yun na para mo na rin akong pinatay!”

        Oras na nakuha na ni Mayor ang maskara, hindi na rin siya nag-atubiling tutukan ng baril ang taong sampung beses siyang sinaksak. Walang pag-aalinlangan niyang kinalabit ang gatilyo. At butas ang bungo na bumagsak si Ka-Jo.

        “KA-JOOOO!!”

     
       
         Ang hinagpis ni Lavender ay dinig at ramdam ng sambahayan. Ngunit lahat sila ay pinangungunahan ng takot, takot para sa sariling kaligtasan. Takot na makasarili.

         Maliban sa isa na tumatakbo ng matulin sa pinaka malakas na padyak na kaya ng kanyang mga binti. Nagtatanong, nangangamba. Ang kaninang mga dalang regalo ay iniwan na niya sa entrada ng subdivision. Ang masaya niyang pamamaalam sa mga kasamahan sa bukana ng kabahayan ay sinalubong ng isang nakaka-distorbong balita na ang kanilang bahay ay pinasok ng mga hindi kilalang kalalakihan na pawang mga naka-itim. Agad na sumagi sa kanyang isip ang naging panaginip ng kanyang asawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phantom Hero 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon