HINDI alam ni Clara kung ilang minuto na ba syang mukang tanga na nakatingin sa labas ng coffee shop at pinag mamasdan ang pinakamataas na building na nasa harap. Paulit-ulit nyang binabasa ng pangalan na nakalagay sa taas nito.
"M.A. Mondragon." Bumuga sya ng hangin at tinitigan ang larawan na nakalagay sa folder na kanyang hawak. "Nakakainis, Sa dinami dami ng taong kailangan kong kausapin bakit ikaw pa? Sa dami ng mga makakapangyarihang tao sa mundo bakit ikaw pa yung naisipang bangain ng employee ni dad?" she was so frustrated. Gustong gusto na nyang umurong sa naisip at bumalik nalang ng amerika pero tuwing maaalala nya ang malungkot na mukha ng kanyang ama ay tinatamaan sya ng konsensya at hiya.
Isa pang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sya tumayo sa kinauupuan.
"This is it. I can do this. Just be professional Cara, act as if you don't know him." Nag lakad na sya palabas ng coffee shop at dumiretso sa totoong pakay. Nang marating nya ang entrnace ng building ay laking gulat nya ng harangin sya ng security guard.
"Ma'am, pwede po bang makita ang ID nyo?" sa narinig ay bigla syang kinabahan. Nawala kasi sa isip nya na baka hindi sya papasukin sa establisimento dahil hindi naman sya empleyado doon. She doesn't even scheduled a meeting with the CEO. Basta basta nalang syang nagpunta dito ng hindi nag-iisp.
"Kuya, I am not an employee. I am here to talk to the CEO so would it be fine if I'll just handed you my personal ID?" magalang nyang sagot at sinabayan nya pa ng matamis na ngiti. Sana lang ay umubra ito sa guard at payagan syang pumasok.
"May Schedule po ba kayo ma'am kay sir? Kung wala po kasi-"
Hindi pa natatapos ang sinasabi nito sa kanya ng parang may tumawag dito. May nakalagay kasing earphone ang guard na konektado sa radio na hawak nito.
"Yes Sir!" rinig nyang sagot nang gwardya bago yumuko. "Ma'am tuloy na po kayo. Pagkapasok kanan po, doon po ang lobby." He instructed without looking at her.
Though confused, ay hinayaan nya nalang ito. Nag pasalamat sya at nagtuloy na sa loob.
Habang lulan ng elavator ay hindi mapigilan ni Cara ang kabahan. Naiinis na sya sa sarili dahil kahit anong pilit nyang sabihing wag maapektuhan sa pakikipagkita kay Mathew ay hindi nya magawa. "Dammit Cara Francesca, relax! Stop being a pathetic girl you used to be." Sa naisip ay para syang natauhan. Nanumbalik nanaman sa kanya ang kawalang hiyaan ni Mathew noong gabi mismo ng kanyang birthday. Kaya ang kaninang kaba na kanyang nararamdaman ay biglang nawala. Napalitan iyong ng galit na syang kanyang gagamiting sandata upang makuha ang gusto.
Napag pasyahan nyang balutin nalang ang kanyang sarili ng inis na nararamdaman sa lalaki upang makayanan nyang umaktong hindi ito kilala, na hindi ito minsan naging parte na buhay nya.
"Hi Ma'am, Good morning! For Mr. Mondragon?" magalang na bati sa kanya ng babae. Nakakapagtaka na hindi man lang nito tinanong ang kanyang pangalan. Sinabi agad nito ang kanyang pakay kaya tumango na lamang sya. "This way Ma'am."
"Thanks!" she responded.
Nang nasa harap na sila ng pintuan kung saan may nakapaskil na Office of the CEO ay pasimple nyang inayos ang kanyang suot. Hinawi nya rin ang nakalugay nyang buhok at nilagay iyon sa likuran ng kanyang tenga.
BINABASA MO ANG
Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles Mondragon
General FictionCara Francesca, the only daughter of Francisco and Carlota Gariente, owner of the most popular publishing house in the country. Pero isang araw ay tumawag nalang kay Cara ang kanyang ama at sinabing papalubog na ang kompanyang pinag hirapan nito ng...