07

5.2K 198 9
                                    

"WHAT HAPPENED?" yan ang bungad na tanong sa kanya ni Lorice. Nakalimutan nya na kahit pala hindi nya pa sabihin sa kaibigan ay malalaman agad nito ang problema nila ni Zerox. Nag tatrabaho kasi ang dalaga sa kompanya ng kanyang nobyo kaya meron itong valid source.


"How is he?" instead of answering her question ay nais nyang malaman kung kumusta ang binata. Alam nyang malaki ang pagkukulang nya dito and she is guilty for that. "Pumasok ba sya? Kumain na ba sya? How is he Riz?"


"He is not ok Ces. Honestly, sa tagal kong nakilala si Zerox ngayon ko lang sya nakitang ganito kamisirable. Hindi ko alam kung ano bang pinag awayan nyo at alam ko naman na wala akong karapatang manghimasok sa personal nyong buhay pero Cesca, sa nakikita ko ngayon mas nahihirapan si Zerox kumpara sayo. Sa nakikita ko mas nasasaktan sya and he don't deserve that. I know I shouldn't judge you dahil matalik kitang kaibigan pero kasi nakikita kong nasasaktan yung isa dito. Nasasaktan sya dahil alam nating lahat na mas mahal ka nya kumpara mahal mo sya. Kaya please lang Ces, maawa ka naman sa kanya."


Hindi na nya napigilan ang mapaiyak sa sinabi ni Lorice dahil lahat ito ay tama. How dare her hurt Zerox. Hindi man lang nya pinahalagahan ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. Yes, he was a cassanova pero nakita nya kung paano ito nag bago. Kung paano sya nito nirespeto at kung gaano sya nito kamahal.


"I-I'm sorry!"


"Not to me Ces. Wala ka naman kasalanan sakin. Tell that to Zerox. I'm sure maiintindihan ka non."


"I don't know Riz if he can. Masyado ko na syang nasasaktan. I don't know what to do anymore. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi dyan. I need to stay here and it will hurt him more."


"He will understand you Ces, just always be open to him. Bago mo gawin ipaalam mo muna sa kanya like what he is doing with his work arrangements. Make him feel he is also part of your life. Make him feel he is your boyfriend Ces, not just a man who admires you and seeks for your attention every now and then. Communicate with him always, maybe thru that you two can survive your long distance relationship"

"I will Riz I will. Thank you! Nakikiusap ako na ikaw na pakibantayan si Zerox dyan. I will try to settle everything here as fast as I could."


"No worries. Just always remember that I am here whenever you need me. And for your boyfriend, sige kami nang bahala ni si Venom."


Pagkatapos niyon ay ibinaba na nito ang telepono. Sya naman ay napaupo nalang sa sofa at patuloy parin sa pag-iyak. Kung may choice lang sana sya babalik na sya sa Amerika. Uuwi na sya sa lalaking mahal nya dahil alam nyang ito ang tama. Pero hindi nya yun pwedeng gawin. Dahil higit sa lahat dapat nyang unahin ang problema ng kanilang pamilya.


"You are crying again."


Nang harapin nya ang nagsalita ay nakita nya si Mathew na nakatayo sa kanyang gilid. Masyadong syang abala na hindi man lang nya namalayan ang paglapit nito.

Hindi nya pinansin ang binata. Yumuko lang sya ulit upang hayaan ang paglandas ng kanyang mga luha. But Mathew is Mathew. Hindi talaga ito papaawat sa gustong gawin.

Lumuhod ito sa kanyang harapan at tinitigan ang kanyang mukha.


"You're crying again." He sounds hurt but she doesn't mind it. Pakiramdam pa nga nya ito ang dahilan ng pag kakalabuan nila ni Zerox. If only Matt did not intervene with her decision. Kung hinid sana sya nito pinangunahan, if only she let Zerox know first before he filled her resignation. He will not react that way. He will not felt betrayed and unloved. Pero dahil sa pangigialam ni Matt ay nangyari na ang problema.

Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon