01

11.2K 242 40
                                    

PAGKALABAS NA PAGKALABAS ni Cara ng airport ay agad na hinagilap ng kanyang mata ang mga magulang. Inilibot nya ang mata sa paliparan na halos anim na taon nang huli nyang makita.



Matapos kasi ang kanyang eighteen birthday ay agad syang dumiretso sa amerika upang doon na ipag patuloy ang pag-aaral. At mag mula noon hindi na nya kahit minsan na sinubukang bumalik sa bansa. Kahit anong pilit sa kanya ng mga magulang pati na ng kanyang lolo at lola na magbakasyon ay hindi nya ginawa. Bukod kasi sa masyado syang subsob sa pag-aaral, meron syang mga alalala dito na pilit nya nang ibinabaon sa limot. Mga alaala na hindi na nya nais pang balikan. Kung hindi nga lang sinabi ng kanyang ama na pabagsak na ang kanilang kompanya at kailangan nito ang kanyang tulong ay hindi sya uuwi ng pilipinas. Ang nais nya sana ay doon na talaga mamalagi at doon na bumuo ng pamilya.

"Cara!"

Nang lingunin nya ang pinangalingan ng boses ay nakita nya ang kanyang ina. May hawak itong placard na nakasulat ang kangyang pangalan. Malapad ang ngiti nito sa kanya at halatang tuwang tuwa na nakabalik na sya ng pilipinas. Sa tabi nito ay nakatayo ang kanyang ama na nakahawak sa bewang ng asawa.

"Mom! Dad!" mahigpit nyang niyakap ang mga ito. Tatlong buwan na simula ng huli nya itong makita at sobrang namiss nya ang dalawa lalong lalo na ang kanyang ina. Isang beses kasi sa isang buwan kung dumalaw sa kanya ang mga magulang. Pero dahil sa naging problema ng mga ito sa kompanya ay hindi na ito nakadalaw sa kanya sa loob ng tatlong buwan.

"How's the flight honey?" Iginiya sya ng ina papunta sa nakaparada nilang sasakyan.

"Its fine ma. I just felt a little bit dizzy but all good. Anyways, I thought we were bankrupt? How come we have a very elegant limo?"

Nag tataka sya dahil isang magarang limousine ang nakita nya na nakaparada na kanilang gagamitin.

"Silly!" natatawang pinisil ng kanyang ina ang kanyang kamay. "We aren't that bankrupt. Isa pa that limo was not us. It was from your dad's business partner. Nalaman kasi nilang susunduin namin ang aming unica ija that is why they let us used their car."

"Such a nice friend." She commented. Ilang minuto lang pagkasakay nya ng sasakyan ay hindi na nya mapigilan ang antok. Nakiusap sya sa kanyang mama na umusog upang makaunan sya sa kandungan nito na ginawa naman ng huli. Komportable na syang nakahiga at patulog na ng marinig nya na may kinausap ito sa telepono. Hindi na nya masyadong narinig ang sinabi nito dahil sa pagod. Tanging "yes Iho she is fine." Lamang ang naintindihan nyang sinabi ng ina bago sya tuluyang nakatulog.



KINABUKASAN matapos silang mag agahan ay kinausap ni Cara ang kanyang ama. Inalam nya kung ano ba talaga ang naging dahilan ng biglaan nilang pag kalugi. Sa pag kakaalam nya kasi nung nakaraang taon lang ay itinaghal na best publishing house ang kanilang kompanya. Ito ang pangatlong beses na nakatangap ng pristihiyosong parangal ang kanilang kompanya. Kaya ngayon nagtataka sya kung bakit biglaan ang idineklara ng ama na palugi na sila.

"Nag karoon kasi ng eskandalo. One of our trusted writer and editor failed to their works that lead to publishing a wrong information. Hindi ko narin napansin iyon dahil naging abala ako sa isa sana nating malaking project." Malungkot nitong pahayag.

"What scandal dad? And who are involved?"

"It was about questioning the legality of construction of the amusement park in Olongapo. We've heard that the place where the construction is ongoing was a public school. It was written in the article that there was bribery happened and you know we later on found out it was just a mere chismis. Now the four companies who were doing the construction sued our publishing house. At dahil malalaking tao sila, they easily spread our mistakes that causes the investors to pulled out their money."

"Hindi po ba natin sila pwedeng pakiusapan? You apologized for what happened did you?"

"Yeah we did. We tried that thing baby pero ayaw nilang iurong ang demanda. The issue cause an impact to their image kaya sila nagalit."

Huminga sya ng malalim at nag-isp. Sa nakikita nyang itsura ng ama ay alam nyang malaking bagay para dito ang paglubog ng kompanya. Bata palang sya pagmamay-ari na nila iyon. Hindi iyon ganun kalago dati hangang sa umalis sya ng pilipinas, pero dahil sa pagsusumikap ng kanyang ama ay nagawa nitong maging pinakakilalang publishing company sa buong pilipinas. Kaya hindi sya papayag na dahil lamang sa isang pagkakamali ay mawawala dito ang matagal na pinag paguran.

"Dad, can I get all the names of those person involved in this case? I will try to contact them one by one. Baka sakaling makumbinsi ko po silang iurong ang demanda laban sa atin."

"You will do that?" gulat nitong tanong.

"Yeah! For you and mommy, I will do it dad."

Tumayo ito sa upuan at niyakap sya ng mahigpit. Gumanti rin sya ng yakap sa ama.

"Thank you Cara. Pasensya na dahil nadamay ka pa sa gulong ito."

Tinapik tapik nya ang likod ng ama. "It's ok dad. This is the least I can do for you and mom."

Nang lumabas sya sa opisina ng ama ay nagtungo sya sa kanyang kwarto upang ayusin ang mga gamit na dala. Kaunti lamang iyon dahil plano nya na pag naayos ang gusot na ito ay babalik na sya ng amerika. Isa pa, ang paalam din kasi nya kay Zerox na kanyang kasintahan ay saglit lang syang mamamalagi dito. Dalawang buwan lamang ang hiningi nya sa kasintahan na bakasyon at pumayag naman ito. Pero mukang malabong makauwi sya sa amerika ng ganun kabilis. Kaya mamaya siguro ay tatawagan nya nalang ito upang ipaalam na baka matagalan pa sya gayun din ang kanyang lolo at lola.

"Anak." Pumasok ang kanyang ina sa kanyang kwarto at lumapit sa kanya. "Thank you for helping your father solve this problem. Sa totoo lang hindi na talaga namin alam ang gagawin para lang wag mawala sa atin ang kompanya."

"It's nothing mom. Kahit ano po para sa inyo."

Matapos nyang maayos ang gamit ay sakto namang ipinatawag sya ng kanyang ama. Pumasok sya ulit sa library na kinaroroonan nito.

"Dad?"

"Take a sit Cara." Umupo sya sa kaharap nitong upuan.

Iniabot sakanya ng ama ang isang folder. Kinuha nya ito at isa isang tinignan ang nakalagay doon. Bawat papel na kanyang nakikita ay nag lalaman ng mga impormasyon ng sa tingin nya ay mga may-ari ng sinasabing kompanya na nag dedemanda sa kanila.

"As you can see medyo marami sila. But, you don't have to talk to all of them."

"Really? Can you tell me then dad who should I prioritized para mas mapadali po ang pagaasikaso ko."

"Of course honey." He said. "The man on the last page. If you will able to convince him our problem is solve. Sya kasi ang presidente ng pinakamalaking construction company sa bansa. He is the most influential businessman in our country at kung mapapapayag mo sya. Susunod na lahat ng mga kasamahan nya."

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng ama. Akala nya ay kailangan nyang isa-isahin ang mga taong nasa folder pero hindi pala. Isang tao lang ang kailangan nyang kausapin at sa tingin nya ay madadalian lang syang gawin iyon.

"He is that powerful?" she said amazed. Out of curiosity, she turned all the pages up to last to know who is the man Her dad is talking to. Nang makita nya ang pangalan na nakasulat doon ay napanganga sya. Tinignan nya ulit iyon at binasa, nag babakasalaki na mali lang sya ng pagtingin kanina pero ng ilipat nya ulit ang pahina ay may nakita syang larawan. And confirmed the only man she has to convince is no other than her ex. Ang kaisa isang lalaki sa mundo na pinagdarasal nya na sana hindi na nya ulit makita, ang walang hiyang lalaki na nag wasak sa kanyang puso six years ago. Ang hambog nyang ex na si Mathew Archiles Mondragon.

Kahit anim na taon na ng huli nyang makita ang mukha nito ay nakapagtataka na kabisado nya parin iyon. Nang sulyapan nya ulit ang larawan ay may munting kaba syang naramdaman. Hindi nya maiwasang pagmasdan ito ng husto. Ayaw man nyang tangapin ay hindi nya maikakailang mas gumuwapo ang walang hiyang lalaki. Mas nag matured ang mukha nito at mas naging nakakaakit ang mga mapupungay nitong mata na tutunawin ka sa tingin. Kapansin pansin din ang manipis nitong balbas at bigote na nakakadagdag appeal sa lalaki. Larawan palang nito nakakadama na sya ng kakaiba. Kaya ngayon palang ay kinakabahan na sya sa kung anong mararamdaman nya pag nagkita na sila ni Mathew. Sana lang talaga kayanin nya.  

Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon