03

5.4K 194 34
                                    

NAKATITIG LANG si Cara kay Mathew habang hinihintay ang sagot nito. Nangangamba sya na baka kung ano pa ang hingiin ng lalaki sa kanya. Baka isa itong bagay na hindi nya kayang gawin, pero nadgdarasal sya na sana ay hindi. Sana madali lang ang kapalit na hingin nito kahit alam nyang imposible iyong mangyari.


"What I want?" mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Titig na titig si Mathew sa kanyang mukha lalo na sa kanyang labi. "You Sweetcorn I want you-"


Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng tumunog ang kanyang cellphone. Bigla syang napabalikwas na para bang nagising sa isang imahinasyon. When she looked at the screen ay nakita nyang si Zerox iyon, agad nya itong sinagot.


"I miss you love." Bungad sa kanya ng kasintahan. Napakagat labi nalang sya sa narinig mula dito. Kinikilig sya na naguguilty dahil mula nang tumungtong sya sa building ni Mathew ay nawala ito sa kanyang utak.


Nag excuse sya sandali kay Mathew at tumayo. "I miss you too love." Pabulong nyang tugon. "But, can I call you later I am currently in the meeting. Promise I will call you right away when it's done. I Love-"


Hindi nya pa natatapos ang sasabihin sa kasintahan ng mawala sa pagkakahawak nya ang kanyang telepono. Nang tignan nya ang pangahas na umagaw nito ay nakita nya si Mathew na matalim na nakatitig sa kanya. Mukha itong galit dahil narin sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang cellphone.


"You should not accept calls when you are having meeting with me. Especially when you are just asking a favor."


Napahiya sya sa sinabi nito. Hindi man tahasang sinabi ng lalaki pero ipinaparating nito sa kanya that she is not professional enough to handle meetings like this. Lalo pa na kaya lang naman sya nandito ay dahil nanghihingi sya ng pabor sa lalaki.


"Sorry!" she said on a bowed head.


Hindi ito tumugon. Narinig nya lang ang yapak ni Mathew tanda na ulis ito sa kanyang harapan. Ilang sandali pa ay narinig nyang nag salita ito. "Lucille, fetch Ms. Gariemte here, escort her way out!"


Sa sinabi nito ay parang nanikip ang kanyang dibdib. Ang tanga naman kasi nya, bakit nya sinagot ang tawag ni Zerox gayong alam naman nyang nasa meeting sya at ayaw na ayaw ni Mathew na naiistorbo.


"Aren't you going to give me a chance to redeem myself? Maybe I could give you a better offer." she said desperately. Hindi sya pwedeng basta basta nalang sumuko. Kompanya ng kanyang ama ang nakasalalay dito kaya kailangan nyang gawin lahat mapapayag lang si Mathew.


Tumitig ito sa kanya. "Why are you willing to give this a chance?" iba ang dating sa kanya ng sinabi ni Mathew, pakiramdam nya hindi tungkol sa problema ng kompanya ng ama ang sinasabi nito pero ipinag walang bahala nya nalang iyon. Maybe she is just imaging things.


"This agreement Yes! If you will permit."


Sasagot na sana si Mathew ng makita nyang umilaw ang kanyang cellphone na nasa kamay nito. Tinignan iyon ng lalaki at nakita nya ang pag-igting ng panga nito habang nakatingin sa kanyang cellphone.


Kinancel nito ang tawag bago nanggigigil na ibinigay sa kanya ang gamit. "Change your fucking screen saver. Delete that man's face in your things and blocked him. Bumalik ka nalang dito pag nagawa mo na yun. And there I will tell you what else you need to do for your father's company." Pinal nitong sabi bago tumalikod sa kanya. Sya naman ay tulala lang sa sinabi ng binata.


"Ma'am, let's go?" sumama nalang sya sa sekretarya ni Mathew palabas.


"Buwiset ka Mathew bwiset! Ang kapal ng mukha mong utusan akong burahin ang mukha ni Zerox!" sa sobrang inis ay hindi na nya mapigilan ang mapaluha. Tamang tama naman na tumuno ang kanyang cellphone.


"Hi Love!" bati sa kanya ng nasa kabilang linya na mas lalong nakapag paluha sa kanya.


"Lo—ve!"


"Hey! Cara what's wrong? Why are you crying?" Ramdam na ramdam nya ang pag-aalala sa boses nito.


"I— It's nothing. I just miss you!"

"Is that so?"

"Yeah!"

"I miss you more love. Good thing I only need to wait for few weeks to see you."


Para namang mas naguilty pa sya sa sinabi nito. Hindi pa kasi nya naipapaalam sa kasintahan na hindi lang dalawang buwan ang ilalagi nya sa pilipinas.


"That is what want to tell you love. I may not be able to- Ahm- to return in few weeks."


"Huh? I don't get it I thought you would only be there for two months and come back? How come?"


"May problema si dad. I can't just leave him with unsettled problem. I have to fixed it first and made sure everything is done bago ako bumalik dyan. But promise once I get there It will be for good."


Isang malalim na buntong hininga lang ang narinig nya mula sa kausap. Alam nyang hindi nito gusto ang kanyang sinabi.


"Love?"


"Why do I feel like I'm always at your least priority list?"


"Love, please don't say that. Mahal kita alam mo yan. It is just that my parents need me here and I can't say no to them. I just have to fix this pagkatapos pangako babalik ako dyan."


"Ok. I'm sorry love for the drama. I just love you so much, natatakot ako na baka hindi ka na bumalik."


Kahit papano ay gumaan ang kanyang pakiramdam sa sinabi nito. "I love you too Zerox Catnier!" she happily said. Mahal na mahal nya talaga ang nobyo. Mula kasi ng maging sila ay hindi nito nalimutang ipadama sa kanya na espesyal syang babae lalong lalo na sa buhay nito.


"I love you more soon to be Mrs. Catnier!"


Matapos makausap si Zerox ay nakangiti na syang sumakay ng sasakyan. Mabuti nalang tlaga nakausap nya ang kanyang nobyo, kahit papaano ay napakalma nito ang kanyang gulong gulong isip. Hindi kagaya ni Mathew na puro sakit ng dibdib at ulo nalang ang ibinibigay sa kanya noon pa man.







-----------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Bakit ganun mas naiinlove ako sa mga other guys kesa sa main character? hmmm. 

Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon