04

6.2K 211 33
                                    

HINDI MALAMAN ni Cara kanina kung paano ba sasagutin ang ama ng mag tanong ito tungkol sa resulta ng pag-uusap nila ni Mathew. Bakas kasi sa mata nito ang pag-asa na sana ay may maganda syang maibabalita.

“Ah, ayos naman po Dad. He was busy when I went to his office, kaya po hindi kami nakapag-usap ng matagal. He just told me to set another appointment so we could talk properly.”

“Thank you anak! Hindi nga ako nagkamali na nanghingi ako ng tulong sayo. I know you can handle it well and I am so proud of you.” Masaya nitong sabi bago lumapit sa kanya at binigyan sya ng mahigpit na yakap.

Pilit nalang syang napangiti sa ama. At nang umalis ito sa kanyang kwarto ay napabuga sya ng hangin. Dahil sa sinabi nya dito ay mas lalo nyang kailangan na makausap si Mathew. She need to know his condition upang tulungan sila ng binata. Pero hindi nya pa nagagawa ang una nitong inutos na burahin ang larawan ni Zerox sa kanyang cellphone at iblock ito. Sa tingin nya ay hindi nya iyon kayang gawin.

“Ahhhhhh!” sigaw nya na nakasubsob ang ulo sa unan upang hindi sya marinig sa labas. Nahihirapan na sya sa sitwasyon at kailangan nya ng kausap.

“Cesca, are you ok?” bungad sa kanya ng kaibigan pagkasagot na pagkasagot nito ng kanyang tawag.

“Hi Riz.”

“Ces, something wrong? Bakit ang tamlay tamlay ng boses mo? may nangyari ba? Do you need me there?” bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Kahit kailan talaga ay napaka caring ng kanyang best friend. Natatandaan nya pa ang unang pagkikita nila ni Lorice sa amerika. Kaklase nya ito sa ilang subject noong college irregular kasi ang dalaga kaya sa iilang subject lang sila nagkikita. Pero gayumpaman ay naging malapit parin ito sa kanya, isa itong napakamasiyahing dalaga na parang walang anumang dinadalang problema. Lagi itong nakangiti at pala kaibigan sa lahat. Ito nga ang unang tao na nag approach sa kanya mula ng tumungtong sya sa paaralan.

Unang usap palang nila ay magaan na ang loob nya dito hangang sa maging matalik na silang magkaibigan. At habang tumatagal ay nakikilala nya ng husto ang dalaga. Behind her smiles and energetic bubbly personality lies a woman who was facing many trials more than what she has. Lorice Aloha Naklin is a provincial girl who was sold by her parents to an american citizen relative when she was 10 years old to ba a housemaid. Dinala sya ng mga nakabili sa kanya sa amerika. Doon ay ginampanan ni lorice ang trabaho na hindi naman talaga para sa dalagang nasa kanyang edad, naging kasambahay sya ng mga ito at yaya. At dahil binenta na sya ay hindi na sya pinapasahod, pero meron syang dalawang araw na pahinga. Para makapag-ipon ay ginagamit ni Lorice ang day-off upang mag part-time bilang isang janitress sa isang fast-food chain na pag mamay-ari rin ng kaibigan ng kanyang tiyahin. Ang sweldo nito ay hinahati ng dalaga sa ipon upang makapag aral at pang padala sa magulang. After few years of service ay nagpaalam si Lorice kung pwede ba syang mag patuloy sa pag-aaral at sinang ayunan naman iyon ng mga amo. She was a stay-in maid slash student assistant slash part time janitress. Hindi nga nya alam kung paano ba nito napag sabay sabay lahat ng mga iyon. Kaya naman pag naaalala nya ang lahat ng pinag daanan nito ay mas lalo syang humahanga sa kaibigan.

“Cesca?” sigaw nito na pumukaw sa kanyang pag-iisip.

“Yes I’m here sorry!”

“So, anong nangyari?”

“Nakausap ko na si Mathew.”

“Oh, and?”

“Gusto nyang burahin ko yung picture ni Zerox sa phone ko.” She told her honestly. Alam ni Lorice ang buong kwento tungkol sa kanila ni Mathew noon pati narin ang nangyari sa kompanya ng kanyang ama dito sa pilipinas. PAti nga ata pinakamaliit na detalye ng buhay nya ay alam din nito same goes with her to Lorice’s.

Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon