06

5.1K 189 16
                                    

CARA woke up with loud knocks on her door. Nang imulat nya ang mata ay nakita nya ang mataas na sinag ng araw.

Hindi ko pala naisara yug bintana. She thought.

“Anak Gising na. Aalis na kami ng daddy mo.”

“Gising na po ma. Mag aayos lang po.” Nang tangkain nyang tumayo ay naramdaman nya ang mabigat na bagay sa kanyang bewang. “Sh*t” Unti-unti nyang tinignan ang bagay na iyon.

Nang makita nya na braso iyon ng lalaki ay agad syang napamulagat. Sisigaw na sana sya buti nalang at napigilan nya ang sarili. Nananatili parin ang pag kakayakap ng braso sa kanya dahilan upang hindi nga magawang bumangon. Mas humihigpit pa nga ito sa tuwing tatangkain nyang lumayo dito.

“Stay still sweetcorn, I’m sleepy.” She heard him said. Dahil sa pag sasalita nito ay doon nya nakumpirma kung sino ang lalaki na nakayakap sa kanya mula sa likod.

“Anak! Matagal ka pa ba?”

“Hindi ma. Maghihilamos lang po.” Kinakabahan nyang tugon sa magulang na nasa labas ng kanyang kwarto. Sana lang ay wag nang mga itong tangkaing pumasok kundi ay paniguradong lagopt sya. tinapik tapik nya ang braso ni mathew upang bitiwan sya nito. Nang hindi ginawa ng lalaki ay humarap sya dito. “Mathew, nasa labas sila mama. I need to get up.”

“Hmm.” He just said at mas hinapit sya palapit sa dibdib ng binata. Ngayon tuloy ay konting distansya nalang ang meron sila.

“Ma-t, le-let me go.” Naiinis sya sa sarili dahil nauutal syang nakatitig sa mukha nito.

“Ayoko.”

“Cara, malalate na kami ng mommy mo.” Ang daddy nya na iyon kaya mas lalo syang kinabahan.

“Yes Dad, saglit lang po.” Tinapik tapik nya ang pisngi ni Mat at pinilit itong gisingin. Sobrang lakas na ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa pinag samang kaba at sa paglalapit nila ng binata. “Math please naman. Nasa labas sila daddy.”

Nag mulat lang ito ng bahagya pero hindi parin sya binibitawan.

“Uhm.” Pinatulis nito ang nguso at pumikit ulit.

“Mat!” naiinis na sya sa ginagawa nito.

“Just kiss me and I will let you go for now.” He said grinning at ngumuso ulit.

Dahil sa kaba na baka pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang magulang ay ginawa na nya ang sinasabi nito.

Binigyan nya ng mabilis na halik ang labi ni Mathew na naka nguso sa kanya. Pag katapos niyon ay nakangiti sya nitong pinakawalan.

“Sarap!” rinig nyang sabi ng binata na nakapag pamula ng kanyang pisngi. Binilisan nalang nya ang pag bangon sa kama kahit pa nga nanginginig ang kanyang tuhod upang itago ang namumulang mukha.

“Mom, dad.” Maliit na  bukas lamang ang  kanyang ginawa sa kanyang kwarto. Tama lang na mag kakasya sya sabay labas at madali nya rin iyong isinara. Mahirap na baka makita pa ng kanyang mga magulang ang binata na nakahiga sa kanyang kama. Baka ano pa ang isipin ng mga ito.

“Anak, ang tagal mo namang bumangon.” Puna ng kanyang ama matapos syang halikan.

Ang kanyang ina naman ay masinsinang sinuri ang kanyang mukha. “Parang namamaga yang mata mo. Umiyak ka ba?” nag aalala nitong tanong. Pati tuloy ang kanyang ama ay sinuri narin ang kanyang mukha.

“Nanuod po kasi ako kagabi Mom, Dad. Kaya po late na kong nakatulog at mukha akong umiyak. But i’m totally fine po.”

“Ganun ba?”

“O sya aalis na kami ng Mommy mo. Tumawag yung sekretarya ko nandoon daw sa office yung mga dating stock holders at meron pa silang kasamang iba. May kutob ako na may magandang mangyayari ngayon araw anak.” Masaya nitong sabi sa kanya.

Hinatid nya ang mga magulang sa labas. At nang hindi na makita ang sasakyan ng mga ito ay dali dali syang umakyat ng kwarto.

“Mat?” hindi nya nakita ang binata sa kama kung saan nya ito iniwan. Nang lumapit sya sa banyo ay narinig nya ang lagaslas ng tubig.

Don’t tell me?

Nakatayo sya sa labas ng pinto ng banyo ng bumukas iyon at iluwa ang binata na walang saplot. Tanging maliit na tuwalya lamang ang nakatapis sa ibabang parte ng binata. Nakikita nya pa ang tubig na nangagaling sa ulo nito pababa sa dibdib at pababa pa.

Damn this man for being this hot. She silently cussed.

“Sweet Corn.” He called her in a hoarse voice. The way he looks at her, she knew mathew was teasing her and no matter how hard she denied. She was teased.

Unti unti itong lumapit sa kanya. Hindi inaalis ng binata ang malagkit nitong tingin sa kanya at pilyong ngiti.

“A-anong ginagawa mo? wag kang lalapit.”

“Why?” nang makalapit ito ay yumuko si Mathew upang mag pantay ang kanilang mukha. “Ayaw mo ba kong maamoy? Mabango naman ako eh. I just took a bath.”

“Mat, please.” Kung kanina ay nagagawa nya oang mag tapang tapangan, ngayon ay parang unti-unti nang nalulusaw ang tapang nya sa katawan. Nanghihina narin ang kanyang mga tuhod dahil sa sensasyong hatid ni Mathew. Ikaw ba naman kasi makakita ng lalaking hubad sa harap mo. Di ka ba manghihina? Her naughty brain. Pero agad nyang iwinaksi ang iniisip.

“Please what my sweetcorn?” hinawakan ng binata ang kanyang bewang. Idinikit nito ang dulo ng ilong sa kanyang leeg, he traced her neck using his nose that tickles her skin. Damang dama din nya ang mainit na hininga ni Mathew na tumatama sa kanyang balat. Alam nyang mali ang ginagawa nito. She should be pushing him now but she just can’t. It is like she has a magnetic reaction with Mathew’s body. No matter how much she want to be away from him, there is an energy that keeps pulling her to be with this guy.

“This is wrong Mat.” She told him but he just shrugged. He pulled her closer to his body. Nakita nyang napalunok si mathew ng pakatitigan nito ang kanyang labi. At unti unti, bumaba ang ulo nito upang idikit sa kanya.

Nang mag lapat ang labi nila ay pakiramdam nya libo libong paru-paro ang nagliparan sa kanyang tiyan. Napahawak pa sya sa braso ni Mathew ng palalimin nito ang dapat sana ay simpleng halik lang.
Pareha silang hinihingal ng pakawalan ng binata ang kanyang labi. Nakatitig lang sila sa mata ng isa’t-isa na para bang sa pamamagitan niyon ay maipapahiwatig nila sa isa’t-isa ang gustong sabihin.

Hahalikan dapat sya ulit ng binata ng mag-ingay ang kanyang cellphone. Doon ay para syang nahimasmasan at malakas itong itinulak. Dali-dali syang tumalikod dito at hinagilap ang nag-iingay na gamit bago mabilis na umalis ng kwarto.


Malaks ang kabog ng kanyang dibdib habang pababa sa hagdan dala ang telepono. Pakiramdam nya ang sama sama nyang babae. Heto nga at nagkakalabuan sila ni Zerox, nagawa pa nyang makipag halikan sa kanyang ex. At ang masaklap nasa loob pa ito ng kanyang kwarto at walang saplot. Kung hindi lang tumunog ang kanyang cellphone ay hindi sya matatauhan. Pag nangyari iyon, hindi nya alam kung hangang saan sila dadalhin ng binata sa kapusukan na kanyang pinasukan.











_____________________________

A/N: Hi naughties, pasensya na sa madaliang update. Hindi ko na sya nagawang iedit. Super pagod, puyat gutom (char!) pagod lang hehe ako ngayon. Idagdag pa na busy masyado kaya kulang na kulang talaga sa time.

Hindi ko naman pwede i pa edit yung ginagawa ko sa kapatid ko. Baka kasi madumihan ko pa yung inosenteng utak nya. Nakow mahirap na. hahaha

Anyways, sana po magustuhan nyo parin yung update. I'll be glad reading more of your comments, suggestion and request if any.

Enjoy reading! muuah.

Naughty Men Series 1 - Mathew Archiles MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon