7. At The Mall

9.7K 265 12
                                    

"Oh ngayon,pwede ko na sigurong malaman kung ano ang nangyari?" ani ko ng makarating kami sa sinasabi ni Bullet na tambayan nya. Isang malaking puno ng acacia na may bench paikot dito.

"Ayon nga. Hindi alam ni Goddess na sumama pa din si Krew. At nung lumabas nga kayo nung lalaki at sumunod si Krew,sumunod din kami. Only to find out na nakasandal ka na sa gilid ng bar,wala yung lalaki at wala din si Krew."

"Nasan sila?" ang taka kong tanong.

"Kinausap daw ni Krew yung lalaki. And that guy admitted that he likes you. Hindi pa natatapos daw ang pag uusap nila ng tumawag si Goddess,at yun na nga,hindi ka na nya nabalikan."

"Ganon pala. Eh sino yung lalaki?" ang tanong ko ulit. Nacurious kasi ako eh,yung Prijie sinabi kanina na gusto ako,tapos may isa pang psycho na naglagay ng drugs sa iniinom ko para masolo ako dahil gusto nya ako. Ano na ba nangyayari sa daigdig.

"I dont know. Someone na kilala ni Krew." ani Bullet at nagkibit balikat. "So,kontento ka na? Huwag ka ng magtampo,balik na tayo sa tropa." aniya at umakbay sa akin.

Bigla tuloy akong napaisip,hindi naman ganito buhay ko nung high school. So ibig sabihin dapat na maging handa ako sa kung ano pa ang magaganap.

"Nasan ang tropa?" pagkuway tanong ko.

"Sa cafeteria o nasa mga klase na nila." ang sagot ni Bullet at tumayo na saka nag inat.

Pagkatapos nun ay dumiretso na lang ako sa next class ko. Napag pasyahan kong mamasyal muna mag isa sa Mall mamaya. Hindi naman siguro iyon malalaman nina Mama at Papa. Kung bakit ba naman kasi grounded pa ako,hindi ko naman kasalanan ang nangyari.

Kaya ayon,ng dissmissal na ay wala akong sinabihan sa tropa kahit isa kung anong balak ko. Baka kasi isa pa sa kanila ang magsumbong edi patay ako.

Paborito kong tumambay dito sa arcade ng Mall. Maraming games dito ang nakakapag palibang sa akin,gaya na lang nitong basketball. Ang dami ko ng nahulog na token at sobrang dami na nung ticket ko. Mas ginanahan pa nga ako dahil madami ng nanonood sa akin. Kailangan kong maka 5000 tickets para ma claim ko yung malaking Pichu na stafftoy.

Tuloy tuloy lang ako sa pag shoot ng may nagsimula na ding mag shoot sa tabi ko. Natigil ako dahil lahat ng tira ay pasok. Kaya naman tiningnan ko kung sino.

Si Prijie!

"Pag nalampasan ko ang score mo,makikipag date ka sa akin." nakangisi pa nyang sabi habang ang lahat ng tira nya ay pasok sa banga.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako,kung yun ang goal nya,iba ang goal ko,ang makuha ang Pichu na pinapangarap ko.

Napatingin ako sa score nya. Kingina! Malapit na nya mahabol ang score ko. Determinado ba talaga sya kahit hindi ko na sya pinansin?

Maghuhulog na sana ulit ako ng token. Pero kung talagang tatamaan ka ng malas,ayun! Ubos na pala. Shet.

"Pano ba yan? Nalampasan ko ang score mo kyuti?" nakangising sabi ni Prijie. Kinikilig pa yung mga babae sa kanya.

"Hindi naman ako pumayag sa deal mo." sinabi ko at kinuha na yung mga tickets at nagpunta sa claiming area. Sinimulan na itong ipasok sa machine para mabilang.

"Pero hindi ako tumatanggap ng hindi." aniya habang inaayos din yung mga tickets nya na mas madami pa ata kesa sa akin.

"Eh hindi nga pwede. Ngayong araw lang tayo nagkakilala,at hindi ako naniniwala na gusto mo ako." ang sabi ko na ikinatingin nung babae na naglalagay ng ticket sa machine.

"6,720 tickets. Ano po gusto nyong iclaim?" anito habang may isinusulat. Yung mga tickets naman ni Prijie ang pinasok sa machine para mabilang.

"Yan pong malaking Pichu na stafftoy!" sabay turo ko kay Pichu.

"Hindi pwede dahil ba may boyfriend ka na? Yun bang sumundo sayo kanina?" aniya habang tinitingnan ako na niyayakap si Pichu ng iabot nung babae.

"Si Bullet? Hindi no? Kababata ko yon. At saka pwede ba? Huwag ako ang kulitin mo!" sabi ko at lumayo sa kanya.

"10,050 tickets po Sir,anong gusto nyong iclaim?" napalingon ako dahil dun. 10,050? My gahd!

"Yang silver bracelet. Ibibigay ko dun sa kausap ko kanina." dinig kong sagot ni Prijie.

Langya! Ang lakas ng tama sa utak ng isang ito!

"Cute po syang gay."

"Kaya nga gusto ko sya eh."

Nako! Makaalis na nga,baka mabaliw lang ako sa ka adikan ng Prijie na ito.

"Gusto ko yang strawberry na stafftoy." sabi ng isang boses na pamilyar.

"Sige,I'll get that for you. Bibili lang ako ng tokens." sagot ng mas pamilyar na boses kaya tiningnan ko.

Si Krew at Goddess!

Umalis na si Krew at napalingon sa akin si Goddess. Tsk,patay!

"Laxmi! Tara dito,pinakuha ko pa ng tokens si Krew eh." genuine ang ngiti nya eh,kaya lumapit na ako.

"Talaga? Nandito din pala kayo." ang sabi ko naman.

"Ang cute ng staff toy mo." aniya na ikinangiti ko.

"Pinaghirapan ko eh!"

"Sinong kasama mo? Si Bullet ba? Kanina ka pa nya hinahanap." ani Goddess at tiningnan yung mga stufftoys sa loob.

"Ito na ang mga tokens."

"Nandito din si Laxmi." nakangiti pang sabi ni Goddess. Tiningnan lang ako ni Krew at tumango bilang recognition.

"Atlast I found you! Nandito ka lang pala kyuti. Here! I want to give you this." ang biglang sulpot ni Prijie.

"Wow! Ang sweet! May boyfriend ka na pala!" masaya pang sabi ni Goddess, ako naman ay hindi nakapag salita. Makulit talaga ang Prijie na ito. Nilingon ko si Krew na busy na sa pagsungkit ng stafftoy.

"Hindi ko sya boyfriend!"

"Tama sya! Kasi manliligaw pa lang ako." nakangising sabi ni Prijie at naisuot agad sa akin yung bracelet. "Ayan. Bagay sayo."

"The fuck? What are you doing here? Diba sinabi ko na sayong stay away from Laxmi?" ang biglang singhal ni Krew na ikinagulat namin ni Goddess.

"Chill dude! I cant stay away from him. I like him,diba sinabi ko din yan sayo?" ang cool pa ding sagot ni Prijie.

Teka? Anong nangyayari?

"Wait! What's happenning?" ang taka ding tanong ni Goddess.

"Lets go!" at sabay kaming dalawang hinila ni Krew palabas sa arcade. Nagkatinginan kami ni Goddess,pareho kaming nagtataka.

Direderetso lang ang lakad namin hanggang makarating kami sa parking.

"What was that?" hinihingal na sabi ni Goddess. Tiningnan sya ni Krew bago bumaling sa akin. Galit sya,kita sa mga mata nya at nagtatagis nyang bagang.

Anong ikinagagalit nya?

"May problema ba Krew?" ang hindi ko mapigilang tanong. Tiningnan lang nya ako ng masama,saka kinuha ang cellphone nya at nag dial.

"What's happenning?" ani Goddess sa akin,nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi ko din alam kung anong nangyayari.

"Hello,Bullet? Tol,pwede ka bang pumunta dito sa O-Mall,nasa parking kami. Pakisundo si Laxmi,I dont like him here,mukha syang chaperone." ani Krew sa kausap nya na talagang ikinalaglag ng panga ko.

Sino sya para magsalita ng ganon? Sinasagad ng gagong to ang natitira ko pang pasensya. Ginusto ko ba na makita sila? And what the fox? Ako chaperone? Bigwasan ko scrotum nya eh! Bwiset!

"Yeah. Grounded nga sya diba? That's why pinapasundo ko sayo." ang dagdag pa ni Krew.

"Goddess,uuwi na ako." ani ko at tumalikod na. Baka kasi pag nagtagal pa ako dito ay makarate ko lang ang animal na Krew na yan. He's really getting into my nerve.

Nakasakay na ako ng taxi ng marealize ko ang mga nangyari.

Una,bakit ganon ang reaksyon ni Krew ng makita si Prijie? At bakit agad nya akong inilayo.

Pangalawa,bakit sinabi nya na sinabihan nya si Prijie na layuan ako. Ano ba ang ginawa ni Prijie?

Pangatlo,bakit hindi nya yon sinabi kay Bullet? Bakit iba ang sinabi nya?

Pang apat. Ibig sabihin,magkakilala sina Krew at Prijie.

Ugh! Wala akong mahanap na kasagutan. Pati yung lalaki sa bar ay misteryo din sa akin. Tae naman talaga oh? Bakit ba nangyari ang mga to?

Mabuti na lang at wala pa sina Mama at Papa ng makauwi na ako. Kaya agad na akong dumiretso sa kwarto. At ganon na lang ang gulat ko sa naabutan ko.

Si Bullet,nakahiga sa kama ko at ginawa nyang unan ang dalawa nyang kamay. Sinundan nya ako ng tingin ng ilapag ko ang aking bag sa study table.

"Anong ginagawa mo dito? Sino nagpapasok sayo dito?" ang sabi ko at pinawengan sya.

"Ang mga katulong nyo. Nandito ako dahil pinapasundo ka ni Bullet,pero habang kausap ko sya ay bigla ka daw umalis,kaya naisip kong puntahan na lang kita dito." aniya at sumandal sa headboard ng kama ko.

"That shit." ang inis kong bulong. I dont think na magkakasundo pa kami ng ungas na yon. Pakitang tao lang yung sa Parola,sana pala,umpisa palang hindi ko na sya kinausap.

"Its not nice na bumuntot sa date ng magjowa Lax. Kung may lakad ka at ayaw mong kasama ang tropa,ako ang isama mo. At nakalimutan mo bang grounded ka? Mabuti na lamang at wala pa sina Tito at Tita." ang mahaba nyang sabi.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan sya ng masama. "Naniwala ka naman sa gagong iyon? Sya nga ang sumira ng dapat ay masaya kong araw!" ang inis ko namang sabi.

"Masaya kang nag gagala mag isa?" aniya at umayos ng upo,tumabi sa akin. Pota din tong isang ito,ang bango.

"Hindi ako mag isa. Kasama ko si Prijie!"

"Sino?!"

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon