22. Pre-Finale

8K 251 22
                                    

KREW --

Dahil ako ang pinaka apektado ay pinauwi nila ako matapos alisin sa ICU si Laxmi at ilipat sa isang private room.

Ang sabi ng duktor,they will still monitor him within 24 hours,at pag hindi pa sya nagising ay idedeklara na nila siyang comatose.

Tulala lang ako ngayon dito sa kwarto ko,pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga ng maayos. Sinisisi ko ang sarili ko,na kung sana,hindi ko na sya pinuntahan sa kanila hindi kami makikita ni Goddess. Na sana,walang aksidenteng nangyari.

Mabigat ang pakiramdam ko na naligo. My parents ask me a while ago kung anong nangyari at wala akong maisagot. Tumulo lang ang luha ko,and by then siguro alam na nilang may pinagdadaanan akong mabigat. Hindi nila alam ang tungkol kay Laxmi,ang alam pa din nila ay kami ni Goddess,kaya nga hindi ko alam kung paano sasabihin ang lahat lahat sa kanila.

Ngayon lang ako natakot ng ganito,ngayon lang ako nakaramdam na parang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.

Hindi ko alam kung paanong napunta sa ganito katinding pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Laxmi. Siguro,tama nga sila na pag pinipigilan ay mas tumitindi.

At first,oo hinangaan ko ang kagandahan nya dahil bihira lang ang mga bading na may ganung ganda kahit na hindi mag make up,I never imagined myself falling for another guy,kaya nga pinigilan ko din talaga,pero hindi ako nagtagumpay.

Matapos makapag isip ay naligo na ako at nagbihis,kailangan lagi kong mabantayan si Laxmi,gusto ko po syang makasama,gusto ko pang madinig ang mga pagtawa nya,gusto ko pang makita ang mga ngiti nya. Kung maaari lang sanang ako na lang ang nakaratay dun ay mas mainam siguro.

Pagdating ko sa ospital ay sina Prijie at Bullet ang naabutan kong nagbabantay kay Laxmi. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Umalis sila para magpahinga,pero babalik din daw. Sina tita at tito naman pumunta sa opisina nila para icancel ang lahat ng commitments nila." sabi ni Bullet. Napatingin ako kay Laxmi.

Nanginig ang tuhod ko at nanikip ang dibdib ko. Ang hirap nyang tingnan,ang daming nakasalpak sa kanyang tubo at parang ang makina na lamang ang bumubuhay sa kanya.

Lumapit ako,hinawakan ko ang kamay nya at naupo sa tabi nya. "Patawarin mo ako,lumaban ka please. Pangako,pag gumising ka,magiging masaya ka na,hindi ka na magdudusa,hindi ka na masasaktan."

"Nung nabugbog ako ng gang,si Laxmi ang dahilan,sinabi nila na pahirapan ko pa sya,pero tumanggi ako at umayaw sa grupo kaya nabugbog ako. Pero isang araw,nagulat ako at dinalaw nya ako sa ospital,kahit sobrang sama ng ginawa ko sa kanya ay pinatawad nya pa din ako. Kaya kung ano man ang nagawa mo,tol. Im sure,mapapatawad ka ni Laxmi,kasi ganyan ka nya kamahal." mahabang sabi ni Prijie na ikinalingon namin ni Bullet.

"Pero,hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko sya." ang sabi ko naman.

"Then,sabihin mo. Maaaring nakapikit sya,pero sigurado akong nakikinig sya." ani Prijie. Napatingin ako kay Bullet,tapos kay Laxmi.

"Matapang si Laxmi,lalaban yan. Hindi nga sya natakot na sumugal. Nagkamali nga lang kayo. Pero hangga't hindi pa huli ang lahat,ayusin mo na,tol." ang sabi ni Bullet. Naisip ko si Goddess kaya napatayo ako. Tama sya,hangga't hindi pa huli ay aayusin ko na.

"Salamat." ani ko.

"Kami na bahala kay Laxmi." sabi pa nito. Bago ako lumabas ay tinapik pa nila ako sa balikat.

Pumunta muna ako sa information desk para malaman ang kwarto ni Goddess,at napag alaman kong sa third floor pala ito kaya dali-dali akong pumunta.

Pinihit ko ang doorknob,bukas. Kaya pumasok na ako. Napalingon sa akin si Goddess na nakasandal sa headboard at si Ize na nakaupo sa isang monoblock katabi ng kama.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon