Lakad takbo ang ginawa ko papuntang gate 1. Grabe lang ang adrenaline rush ko. Bakit ganito ako ka excited makita sya?
Humihingal akong nakarating sa gate 1. At dun nakita ko sya,agad ko syang tinawag.
"Bullet!" ang excited kong pagtawag pero natigilan din ako ng makita ko kung sino mga kasama nya.
Si Majo,si Krew at ang girlfriend nito.
"Laxmi! Sabi na nga ba,dito ka din mag aaral eh." ang nakangiting sabi ni Bullet ng makalapit ako,nagulat pa ako ng yakapin nya ako.
"Si Bullet may yakap,ako wala? Ganyanan tayo ah?!" ang natatawang sabi ni Majo kaya sya naman ang niyakap ko.
"Kamusta kayo?" ani ko at napatingin kay Krew na kaholding hands ang girlfriend pero sakin nakatingin. Tinanguan ko lang sila bilang recognition.
"Ayos lang kami. Pero mas naging okay ng malaman naming pareho kayo ni Majo dito mag aaral." ani Bullet. "Diba tol?" pagbaling nito kay Krew.
"Ito ang tinatawag na coincidence,ngayon hindi na tayo magkakahiwalay." dagdag pa ni Majo.
"Oo nga eh,mas marami na tayo ngayon." ang sabi ko naman,tumabi sakin si Bullet at umakbay. Parang bigla akong nanginig. Ewan ko kung bakit.
"Ay! Nga pala,nakalimutan ko,girlfriend ni Krew,si Goddess. Goddess si Laxmi nga pala." ani Bullet.
"Hi!" ang sabay naming sabi ni Goddess. Nagulat pa ako dahil bineso nya ako. Napaka genuine din ng ngiti nya. Magandang mukha,magandang ugali. Bagay sila ni Krew. Nakaramdam tuloy ako ng inggit.
"Diba ikaw yung nagtanong kanina? Nasan na mga kasama mo? At bakit hindi kayo nagpansinan ni Hon?" ani Goddess na ikinatigil ko. Tumingin sina Majo at Bullet samin ni Krew.
"Ah yon ba? Nagmamadali kasi kami diba? Kaya hindi na namin nabati si Krew. At yung mga kasama ko,iniwan ko muna saglit para nga dito kay Bullet." ang sagot ko naman. Bakit ba ako kinakabahan? Pag malapit si Bullet kumakalabog ang dibdib ko,pag si Krew naman ay naiilang ako.
"Wow ah? Maiinsulto ba ako o kikiligin?" nakangising sabi ni Bullet. Inilibas ko lang ang dila ko at inirapan sya. "Kagatin ko yan sige ka!"
"Tse!" ang mamula mula kong sabi.
"Tama na yang bromance nyo,gusto ko ng makita sina Pretty,Maiden,Yeobo at Kopi." ang pagsingit ni Majo at hinila na ako.
"May kasama kayo oy! Hintay!" sigaw ni Bullet.
"Nakakatuwa si Laxmi." dinig kong komento ni Goddess sa likod namin ni Majo.
"Ganyan talaga yan,energetic." sagot ni Bullet at tumawa.
Bakit ang tahimik ni Krew? Hindi naman sya ganyan nung nasa batangas kami. Nakakapanibago lang. Pakiramdam ko galit sya sa akin or what.
At yon,nang magkita kita na ang lahat kala mo may fiesta. Panay ang picture taking nina Maiden at Pretty. Agad nilang nakapalagayang loob si Goddess,harap harapan nila ito kung purihin,at isa ako dun,maganda nga talaga sya kahit paulit ulit pang sabihin. Ang sarap siguro maging ganon kaganda.
"Bakit hindi tayo mag bar hopping mamaya?" ang sabi ni Kopi. Nasa iisang mesa na lamang kami. Ang sosyal ng university na ito,kahit enrollment palang akala mo may regular class na dahil sa dami ng estudyante.
"Agad agad? Enrollment palang uy!" ang agad kong bura.
"Okay lang yan Laxmi,para mas magkakilanlan lahat diba?" nakangiting sabi ni Goddess.
"Tama,makinig tayo sa Miss Campus namin last year." sabi ni Bullet. Ngumisi si Krew na parang proud na proud pa. At kami naman ay nalaglag ang panga.
BINABASA MO ANG
Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!
Novela JuvenilBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Kaka-graduate pa lamang ni Laxmi Buenviaje ng Grade Twelve at naisipan nyang mag bakasyon sa Lolo at Lola nya sa Lian Batangas. Malapit ito sa dagat na kinalakihan nya noon at paborito din nyang puntahan ang lumang Parola...