13. a day with Prijie.

8.7K 248 10
                                    

"What if I am? What would you do?" tumigil ata ang paghinga ko ng sabihin iyon ni Krew.

Sa labas ng CR,sa kinatatayuan ko ay hindi ako nakakibo. Totoo ba yung nadinig ko mula kay Krew.

"Your'e kidding. May girlfriend ka,imposible yan. Youre just power tripping." dinig kong sabi ni Bullet pagkatapos ng ilang saglit. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumipad ang utak ko,kaya ng bumukas ang pinto ng CR at iluwa silang dalawa ay sobrang nagulat ako at hindi agad ako nakakibo.

"Laxmi? Kanina ka pa dito?" ang hindi mapakaling tanong ni Bullet. Hindi agad ako nakasagot kaya ibinaling ko ang tingin kay Krew na mataman akong tinitingnan,agad akong nagbawi ng tingin dahil naisip ko agad ang sinabi nya kanina. This can't be true.

"Uhm hindi,papasok pa lang sana ako. Kanina ko pa gusto mag CR." ngiti ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa ngunit binalewala ko iyon. Pumasok ako sa Cr,nagkulong ako sa isa sa mga cubicle.

Bakit ganon? Nananadya ba sila? Balak ba talaga nilang guluhin ang isipan ko?

Ngayong nahuhulog na ang loob ko kay Prijie,saka naman umamin si Bullet,tapos ngayon si Krew naman? Pinagtitripan ba nila ako? Ganon ba talaga ang mga lalaki sa mga bakla? Hilig nilang pagtripan?

Pagkatapos ng nangyaring pambababoy sa akin noon,parang ayaw ko ng magtiwala sa mga lalaki. Parang isang malaking trip para sa kanila ang mga bakla.

"Lax? Are you okay?" boses iyon ni Bullet kaya napakislot ako.

"Ah oo. Masakit ang tyan ko! Sige na,umalis ka na." ang sabi ko naman at umayos ng pagkaka upo.

"Are you sure youre okay?"

"Oo nga!"

"Okay. Magkita na lang tayo mamayang break." aniya,kasunod nun ay nadinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng CR.

Tumayo na ako at lumabas ng cubicle,naghugas na ako ng kamay sa sink kahit hindi naman ako dumumi. Napatingin ako sa reflection ko sa salamin.

Hindi ko na makilala ang sarili ko. Pumayat ako at parang luluwa na mga mata. Masyado akong na stress talaga sa mga nangyayari sa akin.

Paglabas ng CR ay huminga muna ako ng malalim at saka tinungo ang first class ko. Late ako ng 10 minutes pero pinapasok pa din ako.

Gusto ko mang tumutok at makinig sa lesson pero hindi ko magawa. Ang dami kong iniisip,ang dami kong katanungan,mga katanungang gusto kong magkaroon ng kasagutan.

"Kanina ka pang lutang." ani Maiden ng nasa cafeteria na kami.

"Wala lang." ang lutang kong sagot.

"Hindi siguro sya makapaniwala na gusto sya ni Bullet." nakangising sabi ni Majo.

"Here comes the devil." ang bulong ni Kopi sa tabi ko.

"Okay ka na Lax?" nakangiting tanong ni Bullet ng maupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako at tumango bilang sagot.

"Bagay talaga sila." kinikilig na sabi ni Goddess,tumabi sila ni Krew kay Maiden,sa harapan ko.

"I agree." ani Majo na pumalakpak pa. Hay nagagawa pa nilang matuwa. Kung alam lang nila ang nararamdaman ko.

"Bakit ba si Laxmi ang topic nyo palagi? Bakit hindi nyo isipin ang nalalapit na exam?" sabi ni Yeobo. At yun nagreak na nga sila at tungkol na sa nalalapit na exam ang naging topic nila.

Tahimik lang ako. Titingin kay Bullet,titingin kay Krew. Hindi kasi talaga mawala sa isipan ko yung pinag usapan nila sa CR. At pag napapatingin ako kay Goddess ay nakakaramdam ako ng pagka guilty,na hindi naman dapat diba?

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon