19. Masarap ang bawal!

9.2K 262 19
                                    

Sa bawat araw na dumadaan,mas nagiging malapit lalo si Krew at mas hulog na ako sa kanya. Halos hindi na nga ako mapakali pag hindi sya tumitingin. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi sya tumatambay sa kwarto bago kami matulog. Ito yung ikinakatakot ko,hindi ko talaga nako-control ang damdamin ko kahit ilang beses ko ng sinabi sa sarili na dapat natuto na ako sa mga ginawa ni Prijie.

Ngayon,dahil sobrang mahal ko na si Krew ay mukhang papayag akong maging kabit. Hindi man nya nililinaw kung ano ba talaga kami,pero sapat na sa akin yung mga aksyon at ipinapakita nya. Minsan nagsasabi sya ng mga bagay na may ibig sabihin. At dahil hulog na hulog na ako,wala na akong pakialam kahit ako pa ang masaktan sa bandang huli. Ang mahalaga sa akin ay mabigyang atensyon ng taong mahal ko.

"Masaya ako na ganito tayo. Matagal ko itong pinangarap." ani Krew. Bumilis ang pintig ng puso ko. Nakahiga kami,hawak nya ang kamay ko at ginuguri ng hintuturo nya ang aking palad.

"A-ako rin." simple kong sagot. Sa totoo lang ay tinotolerate na nga kami ng tropa. Ang sabi ni Kopi,kung ano ang mga nangyayari dito ay mananatili na lamang dito. Pati ako,gusto ko na lang manatili dito para makasama pa si Krew. "Tara na,baba na tayo. Sayang ang despedida kung magkukulong tayo dito sa kwarto."

Sabay na kaming lumabas. Madami na namang tao,akala mo fiesta,ganito talaga sina Lolo at Lola. Nung isang araw dumating sina Mama at Papa nag Matabungkay kami kaya sobrang saya lang. Ngayon despedida namin,bukas kasi luluwas na kami pabalik ng Manila.

Gusto ko itong nangyayari sa amin ni Krew. Pero kung nasa Manila na uli kami,hindi ko na alam,kasi alam kong may Goddess. Hindi man malinaw kung ano ba talaga kami ay kuntento na ako.

Nabulag ako noon kay Prijie,na kahit na alam ko namang si Krew ang gusto ko ay binalewala ko ito. Pero lalabas at lalabas din pala ang tunay na damdamin. Nagwawala,naghuhumiyaw at ang hirap labanan.

Ipaglaban o bitawan man ako ni Krew,sarili ko lamang ang dapat sisihin,dahil umpisa pa lang alam ko ng mali pero pinagpatuloy ko.

Sa gitna ng inuman nila ay nagpaalam ako na mag CR muna. May CR kasi malapit sa kusina. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lalabas na dapat ako pero napatigil dahil sa aking narinig.

"Ano tong ginagawa mo tol?" boses iyon ni Bullet. Idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto ng Cr.

"Alam mo kung anong ginagawa ko." si Krew naman.

Ano ito? May maririnig na naman ba akong ikakagulat ko?

"Masasaktan si Laxmi. Itigil mo na yan." ani Bullet. Kumalampag na ang dibdib ko.

"Hindi ako titigil. Sigurado na ako dito at hindi ko hahayaang masaktan ulit si Laxmi." ang sagot ni Krew. Napalunok ako.

"Hindi mo sya sasaktan? Pero si Goddess sasaktan mo?"

"Pabayaan mo na ako. Problema ko ito,tol." ang parang frustrated na sagot ni Krew.

"Bahala ka na nga. Pero pag nasaktan si Laxmi dahil sayo. Kahit hindi ko sya mahal ay ilalayo ko sya sayo,mahal ko sya bilang kaibigan." at narinig ko na lang ang mga yapak nila palayo.

Napahinga ako ng malalim. Oo nga Krew,sino sa amin ni Goddess ang hahayaan mong masaktan?

Pero sinagot ko na din ang sarili ko,na ako ang masasaktan. Pero titiisin ko. Ganito naman pag nagmamahal diba?

Bumalik ako sa kanila na kunwari ay wala akong narinig. Pinapatabi ako ni Krew sa kanya pero kay Kopi ako tumabi na ikinasalubong ng mga kilay niya.

Kinabukasan ay maaga kaming bumyahe pabalik ng Maynila. Kailangan kong humabol sa enrollment ng 2nd sem at may mga idadagdag pa akong mga subject.

Mula pag alis sa Batangas hanggang sa makarating sa Manila ay yung pinag usapan nina Bullet at Krew ang iniisip ko. Ngayon pa lang,kailangan ko ng tanggapin,ano ba naman ang laban ko sa napaka ganda at napaka bait na si Goddess? Pasalamat na lamang ako at naambunan ako ng atensyon ni Krew.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon