PLEASE PRAY PARA SA AMING MGA TAGA VISAYAS,ANG LOKAS NG LINDOL AT WALANG TIGIL AS OF OCTOBER 15,2013,8AM
---
"Sa wakas! Im free! Weehh! Na miss ko to! Fresh air at ang sea breeze!" hindi ko mapigilang bulalas ng tumigil na ang trycicle sa tapat ng ancestral house namin.
Susulitin ko ang bakasyon ko! Hahaha! No books! No chalks! No boards! No teachers! This is life! This is my vacation!
Tumingin ako sa paligid,nagtitinginan na sa akin yung mga ka lugar namin,yung iba pamilyar sa akin,yung iba hindi na. Nasan na kaya yung mga kalaro ko sa dalampasigan noon? At saka,buhay pa din kaya yung parola na lagi kong tinatambayan nung elementary pa ako?
"Laxmi? Ikaw baga iyan?" ani ng isang boses ng babaeng,puntong batangeño talaga haha! Nilingon ko ito at saglit tinitigan,hindi ko kasi makilala.
"Ay sya! Ako baga'y nakalimutan mo na? Ala eh,ako ire si Majo." pagkuwa'y sabi ulit nito. Ng makilala ko'y nagningning mga mata ko. Sya ang bestfriend ko dito. Jusko! Kahit morena napaka ganda nya na ngayon.
"Majo! Eehhhh! I mishyou!" tuwang tuwa kong sabi at niyakap ito. Nagtatalon pa ako na parang timang.
"Mabuti naman at naisipan mo pumunta dito? Ala'y katagal na ng huli mong punta dine." anito ng maghiwalay kami ng yakap.
"Ay naku! naku! Kailangan tapusin ang pag aaral! Imbudo kasing DepEd yan,dinagdagan ang mga bawat baitang,ayan kaka graduate ko lang ng grade 12,my god half of my life napunta sa pag aaral ah?! Just imagine 18 na ako saka naka graduate,kung sa tutuusin eh dapat 2nd o 3rd year college na ako." mahaba kong sabi at nilingon ang bahay. Parang walang tao? Nasan kaya mga yon?.
"Hahahaha! Ka'y daldal mo talaga,ako naman ay kaka graduate lang din ng grade 12 gaya mo. Grabe ka,ang puti mo lalo at ang kinis mo,natuluyan ka na talagang maging binabae." ang natatawang sagot nito sa akin.
"Parehas tayo! At saka alam mo yan,bata pa lang tayo ay pumipilantik na mga daliri ko no? Teka,mamaya o bukas na natin ipagpatuloy ang chikahan,nandyan ba sina Lolo at Lola?"
"Oo,nandiyan sila,inutusan pa ako ng Lola mo kanina. O sige,bukas na la-ang tayo maghuntahan!" anito at umalis na. Ako naman ay binuksan ko na ang may kalumaan naming gate at pumasok na sa loob. Wala pa ding pinagbago,alaga pa din ang mga halaman,at ang fountain ay ginagamit pa din. Namiss ko ng sobra ang lugar na ito,mabuti na lang talaga na pumayag sina Mama at Papa na magbakasyon ako dito.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko,malapit ng mag alas dose ng tanghali. Nagpunta na ako sa main door,pinihit ko ang seradura at bumukas ang pinto kaya dahan dahan na akong pumasok.
Im sure nasa kusina sila. Nilibot ko ang paningin sa paligid,pati ang mga gamit ay walang pinagbago,mga anttique na. Nandun pa din sa tabi ng hagdan yung grand piano. At sa dingding sa kanan nakalagay pa din ang family portrait namin at katabi nun ang portrait nina Lolo at Lola nung ikasal sila.
Tinungo ko ang living room,yung mga sofa lang ata ang mga bago. Na engganyo akong mahiga sa sofa,parang bigla kasi akong inantok. Siguro kasi sa adrenaline rush kanina, 2AM pa lang gising na ako dahil alas otso ako natulog. Nilapag ko ang dalawa kong malalaking bag sa gilid nung couch,ang bibigat ng mga walangyang bag na yan.
Nahiga na ako at pumikit. Alam kong magugulat sila pag nakita ako.
"Santisima santa barbara! Domeng! Domeng! Nandito ang apo natin! Nandito si Laxmi!" napamulat ako sa boses ni Lola.
"Lola! I mishyou!" agad akong lumapit at pinupog ng halik si Lola bago nag mano at yakapin ito.
"Ano ika mo Maring? Nandit-- apo! Kailan baga ikaw dumating?"
BINABASA MO ANG
Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!
Novela JuvenilBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Kaka-graduate pa lamang ni Laxmi Buenviaje ng Grade Twelve at naisipan nyang mag bakasyon sa Lolo at Lola nya sa Lian Batangas. Malapit ito sa dagat na kinalakihan nya noon at paborito din nyang puntahan ang lumang Parola...